NAGISING si Celine nang may marahan na yumugyog sa kanyang katawan at kaagad na bumungad sa kanya ang gwapong mukha ng binata. Napangiti naman si Celine dahil sa gwapong mukha na palagi niyang nasusulyapan kapag gigising siya.
All she need to have a great day is to witnessed his gorgeous face first thing in the morning.
"Good morning baby..." Nakabihis na pala ito ng pang-opisina at mukhang aalis ito upang magtrabaho kaya naman kaagad siyang napabalikwas ng bangon at niyakap naman siya ni Voxx. "You really smell like vanilla.."
"Voxx!" Sinaway niya ang lalaki dahil pinapaliguan na naman siya ng halik sa kanyang pisngi at noo. Hindi pa siya naliligo at kagigising niya pa lang baka naman nagtitiis lang sa kanyang baho itong si Voxx, nakakahiya naman kung ganun. "Voxx...hindi pa ako nakapagtooth-brush."
He chuckled. "I don't care, I wanna smell your sweet vanilla scent every morning."
"Do I smell like a vanilla?" She asked.
"Yes, of course you do..." He said and then sniff her neck, savouring her sweet scent.
"Papakasok ka na?" Tanong niya sa binata at inayos ang kaunting gusot sa damit nito dahil sa pagyakap sa kanya kanina. "Hintayin mo ako, papasok din ako."
Napailing iling naman ito. "No need baby...hindi ka papasok."
"Bakit?" Bahagyang kumunot ang noo ni Celine.
"The 'Master' needs his 'Queen' inside the palace..." He said and then they both walked out from the Dark Room.
"But—"
"Dito ka lang. Don't worry, pinasa ko na ang resignation letter mo sa kompanyang tinatrabahuan mo. Hindi ka na magtatrabaho dahil ako na ang bubuhay sayo. Gusto ko dito ka lang palagi sa bahay kung saan palagi kitang nakikita at nakakasama." Pinutol siya sa pagsasalita ni Voxx at tuluyan na nilang nilisan ang kwarto nito.
Hindi na lang siya sumagot pa sa binata at kapwa silang pumanaog mula sa ikalawang palapag ng mansyon pababa sa sala kung saan nadatnan niya ang matandang babae na nakita niya na noon.
"Aling Marites..." Tinawag ito ng binata at kaagad namang lumingon ang babae at lumapit sa kanilang dalawa. "Aling Marites, I would like to meet you my Beloved Celine..."
Yumuko naman ang babae bilang pag-galang sa kanya. "Ikinagagalak ko pong makilala kayo ma'am Celine..."
"Celine..." Napatingin naman siya sa binata. "Ito naman si Aling Marites, ang nag-iisang kasambahay sa mansyon na ito." At napatingin naman si Celine sa babae.
"Nice to meet you po..." Ngumiti siya sa babae subalit tumayo ang lahat ng kanyang balahibo nag magtama ang kanilang mga mata. She doesn't know why it felt weird by looking at her eyes directly.
"Aling Marites, kayo na po muna ang bahala kay Celine. Pupunta na po ako sa trabaho...maiiwan ko muna kayo." Bilin ng binata sa matandang babae.
Ngumiti naman ito. "Opo, Sir..."
"I'll be back..." Napatingin naman si Celine kay Voxx nang hawakan nito ang kanyang kanang kamay at bahagyang hinalikan ang likod ng kanyang palad.
She smiled. "I'll be waiting..."
"Okay lang ba sayo na dito ka muna?" Tanong sa kanya ng binata habang naglalakad sila palabas ng pintuan ng mansyon.
Si Celine na ang nagbukas ng pintuan at napatingin sa lalaki. "Oo naman at tsaka kasama ko naman si Aling Marites dito sa mansyon."
"I'll be back at six in the evening..." Voxx said and then she watched him walked out from the mansion. Kaagad itong sumakay sa kabibili lang nitong Black Lamborghini Huracan.
BINABASA MO ANG
[Completed] Wild Romance Series 1: Voxx Rower Maddox
RomanceVoxx had once told himself that experiencing love once was enough when he lost his first love. Over the years, he allowed himself to move on, focusing on significant business endeavors. However, everything changed when he met Celine, who bore an unc...