Kabanata 4

2.1K 92 7
                                    

"Mag-iingat ka roon anak ha. Dumalaw ka dito tuwing linggo. Ang pag-aaral mo huwag mo pababayaan" naiiyak na sabi ni nanay habang yakap-yakap ako.

"Ano ba Martha sa mansion lang siya ng mga Fuentez hindi mangingibang bansa ang ating anak. Tumigil kanga diyan sa kakanguwa." Napatawa tuloy ang iba naming kapitbahay sa sinabi ni tatay sakaniya.

Ngayon na ang alis ko kaya nagkakaganiyan si nanay hindi kasi siya sanay na hindi ako nakikita araw-araw.

"Nay dadalaw po ako dito bawat linggo at kung maari lang... huwag niyo pabayaan ang kalusugan niyo habang wala ako dito. Mauna nako kanina pa naghihintay iyong driver nila, nakakahiya naman." Hinagkan ko sila bago sila tinalikuran para makasakay na sa sasakyan.

"Oh siya umuwi kanalang dito sa linggo anak, mag-iingat ka"

"Opo Nay, tay mag-iingat din po kayo dito"Nagpadala ng isa sa mga driver nila si Mr. at Mrs. Fuentez para sunduin ako.

"Ready kana ba Chie?" Tanong sa akin ng driver nila si kuya Two.

"Oo kuya tara na." Pina-andar naman niya ang sasakyan tiningan ko ulit iyong bahay namen at sila nanay at tatay na kumakaway sa akin na para bang napaka layo ng pupuntahan ko.

Bakit ba kasi kailangan iyon i-training? Ang tanda tanda na dapat inaalagaan lang iyong mga baby hindi na iyon baby!

Ay teka hindi naman sinabi na aalagaan ko. 

Stop Chie! Don't cross the line nga daw eh!

"Panigurado pagpasok mo sa mansion mag-iiba na ang iyong buhay chie." Paano mag-iiba eh magtuturo lamang ako doon? si kuya Two talaga, patawa. 

Hindi ba siya kapatid ni Third? 

Jowk lang ang layo eh. Gwapo si Third si Kuya Two...hmm, hindi ko naman sinasabing...basta cute siya.

"Tutor lang ako kuya hindi ako magiging asawa." Irap ko sakaniya habang nakatingin sa mga nadadaanan naming puno.

6

7

8 na puno na ang nadaanan namen...

"Hindi ko naman sinabing aasawahin ka Chelsie hindi ka non magugustuhan, sa itsura mo palang." Wow ha, hiyang-hiya naman ako sa pagmumukha mo kuya. Bakit ba nila pinipilit na pangit ako eh hindi naman? Hindi lang ako pala ayos pero hindi ako panget no!


"Pinalinis nila ang katabing kuwarto ni Third kahapon." Ha? Akala ko ba sa maid quarters lang ako?

"Mag-iingat ka sa kay sir. Third chie balita ko napaka daming babae niyan sa maynila." Kaya ba niya nasabing kikindatan niya lang ako baka mangingisay na ako sa kilig? 

Hindi mangyayari iyon!


***

"I'm Third older sister and this is Nolan our younger brother welcome to our home. Huwag kang mahihiya na magsabi kung may gusto kang itanong, okay?" Nginitian ko naman ito at tumango.

"Hija, that's your room common, I'll show it to you." Sabi naman ni Mrs. Fuentez

Ang ganda halata ngang napakalinis nito. Bagong palit ang mga kobre kaba tsaka pintura na kulay pink? May nagmamay-ari naba nito dati?

The Probinsiyana  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon