Chapter 10:

1.9K 61 0
                                    

NAGISING si Celine nang may marahang humahalik sa kanyang mukha. Kaagad na bumungad sa kanya ang gwapo, presko, at maaliwalas na mukha ng binata. He eventually smiled when he saw her woke up.

"Rise and shine baby..." Abot tenga ang mga ngiti ni Voxx. Kompleto na talaga ang araw ni Celine kung mapagmasdan niya lamang ng ganito kalapit ang mapang-akit at namumungay na kulay karagatan na mga mata ng binata.

"What time is it?" She asked him.

"It's already nine in the morning. Matagal kasi tayong natulog kahapon." Sagot naman ng binata sa kanya at kaagad siyang binuhat.

She rested her head in his hard chest and his manly scent filled her nose. Voxx carried her out in the bedroom to have some breakfast in the kitchen. Ibinaba niya lang si Celine nang makarating na sila sa kusina.

Maayos at handa na ang kanilang almusal kaya naman kapwa silang napaupo sa lamesa at kaagad nilang nilantakan ang mga pagkain na niluto niya mismo.

"Voxx..." She called his name.

Napatingin naman si Voxx sa kanya habang kumakain. "Yes baby?"

"Bakit mo ako dinala sa isla? I mean, wala ka bang ibang babae dahil naisip mo ako ang dalhin mo dito? Or madami ka nang dinala na mga babae dito bukod sakin?" Sunod sunod na mga tanong ni Celine sa binata.

He chuckled. "Anong klaseng tanong yan?"

"Just answer me honestly please..." Sagot naman ni Celine.

"Binili ko ang bahay na ito para sa babaeng papakasalan ko sana." Wika ni Voxx kaya napatigil naman sa pagkain si Celine at napatingin sa binata. "Gusto kasi nun na makaligo sa dagat kaso malayo ang dagat mula sa hacienda nila. Isa sa mga pangarap niya ay makapagpatayo ng simple subalit magandang beach house para sa aming dalawa kaya nung yumaman ako ay pinagawa ko ito."

"Alam na ba niya ang tungkol sa beach house na to?" Tanong ni Celine. Hindi niya hinayaan na lumabas ang sakit at inggit na nararamdaman niya ngayon.

Napailing iling naman si Voxx. "Nope. You're the first one that I brought here."

"Bakit mo nga pala ako dinala dito?" She asked him. Inalis na niya ang kanyang paningin sa binata at ibinaling na lang ito sa pagkain.

"Akala ko ba kikilalanin natin ang isa't-isa?" Sagot naman ni Voxx.

"Ohhh yun.." Wika ni Celine at mas binigyan niya na lang ng pansin ang pagkain.

Pagkatapos nilang kumain ay kapwa nilang hinugasan ang mga plato. Naging maayos naman ang takbo sa mga sumunod na pangyayari. Pagkatapos nilang gawin iyon ay sabay silang naligo dahil may pupuntahan daw sila.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya kay Voxx nang makalabas sila sa beach house at nagtungo sa white beach. May bitbit silang dalawang maleta na ang laman ay mga damit nila.

He smirked. "You'll see..."

After a minute, they saw a helicopter from above and it landed on the beach. Sa pagkakaalala ni Celine, ito ay ang helicopter na sinakyan nila papunta sa isla. Kaya naman kaagad silang sumakay nang makatungtong na ito sa malawak at mapuputing buhangin ng beach.

Naging maayos naman ang buong biyahe, walang sawang hinahalikan ni Voxx ang kanyang pisngi at kamay sa buong paglalakbay nila sa himpapawid. Hindi naman siya nahihiya kahit kasama nila ang piloto dahil naka-pokus lang ang atensyon nito sa pagpapalipad ng sinasakyan nila at tahimik lang din ito.

"Rest for now, my beloved." Voxx said and then he kissed her forehead. Tumango lang si Celine at isinandal ang kanyang ulo sa matipunong balikat ng binata.

[Completed] Wild Romance Series 1: Voxx Rower MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon