Chapter 22:

1.8K 62 1
                                    

NAPAHAWAK naman si Celine sa kanyang ulo nang makaramdam siya ng pagkahilo. Nanghihina siya at hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Kaya naman kaagad siyang dumiritso sa banyo dahil pakiramdam niya ay nasusuka siya. Wala naman siyang ibang kinain kundi ang fried chicken na hinanda ni Aling Marites para sa kanya dahil mamaya pa ang uwi ni Voxx dito sa mansyon.

She was dizzy and her stomach grumbled. Then she vomit again.

Kaagad niyang inayos ang kanyang sarili matapos siyang magsuka sa toilet. Napahawak ulit siya sa kanyang ulo habang lumalakad siya papuntang sala at minabuti niyang maupo muna sa mahabang couch. Kanina pa siya nagdududa at hindi mapakali, tatlong linggo na din siyang hindi dinadalaw at mapili siya sa mga pagkain simula kanina.

Kaya naman inutusan niya si Aling Marites na bumili ng pregnancy test at hinintay na makabalik ang matanda. Kabado siya at halo halo ang kanyang emosyong nararamdaman.

Nang makabalik ang babae sa mansyon, kaagad nitong binigay sa kanya ang ipinabili niya at dumiritso siya sa banyo. Habang hinihintay ang resulta, mas lalo siyang naging kabado at nagsilabasan ang mga pawis sa kanyang noo nang makita niyang may dalawang linya ito.

She's pregnant with Voxx baby!

Hindi makapaniwala at hindi niya alam ang kanyang dapat gawin. Kung tatalon ba siya sa tuwa o iiyak siya dahil sa sobrang saya. Ipinakita niya naman kay Aling Marites ang resulta at masaya naman ang matanda para sa kanilang dalawa. Heto na ang pinakahihintay niya, magkakaroon na talaga siya ng kanyang sariling pamilya kasama si Voxx.

"Masaya ako para sa inyo, hija." Nakangiti si Aling Marites at hindi din niya mapigilan na mapaiyak dahil sa saya. Soon, the mansion will never be boring anymore.

She smiled and cried at the same time too. "Voxx and I are having a baby!"

"Oo hija, oo..." Masayang nagyakapan naman ang dalawa habang paulit ulit na tinitignan ang pregnancy test baka sakaling namamalik mata lang sila subalit totoo talaga. "Huwag mo muna sabihin kay Sir, gusto ko sorpresahin mo siya."

"You're right Aling Marites. Mamaya ko na lang sasabihin sa kanya pagkatapos ng dinner namin." She smiled and screamed with pure bliss. Kulang na lang ay tatalon siya sa tuwa subalit hindi niya iyon gagawin baka naman mapahamak ang bata.

Hindi naman siya mabibigla kung mabubuntis siya dahil hindi naman sila gumagamit ng proteksyon ni Voxx. Pero masaya siya dahil simula sa araw na ito ay nangarap siyang magkaroon ng masayang pamilya kasama ang lalaking minamahal niya.

And then thousands of conclusions claimed her thoughts. Ano kaya ang mararamdam din ni Voxx kapag sasabihin niya ang balitang ito? Magiging masaya ba siya o hindi? Tatanggapin ba nito at bubuo sila ng pamilya o pananagutan lang ang bata?

Pero ayaw niyang pangunahan ang lalaki. Hihintayin niya itong makauwi at pagkatapos ng dinner nila, sasabihin na niya sa binata.

Hinintay niya si Voxx hanggang sa sumapit na ang alas sais ng gabi bago ito tuluyang nakauwi. Masaya niyang sinalubong ang lalaki at kaagad siya nitong nilunod sa mainit na yakap at mga halik.

"Baby..." He was hugging her tightly and kissing her head just like he always do. Kaso nga lang, mukha itong pagod at hindi niya alam kung bakit. "Let's go to the terrace..."

Tumango naman ang dalaga at sinamahan si Voxx na dumiritso sa terasa ng mansyon. Nakahanda na ang mga pagkain at ang kanilang lamesa sa gitna ng terasa. Just like their first dinner date, the round table was on the center—petals of roses are scaterred on the floor, some foods and a red wine, white candles are also present, and the perfect view of the full moon above. Nakatayo si Aling Marites sa gilid at alam na niyang may kinalaman sa mga pakulo ni Voxx ang matanda, kaya naman lumayo ito nang makarating sila at iniwan sila ng matanda.

[Completed] Wild Romance Series 1: Voxx Rower MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon