Naiinis padin ako sa bwisit na lalaking iyon ang kapal ng mukha niya sabihin sa akin iyon!
"Hoy chiechie imbis na magmukmok ka diyan maglinis ka nga ng plato rito!" Sigaw ni mama galing sa kusina kaya naman ano pa bang magagawa ko?
Edi maghuhugas na.
"Anak kamusta naman iyong anak ni Mr. Fuentez?" Tanong ni mama na ikinagulat ko. Ako ma, hindi niyo ko kumustahin?
Bakit ba nagtatanong siya tungkol sa lalaking 'yon?
"Huwag ka makikipag-away doon ha. Alam mo naman na doon lang kumukuha ang tatay mo sa pang araw-araw nating buhay at nakakahiya."
Ano ba naman niyan.
"Oh anak sabi pala ni Mr. Sintas magpapa tutor daw iyong anak niya na mag ha high school palang sa pasukan na iyan. Puntahan mo pagkatapos mo mag enroll bukas." Tumango nalang ako kay mama bilang pag sang ayon sa sinabi niya.
Nag tututor ako kasi para dagdag pera para sa gastusin sa pag-aaral nadin nasa 4th year high school na ako at halos kasing edad kolang ang mga tinuturuan ko pero may mga iilan ding mga elementarya ay first and 2nd year high school..
"Mabuti kapa matalino, makakapag turo ka sa maraming istudyante na nahihirapan." Sabi ni bubay habang kumakain ng lollipop.
Kadiri to bakit ganito kumain? Ang sagwa nakakapangilabot!
"Chie iyong anak ni Mr. Fuentez dito rin ba mag-aaral?" Inismaran ko ito.
Kanina pa siya tanong ng tanong tungkol sa kaniya nakakarindi na, sinasabayan pa siya ni nanay.
"Kung gusto mo malaman hala sige humayo kana neneng bubay. Ikaw ang magtanong ng sarili mong tanong sa kaniya, baka makahanap kanang sagot. Lumayas kana nga nakakasira ka ng araw! Alis! Shooo!" Taboy ko sakaniya.
"Ginawa mo naman akong animal chieeee!" Bungisngis niya at nagpapadyak na umalis.
"Chieeeee! Oh chiechie!" Bakit ba nagpunta na naman itong baklang ito rito?
"Chiechie patahimikin mo nga iyang bakla mong kaibigan nakakarindi sa tinis ng boses!" Sigaw ni nanay galing sa salas namen.
"Opo nay."
Binuksan ko ang pinto naming gawa sa kahoy at sinigawan siya.
"Hoy baklang kulang sa buwan, tinigilan mo nga iyang bibig mo naririndi na sayo si nanay!" Nagdara-daretso siyang pumasok sa loob ng bahay namin na hindi ako pinapansin.
"Helloooo Motherrr earth, Akoy naririto dahil may maganda akong ibabalita sa inyooo!" pa ere pa niyang sabi.
Kumunot naman ang kilay ni nanay sa sinabi ni Darwin . Umupo ito sa upuan naming kahoy bago nagsalita ang arte kalamo kagandahan.
"Akoy narito dahil inutusan ako ng aking tiya na ibalita sa inyo ni chiechieeee!!" Binatukan siya ni nanay.
BINABASA MO ANG
The Probinsiyana (COMPLETED)
Teen FictionSa mundong ginagalawan naten walang permanente, lahat maaring mawala. Gaya ng pagmamahal na meron siya sa akin, o minahal ba talaga niya ako? O pinaglaruan lang gaya ng sabi ng nakararami? Third is my first love, I mean Thunder but none of them is m...