"Hija,sabay kayong papasok ngayon nila Third at Milan parehas naman kayo ng skwelahan na papasukan." Sabi ni Mr. Fuentez.
"Huwag na po mag tricycle nalang ako ho kaya mag lakad." ngiti ko sa kanila. Pero umiling lang mga ito.
"Huwag kanang nag inarte diyan sakay na, malelate si ate." Nakita ko itong patingin-tingin sa relo niya at parang aligaga.
Bakit ba palagi ako walang choice?
Sumakay na ako kahit nahihiya ako.
"Mommy sasabay narin ako sakanila babye! tabi tayo ate Chelsie" natuwa naman ako sa sobrang cute niya, nakikisiksik pa siya sa amin sa loob ng sasakyan ni Third.
"Diba may sarili kang driver Nolan?" Baling ni Third sakaniya.
"Oo pero gusto ko makisabay, okay lang naman din kela mommy at daddy para tipid sa gas." Ang cute niya pinisil ko ang pisngi niya kaya nagulat siya.
"Hindi naman tayo nagtitipid sa Gas, labas." napaka talaga ng taong to. Nakasakay na siya papalabasin pa niya.
"Pasensiya na ang taba kasi ng pisngi mo Nolan nakakagigil..." Tiningnan ko ang peste na mukhang naiinis na sa kapatid niya.
"Talaga! I'm cute ate?" Tinawanan naman siya ni ate Milan.
"Nolan labas na, malelate na si ate Milan." Hindi talaga papatalo to.
"Ano kaba Third hayaan mo na, ngayon ngalang nakisabay iyang si Nolan. Tara na po, malelelate nako." Naiinis naman siyang umayos ng upo at naglagay ng earphone sa tenga niya.
"Dami nga may crush diyan eh." Dugtong naman ni ate Milan.
"Asus aral muna Nolan." tumango naman.
"Sus puru ka aral kaya, ang boring mo kausap." Akala koba hindi to nakikinig kasi naka earphone?
"Kinakausap kaba?" Tiningnan naman niya ako at sinamaan nanaman ng tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa siguro ako pinagmamalayan, wala kasing tigil ang pagtingin niya ng masama sa akin.
"Oo nga naman Third, hindi ka naman niya kinakausap." Napatingin naman kami ng sabay kay ate Milan at tinawanan lang niya kami.
Mga ilang minuto lang na drop na kami sa mismong harap ng school dahil I hahatid pa si ate Milan at Nolan.
"Bakit magkasama sila?"
"Sila na ba?"
"Parang hindi naman.... diba nga bali-balita na, magiging maid siya ni Third?"
Nagbulungan pa kayo sis dinig din namin kayo.
Nauna na akong naglakad sa kaniya para makapunta sa classroom namin.
Papalapit palang ako sa classroom namin alam konang may bago.
And I'm not a maid!
Kainis naman kakadating lang niya dito sikat na agad siya tss.
Walang nakatambay sa labas?
Walang maingay?
Walang nag-aaway?
Pagpasok ko there they are, nagmemake-up. Payabangan ng katawan kung sino ang mas maraming abs. Nagbibilang pa ang mga baklang mahaharot at siyempre hindi papahuli si Darwin doon.
BINABASA MO ANG
The Probinsiyana (COMPLETED)
Teen FictionSa mundong ginagalawan naten walang permanente, lahat maaring mawala. Gaya ng pagmamahal na meron siya sa akin, o minahal ba talaga niya ako? O pinaglaruan lang gaya ng sabi ng nakararami? Third is my first love, I mean Thunder but none of them is m...