Chapter 11:

1.6K 61 0
                                    

HE WAS pacing back and forth. He felt mad and nervous at the same time. He even looked like a damsel who suffered from a severe emotional distress. He cancelled all of his meetings today and he can't even think straight. He even lost billions of dollar deals with his new clients here in Hongkong. Halos nalibot na nga niya ang buong opisina niya sa kakalakad, kakatayo, at kakaupo niya. Hindi niya maipalagay ang sarili sa maayos na posisyon.

"Where the fuck is she!?" His voice sounded like the roar of a loud thunder. Gusto niyang sabunutan at suntukin ang sarili niya. Bakit ko ba hinayaan na iwanan siyang mag-isa!?

Halos liparin niya ang teleponong nakapatong sa lamesa ng kanyang opisina mula sa kinatatayuan niya nang tumunog ito. Kaagad niyang sinagot ang tawag at nagsimula ng maglabasan ang kanyang mga pawis mula sa kanyang noo at leeg.

"Where the fuck is she!?" Pasigaw niyang sagot sa kabilang linya.

"Oh bro chillax." At tumawa pa talaga ang lokong nasa kabilang linya ng kanyang telepono. "I checked every CCTV in Hongkong and she appeared last in a mall near from your building."

"At nasaan na siya ngayon!?" Halos mabaliw na siya sa pag-aalala para sa babaeng iyon. Kanina pa niya tinatawagan ang dalaga sa phone man nito o sa telepono ng kanyang condo unit.

"Uhmm hindi ko alam.." Kibit balikat nitong sagot sa kanya.

He closed his eyes, trying to control his anger from inside. Pinakalma at hinabaan niya ang kanyang pasensiya bago pa man niya maibato o sirain ng tuluyan ang teleponong hawak niya ngayon. "Look. I didn't pay millions to you if you're useless."

"Okay fine. Basta chillax ka lang diyan kasi mahahanap ko siya. I'll call you back later." Narinig niyang tumawa ang kausap niya sa kabilang linya at binabaan siya nito ng tawag.

He sighed and he putted the telephone down with a calmed manner. Narinig niyang may nagbukas ng pintuan sa kanyang opisina, napalingon naman siya at natagpuan ng kanyang mga mata ang kanyang sekretarya.

"Boss we just lost billions of dollar deals with our—"

"I know and get lost." Pinutol niya ito sa pagsasalita.

"But sir—"

May bakas na galit ang pagkatitig niya dito kaya naman tumahimik kaagad ang kanyang sekretarya nang makita nito ang nag-aapoy niyang mga mata.

"Excuse me sir..." At tuluyan na itong lumabas ng kanyang opisina at wala na siyang narinig pa mula rito.

As soon as his secretary closed the door of his office, he started to panicked again. He was pacing back and forth again while his mind was wandering to a certain person. Where the hell is she?

Nag-iisip siya ng mga dahilan at posibilidad na hindi niya matukoy kung bakit umalis at hindi na bumalik sa condo ang dalagang si Celine. Kanina pa niya tinatawagan ang telepono sa kanyang unit at napag-alaman niya na walang tao sa loob. He also tried to contact her mobile phone but it was also out of reached. Where could she possibly be? May kamag-anak ba siya dito sa Hongkong? And to add some salt into his injuries, natitiyak niyang dala-dala ng dalaga ang fifty thousand cash na ibinigay niya pati na din ang credit card niya na may halagang limampung milyon.

Napakaimposible naman kung iiwan siya nito at tangayin ang perang ibinigay niya. He know her and he trusted her. Alam niyang hindi manloloko at mandurukot ang dalaga kaya naman palaisipan sa kanya kung saan ito nagpunta baka naman mapahamak ito.

Umalis ba talaga siya o may nagdukot sa kanya? He thought. Baka naman mali ang iniisip niya na umalis ng kusa si Celine, paano kaya kung nalaman ng mga kalaban niya na kasama niya si Celine at dinukot ito? Baka kung ano pa ang gawin ng mga iyon sa dalaga. Kaya naman halos matunaw na ang kanyang utak sa kaiisip ng kung ano-ano.

[Completed] Wild Romance Series 1: Voxx Rower MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon