THEY WERE dancing alone together in the woods, singing their favourite songs, and eating freshly picked fruits from the farm. They were laughing, smiling, and talking with their heart's content. Being free and happy like this was one of those amazing moment of being a kid. Swimming together in the wide and clear river if they have some spare time and rolling their body on the ground of beautiful flowers.
"Cecelia!" Tinawag ni Karding ang kalaro niyang babae. "Kaya mo 'to?" At pinakitaan niya ang batang babae ng mala-acrobatics skill niya.
Napangiwi naman ang batang babae habang tinitignan siya. "Hindi ka ba nahihirapan? You might break your own bones, Karding."
Napabagsak ang katawan nito matapos ang acrobatics exhibition niyang ipinakita sa batang babae. Kaagad namang humiga kasama niya ang babae at nakita nito ang pagod sa pagmumukha ni Karding.
"That was amazing Karding but don't do that again. You might hurt yourself..." Sabi niya sa kalarong si Karding na may kulay karagatan na mga mata.
Tumawa lang si Karding. "Huwag kang mag-alala ma'am Cecelia, sanay na sanay ako sa ganun. Gusto mo ba akong makita na akyatin ang pinakamataas na puno ng niyog dito sa hacienda niyo?"
Her little almond eyes widened. "Kaya mo yun!? Really Karding!?"
"Sus! Chicken!" Karding replied in a boastful manner.
Kaya naman kapwa nilang pinuntahan ang pinakamataas na niyog sa hacienda ng batang babae. Bigla na lang siyang kinabahan para kay Karding nang makita niya ang puno ng niyog.
"Maybe this is a bad idea, Karding." Pilit niyang kinukumbensi ang batang lalaki na huwag umakyat.
Napailing iling naman ito. "Sanay na akong umakyat ng puno ma'am kaya zero balance na yan para sakin." Kinindatan pa siya nito bago inumpishan ni Karding ang pag-akyat sa mataas na puno ng niyog.
The little girl was just watching him from below. She was excited and nervous at the same time.
"Be careful!" She shouted him.
"Oo, Cecelia..." At nakatingin naman sa baba si Karding kung nasaan ang batang babae.
Subalit hindi pa siya nangangalahati sa pag-akyat ay bahagyang dumulas ang kanyang paa, hindi niya naibalanse ang munting katawan, at tuluyan na siyang nahulog.
"Karding!!!" She shouted and then she run afterwards Karding who was lying on the ground unconscious.
Walang malay ang batang lalaki at mukhang nabali pa ang kaliwang paa nito at may sugat pa yata sa likod dahil tumama ito sa medyo malaki na bato sa ibaba. Kaya naman kaagad siyang humingi ng tulong sa ibang magsasaka na malapit lang sa pinangyarihan ng aksidente at kaagad na sinugod sa hospital ang batang lalaki.
Minor injuries lang naman at fractures ang nakuha ng batang lalaki dahil hindi naman masyadong mataas ang pinag-hulugan ng munti nitong katawan. Nabagok lang ang kanyang ulo sa lupa kaya naman nawalan ito ng malay.
Umiiyak siya habang pinagmamasdan ang batang si Karding na nakaratay sa hospital bed at hindi pa din nagigising. Buti nga ay pinayagan pa siya ng kanyang mga magulang na bisitahin ang kanyang kaibigan dito bago pa siya lumuwas sa Manila upang doon na mag-aral.
"Karding..." Awang-awa siya sa sinapit ng kababata. At medyo naiinis siya dito dahil kung nakinig lang sana ito sa kanya ay hindi pa ito mangyayari.
She sobbed. "Ikaw naman kasi...ang tigas ng ulo mo, iyan tuloy di ka na makakapag-paalam sakin Karding dahil huling araw ko na ito dito sa bayan natin." At marahan niyang hinahaplos ang buhok ng kaibigan niyang si Karding. "Ihahatid nila ako ni Daddy at Mommy sa Lola ko doon sa Manila at doon na din ako mag-aaral hanggang kolehiyo. Hindi na tayo ulit magkikita pa."
BINABASA MO ANG
[Completed] Wild Romance Series 1: Voxx Rower Maddox
RomanceVoxx had once told himself that experiencing love once was enough when he lost his first love. Over the years, he allowed himself to move on, focusing on significant business endeavors. However, everything changed when he met Celine, who bore an unc...