"Chelsie!"
"Chieeee!" Dinig na dinig kong sigaw nila pagkatakbo at alis ko sa lugar nayon. Sa lugar kung saan nakita mismo ng dalawa kong mata na hinalikan siya ng ibang babae.
Hinayaan lang niya na gawin iyon..
Napahinto ako sa pagtakbo ko ng may humila sa aking kamay "Bakit ka tumakbo?" Hinarap ko ito saka pinunasan ang mga luhang dumloy na sa aking pisngi.
"Huwag mo akong hawakan nandidiri ako sayo!" Tinulak ko ito at tiningnan niya ako ng makahulugan.
"Let me explain please..." Hahawakan pa sana ako nito ulit pero lumayo ako sakaniya.
"Hindi mo na kailangan pang mag explain malinaw na sa akin ang lahat. Bumalik kana doon." Tila wala itong narinig pilit parin siyang lumalapit sa akin at hinahawakan ang kamay ko.
Tabig naman ako ng tabig sa kamay niya hanggang sa mahuli niya ito sabay yakap sa akin. Pinaghahamapas ko siya kahit alam kong nasasaktan siya dahil nakayakap siya sa akin.
"Hindi ko inaasahang gagawin iyon ni Isabell kahit na nilinaw ko na sakaniyang hindi ko ito gusto kahapon" Napahinto ako sa sinabi niya.
Hinawakan niya ang mukha ko "You are my special someone Chelsie, you are. Huwag kana magalit please? Para akong pinapatay kapag lumalayo at tinataboy mo ako." Wala akong masabi sa sinabi niya, nagawa ko lang ay makinig sa sinabi niya.
"Hinayaan na kita iwas-iwasan mo ako ng ilang linggo o sabihin nanating umabot na din ng isang buwan kung pagsasama-samahin? Ngayon hindi na kasi hindi kona kaya, hindi kona kayang makita kang tumatakbo palayo sa akin. Hindi kona kaya pang may kasama kang ibang lalaki kahit bakla o straight pa 'yan. Seloso ako pagdating sayo, kung anong akin, akin lang kaya huwag kana makikisama pa sa iba nandito na ako sa tabi mo."
Hinamplos nito ang mukha ko at bumulong "Kaya ayokong sinasabihan kang maganda baka lumaki ang ulo mo. Maganda ka kahit hindi naka ayos kaya please don't wear like this again and make yourself simple gaya ng nakasanayan mo. Baka maagaw ka ng iba sa akin at mapaaway pako kapag may tumingin lang sayo." Hinubad nito ang jacket niya at isinuot sa akin para hindi makita ang likod ko. Hindi ako sanay na ganito siya sa akin...para bang napaka imposibleng mangyari.
Sinampal ko siya ng malakas kaya nagulat ito sa ginawa ko, pero hindi ko iyon pinagsisihan "You hurt me then you are asking me not wear this kind of clothes? Why would I listen to you anyway."
"Hindi tayo pwede Third!"
Lumuhod ito sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay habang may dumadaloy na luha sakaniyang pisngi. Bakit ang bilis ng mga pangyayari?
"Nagmamakaawa ako, ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?" Pumiling ako sa kaniya.
"Wala. Hindi tayo pwede kasi iisipin at iisipin ng iba na pera lang ang habol ko sayo kasi mahirap lamang ako!" Tumayo ito sa pagkakaluhod saka ako niyakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Probinsiyana (COMPLETED)
Teen FictionSa mundong ginagalawan naten walang permanente, lahat maaring mawala. Gaya ng pagmamahal na meron siya sa akin, o minahal ba talaga niya ako? O pinaglaruan lang gaya ng sabi ng nakararami? Third is my first love, I mean Thunder but none of them is m...