Kabanata 9

1.5K 78 1
                                    

"Sige libre nalang sayo iyang kinakain mo Third." Kinikilig na sabi ni juday sa nadaanan naming kanto habang naglalakad pabalik sa mansion nila.

Hindi kami nagpasundo dahil gusto daw niyang maglakad nalang kaya pinagbigyan ko na. Mabuti nalang hindi mainit.

"Hindi babayaran ko." Kumuha naman 'to ng pera sa wallet niya na tiglilibo ang laman.

Wow Sana all.

"Huwag na ahm. Ano nalang pahingi ng number mo." Aba number pala ang kailangan.

Napatawa naman ako sa inasal niya kaya napatingin din sakin ang mga bumibili ng barbeque dito sa harap nila juday.

"Pati ba saken libre na?" Tanong ko dito pero ang lupet hindi ako pinansin.

Basta hinihimas-himas niya ang braso ni peste.

"Panget mo kase kaya hindi ka agaw atensiya hindi gaya ko." Hindi ko alam pero bigla nalang ako nanliit sa sarili sa binulong niya.

Alam ko naman pero hindi na kailangan sabihin iyon.

"Eto saken juday 30 pesos lahat salamat." Ngiti ko sakaniya tsaka na iniwan si Third doon.

Oo hindi ako nag-aayos pero hindi naman ako ganon ka panget tulad ng iniisip ng iba.

Wala lang talaga akong oras para mag ayos at gastos lang ang pagbibili ng pampaganda na gamit.

Gaya ng lipstick, make up at kung ano-ano pang iba.

"What's your problem?" Hindi ko ito pinansin kahit na nagsasalita siyang nagsasalita ng tungkol sa basketball.

"Bakit bigla kanalang hindi umimik kanina?" Naiinis na siya.

OA bako? Eh sa naiinis na talaga ako sakaniya kasi bawat magkasama kami palagi nalang niya ako pinagsasalaitan ng masama. At puro lait pa

"Manunuod ka?" May game sila bukas kasama ang mga kaklase ko, kalaban nila ang ibang section.

Hindi ko siya kinausap hanggang narating namin ang mansion.

"Oh napano yon?" Tanong ni Manang Dory.

"Hindi kopo alam." Umakyat nako papunta sa kuwarto ko para magpahinga ng ilang minuto palang ako nakakahiga sa kama pumasok si Third.

"Bakit hindi moko kinakausap?" Hindi kolang trip kasi sumosobra nayung bunganga mo minsan.

Nakakabhuet ka rin ng feelings makaramdam ka naman kasi minsan.

Iniwan ko siya at pumasok sa cr para makaligo kasi naglakad kami eh paniguradong yung alikabok napunta na sa katawan ko.

Akala ko wala na siya pagkalabas ko pero nagkamali ako nandito siya may dala-dalang libro at papel maging ballpen.

Oo nga pala tuturuan ko siya ngayon, muntik konang nakalimutan.

"Dito nalang tayo." walang emosyon niyang sabi at nagpunta sa study table ko.

Nagsimula naman ako sa pagtuturo sakaniya para makapag pahinga na ako.

"Sagutin mo yan baba lang ako para kumuha ng pagkain." Hindi ito nagsalita gaya ng ginagawa ko sakaniya kanina.

Mabuti na din yung ganiyan para hindi tayo magkalapit pa sa isa't isa.

The Probinsiyana  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon