Kabanata 12

1.4K 75 1
                                    


"Chiechieee tumayo kana diyan anong oras na?!" Makasigaw naman tong si nanay. Napatingin naman ako sa di keypad kong cellphone.

"Bakit hindi mo ako ginising nay?!" Sigaw ko sakaniya at naghalungkat na ng masusuot para makapunta na sa training ground ng mga kabayo sa mga Fuentez.

"Aba kanina pa kita ginising chiechieee pero tulog mantika kang bata ka!" Hindi kona pinakinggan si nanay at dumaretso nako sa banyo para makaligo na.

Nang matapos ako nagpunta ako sa sala "Nay nasaan yung sapatos kong kulay black na b- anong ginagawa nila dito? Nay!"

Kanina paba sila dito?

Bakit hindi ko napansin?

"Bakit kaba sigaw ng sigaw diyan Chelsie?! Mahiya kanaman sa mga bisita mo." Hinila ko ito hanggang kuwarto ko.

"Sino yung mga yon?" Takang tanong ko dito. Nagpa-tarintas naman ako sakaniya habang pinapakinggan siya.

"Kaibigan ata ni Third anak. Nagulat nalang ako nasa labas kanina eh, ikaw naman kasi bakit ngayon kalang nagising?"

Iniisip ko kasi kung bakit napatawag si Peste kagabe tapos malalaman kong hindi naman pala siya yun?

Sila ang nangialam ng telepono ni Peste kagabi?

Nagtext kasi ito saken na I'm sorry for that, pinakaialaman ng mga pinsan ko ang telepono ko pasensiya na.

Nireplyan ko naman ito ng Huwag mo kasi iiwan sa kung saan-saan

"Nak, labas kana tuturuan mopa si July mamaya diba?"

Oo nga pala kailangan kong matapos agad para tuloy-tuloy na ang pagtuturo ko sakaniya. Lumabas ako ng kuwarto ko at nadatnan ko silang pangiti-ngiti sa akin.

"Let's go?" Tanong sa akin ni Peste. Ang bait ngayon ah? Pakitang tao ba to? Nakita ko namang nagsikuhan ang mga iba niyang kasama

"Hey your Chelsie?" Tanong ng isa na tumabi sa akin sa paglalakad.

"Oo pano mo nalaman?" Takang tanong ko dito.

"I'm Ron one of his cousin." Turo niya kay Third na nasa left side ko naman. Mukha naman siyang friendly.

Tinulak ng isa si Ron at ngumiti ito sa akin "I'm Billy one of his cousins too. Nice to meet you Chelsie"

Ang gwapo ^°^

"I'm Daniel and he's Zeth"

Pagkakakialla naman ng isa sakanila at tinuro yung sa side ni Peste. Mukha siyang badtrip.

"By the way hindi kami papaturo mangabayo. Titingnan lang namin kung gaano kagaling ang nagtuturo kay Third." Nakangiting sabi naman ng Billy.

"Hindi naman ako magaling tsaka huwag niyo nayan panoorin baka bumagsak na naman sa lupa." Napahagikgik naman ako ng maalala ko ng nakaraang araw na tinuruan ko siya.

The Probinsiyana  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon