"MALAPIT na pala ang birthday ko, papa..." Napukaw ang atensyon ni Voxx nang magsalita ang munting anghel na kasama niya. Nililibot kasi nila ang National Park sa City dahil gusto niyang malibang ang kanyang anak sa araw na ito. Masaya si Voxx na kasama niya ang kanyang anak at makikilala niya ito subalit hindi din niya maitatanggi na ang kanyang isipan ay nakalutang lang para kay Celine. Wala na kasi silang maayos na usapan ng dalaga simula noong isang gabi at palagi itong matamlay sa tuwing kinakausap niya ito. Alam niyang nasaktan na naman niya ang dalaga subalit kailangan din niyang gampanan ang responsibilidad bilang ama upang makabawi siya sa mga panahon na hindi niya kapiling ang anak nila ni Cecelia.
"Anong gusto mong regalo?" He asked his little angel while holding her little hands tightly. It was unexpected too, he never thought that Cecelia and him had a child. Buti naman ipinakilala siya ni Cecelia sa kanilang anak at hinayaan na makabawi siya sa mga panahon na wala siya para dito.
Pero hindi ibig sabihin nito na magkakabalikan na sila ni Cecelia. Una sa lahat, gustong niyang magpakasal kay Celine at pangalawa, may asawa na din si Cecelia kaya wala naman sigurong malisya kung gagampanan niya ang tungkulin niya bilang ama sa bata.
Ang anak lang naman nila ang kanyang habol at wala na siyang ibang intensyon. Iyon ang gusto niyang malaman at maramdaman ni Celine para hindi na ito magduda at magselos subalit hindi niya magawang makausap ito dahil palagi na lang itong matamlay sa tuwing nagtatangka siyang kausapin ang dalaga at mukhang wala ito sa mood palagi. Wala na rin silang maayos na komunikasyon ni Celine kahit pa na nakatira lang sila sa iisang bahay at magkatabi sa kama tuwing gabi. Mukha din itong pagod parati at galit sa tuwing gusto niyang painitin ang kanilang mga katawan.
"I want you and mom to be together again..." The little girl said as if she was just wishing for a stupid magic. Even Voxx was shocked too, alam niyang hindi niya kayang maibibigay yun dahil hindi na niya mahal ang ina nito.
"Baby..." Tumigil sila sa paglalakad at lumuhod siya upang maging pantay ang kanilang tangkad. "It's not that easy because your mommy had a husband while papa will going to marry the girl he loves..."
Napayuko naman ang batang babae na halatang nadismaya at nagtampo sa kanyang sinabi. Hindi din niya alam kung paano mapapagaan ang loob nito sa paraang hindi masasaktan sa katotohanan.
He sighed. "Carol, anak. Maybe your mom and I have to settle things in our past but it doesn't mean we're going to get back together."
"Hindi niyo na po ba mahal si mommy?" She pouted her lips and then his heart ache when he saw a single tear rushed down from her eye to her red rosy cheeks. "I wan't mommy to be happy. Hindi po kasi siya masaya sa piling ni daddy ngayon."
"Carol..." Bahagyang inilipat niya ang kanyang tingin sa ibang bagay at ibinalik ito ulit nang pakiramdam niyang nakahugot na siya ng lakas sa kung saan. "That's not how reality works. Your a big girl now, hindi man kami nagkatuluyan ng mommy mo hindi ibig sabihin nun ay pababayaan ka na namin."
He gently caressed her soft wavy brown hair and looked straightly at her perfectly shade deep blue eyes.
"Your mom and I will always be here for you. Hindi man siguro tayo buo pero buo ang pagmamahal at suporta namin sayo." He smiled when Carol's eyes lightened. It was like she understood what he meant. Kaya naman masaya si Voxx na nagkaroon siya ng anak na matalino. "How about we will ask your mom for a dinner?"
Her innocent eyes widened. "Really!?"
"Yes really..." He chuckled and then get his phone inside his denim jean's pocket and called Cecelia's phone number. Kalahating oras din silang naghintay kay Cecelia habang pinapasyal at nililibang niya ang anak niyang si Carol.
BINABASA MO ANG
[Completed] Wild Romance Series 1: Voxx Rower Maddox
RomanceVoxx had once told himself that experiencing love once was enough when he lost his first love. Over the years, he allowed himself to move on, focusing on significant business endeavors. However, everything changed when he met Celine, who bore an unc...