Epilogue:

2.9K 73 2
                                    

INILALAYAN ni Voxx si Celine nang makalapag ang helicopter sa white beach. Kaagad na naramdaman ni Celine ang buhangin sa kanyang mga paa nang makatungtong na sila sa white beach. Umalis na ang helicopter dahil inihatid lang sila ng piloto nito sa isla na pagmamay-ari ni Voxx. Kaagad na inilibot ni Celine ang kanyang paningin sa paligid, preskong presko ang maalat na hangin na humahampas sa kanyang balat. Walang ipinagbago ang isla at kasing ganda pa din ito noong huli silang nakapunta dito.

"Let's go..." Niyaya siya ni Voxx papunta sa beach house at ang lalaki na mismo ang nagdala ng kanilang mga maleta. Gaya ng dati, sila lang din dalawa ang naririto sa isla. Tahimik, maganda ang paligid, mapayapa, at masaya siya na nakapunta ulit dito.

Pagdating nila sa beach house ay inilagay ni Voxx ang kanilang mga maleta sa kwarto at kaagad itong bumaba sa sala papuntang kusina. Malapit na kasing magtanghalian at nagluto na kaagad ang binata para sa kanilang dalawa.

"How about roasted meat for lunch?" He asked Celine when she followed him in the kitchen. Tumango lang si Celine at kanina pa ito tahimik kaya naman nakakapagtaka ito para kay Voxx. "May gusto ka ba?"

Tumingin sa kanya ng diritso si Celine at parang nabuhayan ito nang tanungin niya ang babae. "Gusto ko ng kambal na papaya."

"What the?" Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano sa sinabi ni Celine. Saan naman siya makakahanap ng kambal na papaya? Maraming prutas dito sa isla subalit mahihirapan siyang maghanap ng kambal na papaya.

"Huwag na lang!" Binawi ni Celine ang kanyang sinabi at tumingin ulit sa binata. "Gusto ko na lang ng kambal na buko."

"Damn..." He cursed. Hindi niya alam ang mga mood swings ni Celine, hindi din niya ito pweding tanggihan dahil buntis ito at baka mapaano ang bata kapag hindi nakuha ni Celine ang gusto nitong kainin. Sa tingin niya naglilihi na ito at bakit puro kambal? Talagang kambal pa na mahirap hanapin.

"Iba na lang..." Hindi alam ni Celine kung ano ba talaga ang gusto niyang kainin. She's craving for something but she wants a twin fruit. Kahit ano, basta kambal na prutas.

"No, I'll just call my secretary." Wika ni Voxx at kaagad niyang tinawagan ang numero ng kanyang secretary at nagpahanap ng kambal na mga prutas na sinabi ni Celine. Voxx have a lot of connections specially to farmers, kaya naman mukhang hindi na siya mahihirapan pa. "Thank you, just make it quick." He said and then he cutted the call.

Bumalik ulit siya sa pagluluto ng ulam nila ni Celine at kinaway ang babae na lumapit sa kanya para maamoy niya ang mabango nitong buhok.

"Your fruits will be here soon..." He said and then he hugged her closer to him while grilling the meat.

Kumain na sila ng tanghalian at mabuti naman ay nakarating na kaagad ang mga prutas na inutos niya sa kanyang secretary. Fresh from the farm pa talaga ang mga ito at mukhang masaya si Celine na sinalubong ang mga prutas na dinala ng kanyang tauhan dito sa isla.

Celine was excited when she saw the twin papaya and the twin coconut. Binuksan ito ni Voxx at inihanda para makain na kaagad niya kaso nang maamoy niya ang papaya ay nahilo siya at mas lalo na noong naamoy din niya ang buko. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa banyo at sumuka. Hindi niya alam, paborito niyang prutas ang papaya at buko subalit hindi niya nakayanan ang kakaibang amoy nito.

"Are you okay?" Tanong sa kanya ni Voxx at marahan na hinahaplos nito ang kanyang likod. Lumabas na sila sa banyo matapos niyang isuka lahat ng pweding ilabas. "Hindi mo na kakainin ang mga prutas?"

Umiling iling siya. "I don't want them anymore. Gusto ko na naman ay kambal na saging."

Voxx sighed. Parang mapili yata si Celine at hindi naman niya pweding tanggihan ito dahil naglilihi ang babae. This is their first baby and he wants everything to be fine and perfect specially Celine's safe delivery.

[Completed] Wild Romance Series 1: Voxx Rower MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon