Kabanata 5

2K 81 3
                                    

In 3, 2,1......tenenennnnnn HAHAHA!

"Ano ba naman yan Chelsie tulungan moko dito!" Hindi ko napigilan ang tawa sa aking mga labi habang nakatingin sa kaniyang nakabagsak sa lupa. Hahaha

Sayang hindi mukha ang napuruhan! haha.

"Anong tinawa-tawa mo diyan ha?" Sabi niya sa humawak na trabahador nila dito sa kabayo. Hindi mo kaya tumayo mag isa siz? Ano ba yarn ang hina naman haha!

"Hoy Chieeechieee tulungan moko dito." Ayaw kasi siyang lapitan ng iba dahil natatakot sila sakaniya. Tss napaka bossy kasi at dahil sa pagloloko niyang pagtawag sa pangalan ko tinawanan tuloy ako ng iba. Napaka gago mo talagang tukmol ka!

"Tumayo ka mag-isa mo!" irap ko saka kinuha ang bag ko at kinuha nag bottled water.


"Chieeeeechieeee help me..." May humahagalpak na sa tawa kainis naman oh! 

Badtrip!

 Wala naman nakakatawa sa chiechie kung hindi mo babanggitin iyon sa ibang paraan o patono.



"Bwisit ka talaga, dali na hawak!" Sigaw ko sakaniya. Nginisihan naman niya ako ng nilahad ko ang kanang kamay ko sakaniya para tulungan siyang makatayo.


"Mang Arwin sa sabado nalang ako ulit mag-aaral ng panganagabayo paki tabi nalang ho salamat." May galang naman pala to sa matatanda, ang epal kasi parang babae sa kaartehan!


"Anong ningiti-ngito mo diyan chieechieeee~" Asar nanaman niya sa pangalan ko. 

"Uyyy teka lang hindi ako pwede sa sabado may tuturuan ako!" Binalingan naman ako nito ng tingin. Saka tinaasan nang kanang kilay niya.

"Edi icancel mo, kailangan kong matuto mangabayo. The soonest the better hindi ba mang Arwin?" Aba naman ang kapal ng hinayupak nato. Naghanap pa ng kakampi na tinanguan naman siya ni Mang Arwin!

Sila ang nauna kung alam mo lang, napilitan akong gawin to sayo eh!

"Hindi pwede sa sabado at biyernes maging linggo. Ang pwedi lang lunes hanggang huwebes!" Tinaasan naman niya ako ng kilay at hinarapan ako.


"Akala ko bang araw-araw mo akong tuturuan?" Ano ka sinusuwerte? 

Araw-araw mo pagmumukha mong nakakasukang tingnan! 

"Hindi maari kasi nauna yung dalawa at okay na sila sa schedule na binigay ko sakanila kaya wala kanang magagawa doon. Linggo kailangan kong umuwi sa amin."


"Nagka-usap na kami ng magulang mo kaya sa huwebes nalang kita ulit tuturuan mag focus muna tayo sa subjects kung saan ka mas nahihirapan." Naglakad na ito paaalis sa training ground at tumingin sa akin at ngumisi.



"Ayoko ayusin mo ang schedule mo sa sabado, magsisimula akong 8 ng umaga hangga 11." Nagulat naman ako sa sinabi niya tsaka na naglakad ulit paalis.

"Hindi nga kasi pwede!" Sigaw ko sakaniya para marinig niya ako. Napahinto na naman ulit ito.

"Hihintayin kita rito." saka siya nagpunta sa isang poso para maghugas ng paa dahil sa putik na nasa paa niya kanina ng nahulog siya.

The Probinsiyana  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon