"Okay kalang?" Pang ilang beses na iyang tinatanong sa akin ni Gil pero nag-iisa lamang ang aking nagiging sagot.
"Mahirap mahilom ang sugat ng nakaraan" Inakbayan niya ako at nginitian kasabay ng paglitaw ng babae na hindi ko kilala sa aking harapan.
"Hi. I am Candle and you are?" Napatingin ako kay Gil pero nagkibit balikat lamang ito sa akin. Nilahad niya ang kaniyang kamay kaya malugod ko naman iyong tinanggap.
"I'm Chelsie Balthazar bakit sino ka?"
"Hmm. I just want to discuss something with you is it okay? with my attorney" Naguguluhan man ay pumayag ako dahil sa nakakahiya naman kung hindi. Mukhang malinis naman ang intensiyon niya.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Chelsie. Ako si Candle at may nag ampon sa akin sanggol palang ako dahil nawala ako ng sarili kong mga magulang at ang nakakupkop sa akin ay mayaman. They treated me like their real daughter dahil wala din anak ang mga ito.I'm already 21 that's why I came back here in the Philippines to find my parents" Ang ganda niya at alam mo talagang may kaya na ito sa buhay. Huminga ito ng malalim bago sumulyap kay Gil at nakita kong humihingi ito ng permiso kung sasabihin ba niya talaga ang nais niyang iparating sa mga titig niya.
"Go on" Gil smiled at her. Girlfriend ba to ni Gil?
"I found them a week ago with the help of Gil and his parent's kaya naglakas na ako ng loob para sabihin sayo ang totoo." Anong totoo?
"My real parents are Martha Balthazar and Fernando Balthazar. I'm finally happy seeing them na okay lang sila at mabibigyan kona din sila ng marangyang buhay katulad ng gusto ko, kaya ako bumalik." Pinunasan niya ang luha niyang pumatak na sakaniyang pisngi saka ako pinakatitigan. Si tatay at Inay? sila ang totoong magulang niya?
"Kapatid kita kung ganon? Eh bakit hindi ko alam? Hindi sinabi nila nanay at tatay sa akin." Pumiling-iling siya na hindi ko mawari kung ano ang ibig niyang sabihin sa pag iling niya ng magkasunod-sunod.
Hinawakan niya ang aking kamay at tumingin ng daretso sa aking mga mata "Hindi kita kapatid Chelsie...Hindi tayo magkadugo." Naguguluhan akong napatingin sakaniya at kay Gil.
"Kapatid mo ako, sila ang nanay at tatay ko."
"Attorney give me the DNA test result" Kaagad naman na may binigay sakaniya ang Attorney at iniabot sa akin ang kulay brown envelop.
"Pina-imbistigehan kita ng malaman ko ang totoong may anak ng iba ang mga magulang ko pero mali pala ako. Hindi kita kadugo Chelsie, hindi kita kapatid. The rest Gil and his parents will explain it to you kung ano ba talaga ang nangyayari." Bakit ang mga magulang ni Gil ang mag explain sa akin bakit hindi nalang dito? Gusto ko sanang sabihin iyan kaso nawalan ako ng lakas ng loob dahil unti-unti akong nanghina pagkakita ko ng resulta ng DNA.
Unti-unting naglabasan ang aking mga luha pagkakita ko ng negative sa kanilang dalawa mismo. Hindi ko na tiningnan kung ilang percent pa iyon basta napatakbo nalamang ako at hindi matanggap ang mga nangyayari.
I was running way home ng may mabangga ako pero hindi ko na iyon pinansin pa dahil kailangan kong makauwi sa mga oras na to.
Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang kanina pang walang tigil na pagluha bago ako pumasok sa bahay namin at bumuntong hininga saka sila hinarap.
"Oh anak bakit ganiyan ang itsura mo? Maligo kananga mukha kang gusgusin sa itsura mo." Natatawa akong nilapitan si nanay saka niyakap ng mahigpit.
"Oh napano nanaman ang prinsesa namin ha? Sige sinong nang-away sayo ng mahabol ko ng aking itak?" Sulpot naman ni tatay sa likod namin.
"Nay, Tay anak niyo ho ba talaga ako?" Nagkatinginan silang dalawa at bumuntong hininga si nanay bago ako niyakap ng mahigpit na siyang ikanaluha ko.
"Anak saan mo naman iyan nakuha? Anak ka namin ano kaba" Sabi ni itay na binitawan na ang hawak niyang itak sa mesa saka tumingin sa akin.
"Mahal kailangan malaman ni Chesie ang totoo hindi naman natin matatago sakaniya habang buhay ang totoo niyang pagkatao." Doon na ako napahiwalay sa yakap niya sa akin at tiningnan siya ng mariin.
"Bago ka magalit anak makinig kamuna ha? Tara maupo tayo dahil magkukwento sa iyo si nanay. Makinig kalang alam mo namang hindi kita pinalaki na may galit sa puso kailangan malinawan ka sa lahat. " Huminga ako ng malalim saka sumunod sakaniyang umupo sa upuan sa sala namin ng magsimula itong magkuwento.
"Nasa palengke kami ng itay mo noon ng bigla nalang may lumapit na kumpare ng tatay mo sa amin hila-hila ka, halatang may takot sa mga mata. Alam kong hindi mo na iyon maaalala pa dahil napaka bata mo palang noon nasa 4 na taong gulang ka palang ng mga panahong iyon. Sabi niya babalikan ka niya may bibilhin lang siya sa loob dahil nasa labas kami ng tatay mo, pumayag naman kami hanggang sa naggabi walang bumalik para kunin ka sa amin." bumuntong hininga si nanay saka tiningnan si itay bago nagpatuloy sa kaniyang pagkwento.
"Kaya napag desisyunan namin na iuuwi kana muna namin at susubukan naming tawagan ang kumpare ng itay mo. Kaso lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon walang kumuha sayo, walang kumuha oh naghanap sayo kaya pinapilido kanalang namin sa pilido namin at pinalitan ng pangalan dahil hindi ka palasalita noon."
Bumuntong hininga si itay saka tumingin sa akin ng mariin at niyakap ako "Hinanap namin ang mga tunay mong magulang kaso wala kaming makuhang katibayan oh kung ano-ano dahil ni pangalan mo hindi mo alam at pilido. Hindi ka palasalita noon Chelsie 4 na taong gulang ka noong kupkupin ka namin at nasa 7 taon anyos ka ng magsalita ka. Tinawag mo akong tatay at inay naman ang nanay mo."
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin?" May hinanakit na sabi ko sakanila.
"Ayaw ka naming bumalik sa dati na hindi nagsasalita baka abutin na naman ng ilang taon bago ka namin maka-usap muli."
"Huwag kana umiyak ang pangit muna, kahit hindi ka namin kadugo tinuri ka naming tunay na anak. Alam mo iyan Chelsie hindi namin ipinagkait sa iyo ang tunay na pagmamahal ng isang magulang at hindi ka namin tinuring iba" Niyakap ko sila ng mahigpit hanggang sa nagbukas ang pinto na ikalaki ng mga mata namin parehas.
"I'm sorry for ruining your moment." Ngiting puno ng pait na sabi ni Candle kasama ang mga hindi ko kilalang tao.
"An-ak? ikaw ba iyan?" Nilapitan siya ni tatay at niyakap kasabay ni nanay. There they are a happy and complete family.
"How did you know, it was me?" Gulat na gulat na sabi ni Candle sa tunay niyang mga magulang.
"Anong sabi niya anak?" Nagugluhang sabi ni itay sa akin kaya napatawa naman ako saka sila nilapitan na nakayakap padin si nanay sakaniya.
"Paano po daw ninyo nalaman na siya iyong anak niyo?" Nginitian naman ako ni Candle saka ginantihan ng yakap ang kaniyang mga magulang.
I envy her because she finally found her family.
BINABASA MO ANG
The Probinsiyana (COMPLETED)
Novela JuvenilSa mundong ginagalawan naten walang permanente, lahat maaring mawala. Gaya ng pagmamahal na meron siya sa akin, o minahal ba talaga niya ako? O pinaglaruan lang gaya ng sabi ng nakararami? Third is my first love, I mean Thunder but none of them is m...