Sa isang iglap nagbago lahat sa buhay ko. Ultimo sa pananamit nagbago kahit ayaw ko, magsimula ng makalipat kami ng manila 3 months ago and I'm not used to these things.
Ayokong may magbago sa akin porke nakalipat ako ng manila, ayokong isipin nila na ng dahil sa pera nagbago ako...
"Are you done checking all of your gowns princess?" It was my dad. Hinawakan niya ako sa bewang saka ako hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit. This is the love of a family I want back then, now finally my wish granted.
"Can I join you?" Si mommy naman. I and dad both nod to her "Finally mapapakilala kanadin naman sa lahat after 3 months baby" Yes sa loob ng tatlong buwan ko rito ngayon palang nila ako ipapakilala sa publiko bilang isa sa mga anak nila. The long lost daughter of the Guillermo family.
"Hey ang daya niyo sali ako!" Nakabusangot na sabi ni Gil na tinawanan namin. At ilang minuto lang nakisali nadin si ate Hannah sa amin.
"Iyong mga bisita mo halos galing sa probinsiya nasa sala na and don't be mad to us princess, I invited my friends too and your mom." Kinakabahan man ay tumango nalamang ako saka sila nginitian isa-isa. I'm thankful to have them I meant it. Sa nakalipas na tatlong buwan natutuhan ko nadin silang tanggapin bilang pamilya ko. Kahit balik-baliktarin mo man ang mundo sila padin ang tunay kong pamilya. Sila pa rin ang aking tatakbuhin sa oras na may mangyaring masama sa akin o masakit ang aking nararamdaman.
"Ang baby namin magdadalaga na!" Sigaw ni ate Hannah sa loob ng kwarto ko "Kahit dalaga na siya padin ang baby natin ano kaba! at kapag may pumorma dito kapag nakapasok na kami parehas sa school yari sa akin." Tinaasan ko siya ng kilay saka inirapan bago naupo sa upuan na nakaharap sa salamin. Ni itsura ko nagbago na kung dati ay hindi ako nag-aayos ngayon hindi na maari dahil kilala sa business world si daddy at ayoko siyang mapahiya kahit na sinasabihan akong okay lang. Magbihis at mag-ayos ako kung saan ako komportable mas pinili konang baguhin ang sarili ko kahit sa pananamit lang.
"Yes hello? Okay baba na kami" Tumingin naman sa akin si mommy at ngumiti ng matamis. "Baby baba na kami ha? hinatayin kanalang namin sa baba pagkalabas namin, ilang minuto lang papasok na ang mag-aayos sayo. Goodluck" I nodded and hug them.
"Good luck my princess! do your best!"
"Hey baby girl dapat pagkalabas mo iba na ang itsura mo ha and be confident facing everyone dahil pagkatapos nito magugulo na ang tahimik mong mundo. Hindi na katulad ng dati, payapa at makokontrol ang lahat ng nasa paligid mo." Alam ko iyon kaya pinagdesisyunan ko talaga to ng maayos bago ako sumama sa inyo at ayos lang sa akin iyon kahit hindi ako sanay. Sasanayan ko ang sarili ko to be the perfect Guillermo in front of everyone. Gil pat my head at binatukan konga kaka-ayos lang ng buhok ko guguluhin nanaman niya >.<
"Aray ha! pasalamat ka hindi pa ako nag-aayos kung hindi nagulo na buhok ko ang hirap pa namang ayusin nito." Inis na turan niya sa akin habnag may paduro-duro pa "Eh di thank you alis na nga! nakakasira ka ng araw." Umakto naman itong nasasaktan at hinawakan pa ang dibdib, sira-ulo talaga to.
Paano koba ito naging kakambal? palagi nalang siyang nag-iisip bata ng tumira ako dito at parati nalang ako sinasamahan kung saan man ako magpunta kaya kilala kona ang mga kaibigan niyang iba kasi sumasama rin sakaniya kapag alam na sasamahan ako kung saan ko gustong magpunta.
Mabait ang mga kaibigan niya kaya kasundo kona ang mga ito. Narinig kong magbukas ang pinto sa aking kuwarto kaya napatingin ako doon at pumasok na ang mga nag-aayos sa akin na nasa mga 5 tao.
"5 gown ang susuotin mo hija keri ba?" Tumango ako saka ngumiti sakanila.
"Hoy Gil labas na nga mag-aayos na ako!" Kanina kopa pinapa-alis parang linta kung makadikit sa akin gago ba to?
"Hindi naman ako mang-gugulo promise." Nag promise sign pa ang gago. Hinagisan ko nga ng unan na kinabusangot na naman niya. Seriously ano bang nangyayari dito? Hindi naman ganito to dati sobrang clingy na niya pagdating sa akin .
"Oo na aalis na! hintayin kita sa baba ha ako ang escort mo tandaan mo iyan!" Napailing ako bago hinarap ang mga mag-aayos sa akin na nakangisi.
"Sobrang protective sayo ng kakamabal niyo ma'am." Sabi ng nag-aayos sa aking gown.
Napairap naman ako sa kawalan "Annoying kamo"
"Sobrang bongga naman ng debut mo Ms. Zyrille hindi namin inexpect ng team ko na makakadalo kami sa ganitong kagarang debut. Halatang pinaghandaan ng inyong magulang ito." Nginitian ko naman ito at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Hindi ko halos makilala ang sarili ko sa pag-ayos sa aking buhok at pag make-up sa akin "Ang ganda!" Sumigaw naman silang lima at nagngitian bago kinuha ang akin kulay Red na gown na may mga disenyong mga kulay black sa ilalim at sa may bandang gitna ko, dahil iyon ang una kong isusuot.
"Salamat naman nagustuhan mo." Sabi ng nag-aayos sa aking gown ng masuot ko ito.
"Maganda naman talaga no saka, pagkatapos nitong program sasamahan niyo akong kumain dahil para-parehas lang tayo hindi pa kumain. Kapag wala kayo doon magagalit ako hihintayin ko kayo."
"Hindi ba nakakahiya iyon Ms. Zyrille?" Sa loob ng 3 buwan nasanay nadin akong tinatawag akong Zyrille ninuman pero pagdating sa probinsiya ako pa rin si Chelsie.
Kahit balikbaliktarin mo ang mundo ako pa rin ang Chelsie na namuhay ng noon sa probinsiya. Mga ilang minuto lang pinalabas na ako sa sarili kong kwarto at nakita kong nag-aaway si Gil at Clane sa labas kulang nalang magsuntukan na.
"Ang gwapo niyo na sana kaso huwag niyo naman sirain ang gabi ko pwede ba?" Nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Mula ulo hanggang paa at nagtinginan nanaman silang dalawa saka parehas akong hinawakan sa dalawa kong braso.
Sa right si Gil at sa left naman si Clane naguguluhan man ay hinayaan kona dahil sobrang higpit ng kanilang pagkakahawak sa aking braso. Na para bang ayaw na akong pakawalan sa higpit ng hawak nila.
"Hey Clane bitaw na baba na ako ilang minuto nalang tatawagin na ako." Pero para siya walang narinig sa sinabi ko.
"Bitaw na raw Clane bababa na kami." Naiiritang sabi ni Gil sakaniya pero para walang narinig na naman ito, hindi bumitaw.
"Namuhay siya sa probinsiya ng ilang taon at kinilala ang hindi niya totoong pamilya. Ilang taon lang ng makita siya ng kaniyang kakambal. Kahit hindi naniniwala ang kaniyang pamilya sa sinabi nitong buhay ang kaniyang kakambal nagpumilit pa rin siyang kilalanin siya. Malakas ang loob noon ni Gil na siya nga ang kakambal niyang nawawala dahil konektado silang dalawa kaya kahit walang kasiguraduhan sinubukan niya. Let us welcome the debutant, Ms. Zayrille Gylliean Guillermo!" Pagkadinig na pagkadinig namin ng tinawag ang pangalan ko bumaba na kami sa hagdan na napakahaba kasama ang dalawa kong escort dahil ayaw bumitaw ng isa sakanila.
"Together with her escort tonight her twin brother Mr. Gillieon France Guillermo!" Halata sa gulat sakanilang mukha ng makababa kami kasama si Clane.
"I'm sorry hindi ako na informed na dalawa pala ang escort ni Ms. Zayrille sorry for my mistake." Nginitian ko ang mga bisita bago ako hinawakan sa bewang ni Gil at dinala sa gitna saka na pina ready ang mga 18 roses dahil magsisimula na ang program.
BINABASA MO ANG
The Probinsiyana (COMPLETED)
Teen FictionSa mundong ginagalawan naten walang permanente, lahat maaring mawala. Gaya ng pagmamahal na meron siya sa akin, o minahal ba talaga niya ako? O pinaglaruan lang gaya ng sabi ng nakararami? Third is my first love, I mean Thunder but none of them is m...