Ang sakit ng ulo ko!
Anong nangyari?
Nasaan ako?
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata dahil mahapdi ito ng konte. Hindi bahay nila bubay to, alam ko ang mga kwarto nila dahil doon ako nalalagi noon. Kulay plain white ang pintura at may kulay puti at itim ang mga kurtina sa bintana. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko nanamang sumasakit nanaman ito.
Pabili ho ng alak!
Aanhin mo ang alak bubay?
Anong ginagawa natin dito?
Eh, di iinom! Tara na!
Papagalitan tayo!
Say cheeseeee! Love bestfriend!
Uminom kami ng alak ni bubay at parehas kaming nalasing? Tapos ano ng nangyari?
Arghhh! sakit ng ulo ko at nasaan ako?
Napatingin ako sa pinto ng magbukas ito at nanlaki ang mga mata ng magtapo ang aming mga tingin "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya at kinuot lamang niya ang kaniyang noo kasabay ng paglapit niya sa akin.
"Drink this before you eat and after that we will talk about last night" Napahawak ako sa sarili kong dibdib sa sinabi niyang iyon. Tawa siya ng tawa sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya tingin "You think I'll do that to you? Oo matagal akong nawala pero wala naman nagbago sa akin ikaw parin...ang tinitibok nito at malaki ang respeto ko sayo." natahimik ako sakaniyang biglaang pag-amin ng kaniyang nararamdaman pagkatapos ng nagdaang taon.
I don't deserve his love...
"You love Thunder do you?" Mabilis ako nagbaba ng tingin sa kama dahil kahit ako hindi ko kayang aminin iyon sakaniya. Alam kong masasaktan siya, masasaktan ko na naman siyang ilang pagkakataon.
"Uuwi na ako, nasan nga pala ako?" Hinawakan niya ang dalawa kong balikat saka ako pina-upo ulit sa kama.
"Mag-uusap muna tayo, nasa mansion ka sa kwarto ko" Paano niya naging kwarto to eh hindi naman ganito ang diseniyo ng kwarto niya ah.
"This room is one of the guest rooms ayoko sa kwarto ko dati dahil nandoon ang mga ala-ala niyo ng kambal ko. Nasasaktan ako na parang pinapatay sa tuwing naalala ko iyon kaya naman pinalock ko nalamang iyon hindi ko kayang dumaan-daan doon na naalala ang mga masasaya niyong ala-ala na magkasama."
Hindi ako makatingin ng maayos sakaniya dahil tingin ko ano man oras iiyak siya sa mga pinagsasabi niya.
He laugh in disbelief and look at me. "Why you give him a chance all of a sudden? I waited Chelsie I waited till you accept me and then malalaman ko nalang na kayo na pala at alam mo iyong masakit?" Napatayo ako sa nangyayari sa kaniya dahil nakahawak na ito sakaniyang dibdib at bibubogbog iyon.
"Thunder just used you but you fell at ang pangalan kopa ang ginamit ang galing diba? Habang naghihirap ako sa US ang babaeng ilang taon konang hinihintay para pagbalik ko ready ng tanggapin ako wala na. May iba ng nagpapasaya at may-ari ng kaniyang puso. And really kakambal kopa?"
Tumulo nadin ang mga luhang bigla nalang naglaglagan sa kaniyang sinasambit na salita at ayaw akong palapitan sakaniya para sana yakapin siya.
"I don't need your pity Chelsie, I don't. Now I know why can't you give me a chance to love you and love me back dahil hindi ako para sayo. Thunder is better than me. He's strong than me...He's handsome than me, and fit than me. See these scars on my hands and skin. Ilang taon akong natuturukan at na confine para lang makasurvive at mabuhay, nilalabanan ang sakit kasi alam kong may babae pakong kailangan balikan dito at suyuin para maging akin...Nangako akong babalikan ko siya but it was all ruined by him."
Nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay ngunit tinabig lamang niya ito at hinawakan ng dalawang kamay ang dibdib kasabay ng pagsigaw ng malakas. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang ganito. This is Third the Third I know in the first place.
Ang Third na pursigidong gagawin ang lahat mapasaya kalang kahit walang kasiguraduhan kung may kaakibat ba iyon o wala.
"Don't touch me! I'm not Thunder! I'm not him, you don't care about me but you do to him! Just leave please I wanna rest." Muntik na itong bumagsak mabuti nalang naalalayan ko ito at tinulungan maipo sa kama.
"Hindi ako aalis hanggat hindi ka nagiging maayos." Tinalikuran lamang niya ako saka may tinawagan sa kaniyang telepono.
"Papasok na sila Dad at Mom mga limang minuto at makakaalis kana kapag dumating sila" Kahit ayaw ko napatango nalamang ako para hindi na madagdagan pa ang sakit ng kaniyang nararamdaman.
"Akala ko kaya konang kausapin ka, hindi pa pala mahina padin ako. Gusto konalang magbalik bigla sa US kung saan hindi kita makikita at makakalimutan ang sakit na nararamdaman ko" Sabi nitong nakatingin sa kisame habang nakahiga.
"Akala koba bumalik ka para sa akin tapos aalis ka?" Tiningnan niya ako at binalik muli nag tingin sa kisame.
"Hmm. Ikaw ang dahilan kung bakit ako lumalaban at tingin ko ikaw din ang dahilan ng pagkabagsak ko kaya aalis nalang ako para hindi ka makonsensiya." Pumatak nanaman ang mga luha sa aking mga mata habang nakatingin sakaniya pero hindi niya ako magawang tingnan
Napahagulgol ako ng malakas dahilan ng pagtingin niya sa akin at bakas sa mukha niya ang pag-aalala "Akala ko ba mahal mo ako? Bakit ka aalis? at bakit hindi mo ako matingnan sa mga mata? your'e not Thunder please tingnan mo ako sa mga mata"
Napabuntong hininga ito saka ako tiningnan sa diretso sa mga pero nag-iwas din ng tingin sa akin "Hindi ko kaya, bakit tingin ko naalala molang ako kay Thunder?" Wika niyang natatawa. Pumiling naman ako ng mabilis pero tinalikuran niya ako at humarap sa side para hindi ako makita.
Kakausapin kopa sana ito ng bigla nalang nagbukas ang pinto sa kaniyang kuwarto at pumasok ang kaniyang mga magulang kasama ang si ate Milan at Nolan na nakatingin sa akin. Tumayo ako at aalis na ng may makita akong doctor at nurse na pumasok tilabay naguguluhan ako sa nangyayari.
"You can leave now, they're here" Sabi nito diretso sa aking mga mata.
"Checked his BP" Sabi ng doctor sa isang nurse na kaagad naman siyang sinundan nito.
"Is he okay Doc?" Tanong ni ate Milan
"What are you feeling, hijo?" Pero hindi niya sinagot ang doctor tumingin ito sa akin.
"Why you still here? Umalis kana bago pa kita ipakaladkad sa mga katulong sa baba" Parang pinipiga ang puso ko na sa pinaparamdam niya sa akin. Tiningan ako ng kaniyang mga magulang saka nangusap ang mga mata na sundin nalamang ito sa kaniyang nais. Naglakad ako patungo sa pinto at tiningnan siyang muli at nagtagpo ang aming mata pero agad niya itong iniwas. Napabuntong hininga nalamang ako bago ko nilisan ang kwarto niyang may dinadamdam na mabigat sa aking puso.
BINABASA MO ANG
The Probinsiyana (COMPLETED)
Teen FictionSa mundong ginagalawan naten walang permanente, lahat maaring mawala. Gaya ng pagmamahal na meron siya sa akin, o minahal ba talaga niya ako? O pinaglaruan lang gaya ng sabi ng nakararami? Third is my first love, I mean Thunder but none of them is m...