Chapter 25:

2.2K 65 2
                                    

MAGAAN sa pakiramdam nang magising si Celine kinabukasan. Masaya siya, maaliwalas ang kanyang mukha, at kaagad na hinanap ng kanyang mga mata ang lalaki. Pero wala na ito sa silid kaya naman nagsuot muna siya ng bathrobe at umalis sa kanilang kwarto. Natagpuan naman niya si Aling Marites na naglilinis sa maganda at malaking hagdan ng malapalasyong bahay ng lalaki. Minsan, naaawa siya sa matanda kaya naman tinutulungan niya ito sa mga gawaing bahay.

"Magandang umaga..." Binati niya ang matanda na may mga ngiti sa kanyang labi. Ewan, nakakapagtaka subalit ang saya niya sa araw na ito.

"Mas maganda ka pa sa umaga, hija." At sinuklian naman siya ng matamis na ngiti ni Aling Marites.

"Haysh!" At napagbugtong hininga naman siya at tumawa. "Huwag mo nga akong bolahin, Manang. Siguro sayo namana ni Voxx ang pagiging mambobola."

Tumawa naman ang matanda at bahagyang kinurot ang kanyang pisngi. "Maganda ka, hija. Kung sana nabigyan ako ng pagkakataon na magkaanak sana ay maging kasing ganda mo o di kaya'y kasing gwapo ni Sir."

"Paniguradong magiging mas maganda o mas gwapo pa sa amin ang anak mo, Manang." Ngumiti siya ulit sa matanda at niyaya ito pababa ng sala para hindi na muling mapagod pa sa kakalinis ng bahay. Matanda na si Aling Marites at kailangan na nitong magpahinga at huwag sayangin ang natitirang araw nito.

"Tsaka nakita mo pala si Voxx, manang? Wala na kasi siya paggising ko." Wika ni Celine nang makarating sila sa sala.

"Nagmamadaling pumasok sa opisina sapagkat may importanteng pag-uusapan daw sila ng kanyang mga board members." Sumagot sa kanya ang babae at yumuko sa kanyang harapan pagkatapos ay ngumiti ulit. "Hija, kukunin ko muna ang agahan natin at doon na lang tayo kakain sa garden shed. Presko ang araw na ito at namumulaklak na ang mga rosas ni ma'am Marina."

"That's a good idea..." She agreed and they were about to left the livingroom when they heard a knocked on the door. "Ops, baka si Voxx na po yan, manang. Ako na lang ang magbubukas tapos mauna ka na po sa harden."

"Oo hija..." Sinundan muna niya ang papalayong bulto ng matanda bago niya binuksan ang pintuan.

Abot langit ang kanyang ngiti nang buksan niya ang pintuan ng bahay subalit nalukot na lang bigla ang mukha niya at bumagsak ang kanyang balikat nang mapagtanto niya kung sino ang dumating.

"Anong ginagawa mo dito, Cecelia?" She asked her and then she looked at her from head to toe. Cecelia must probably here to ruined her good day and their relationship. "Kung si Voxx ang sadya mo ay wala siya dito."

Napayuko naman ang kanyang kapatid at muling tumingin sa kanya. "Hindi naman si Voxx ang sadya ko dito."

"Eh ano naman? Are you here to ruined our relationship? Andito ka ba upang kunin ang dating sayo?" She asked her again. If she have to be a bitch, then she will.

"Look..." Bahagyang napagbugtong hininga si Cecelia at tumingin ulit sa kanya na may seryosong mukha. "Hindi naman ako pumunta dito upang makipag-away lang sayo."

"Ano ba talaga ang sadya mo?" Tanong niya ulit. Wala siyang pakialam kung malunod man ang kanyang kapatid sa dami ng kanyang tanong.

"I just wanted to say sorry." Cecelia took a deep breath and then looked at Celine's eyes directly. "I'm sorry for all the things I've done. Sorry sa hindi pagiging mabuting kapatid, ate."

Then Celine stilled. Kahit maldita siya, kapatid niya pa rin ito at siya ang mas nakakatanda. "Don't call me that, hindi na tayo magkapatid simula nung itinakwil na ako sa pamilya."

"Alam ko. Pero nagsisisi sila mama at papa sa ginawa nila. Ikaw pa rin ang iniisip nila kahit andito naman ako at ginagawa ang lahat ng gusto nila." Hindi alam ni Celine pero bigla siyang nakaramdam ng awa nang makita niyang umiyak ang kanyang kapatid sa kanyang harapan. Blood is always thicker than water. "All my life I tried to be good but their attention was still on how to straight your attitude."

[Completed] Wild Romance Series 1: Voxx Rower MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon