"Hindi na kailangan Third nasabihan nakami kaya naman eto lahat ng aklat na kailangan mo" Wika naman ng librarian dito.
"Maraming salamat po mauna na kami" Sabi ko dahil pagkatanggap na pagkatanggap niya ng aklat bigla nalang siya umalis.
Napaka walang modo.
"Winarningan na kami sa pag-uugali niya Chelsie kaya ayos lang. Sige na pasok nakayo baka mahuli pa kayo sa inyong klase"
"Pasensiya na po talaga marami din pong salamat" Tumalikod nako at tumakbo para habulin siya.
"Napaka bagal mo naman. Here hold this until we reach our classroom" Babatukan ko sana siya ng makita niya ako. Kaya naman pinigilan ko at nagkunwaring nag work out sa pagtaas ng kamay.
Ginawa na niya akong ginawang katulong.
Ang tahimik niya hanggang nakarating kami sa classroom namin. Napapasulyap ako sakaniya habang nasa klase kami iba kasi ang mood niya ngayon may nangyari ba?
"Yayain mo dali." Sabi ni Mia kay Isabell na isa din sa mga may gusto sakanya rito sa probinsiya.
Una palang makikita mona talagang may gusto siya kay Third iba kasi ang tingin nito sakanya magsimula ng dumating siya.
"Let's go." Yaya sa akin ni Third habang inaayos ko ang mga gamit ko.
"Gosh she's getting into my nerves na talaga!" Nagpapadyak na umalis si Isabell sa classroom kasama si Mia at Natalie.
"Pati ba naman sa canteen tutulungan pa kita hanapin iyon?" Bungisngis ko sakaniya.
"No. Sasabay ka sa amin kakain ni Arthur" Ha? Bakit hindi naman niya agad sinabi?
Gwapo si Arthur at mabait, basketball player pa san kapa kay Arthur kana, hehe jowk.
"Hoy, bilisan mo hindi kana gaganda sa paglalagay ng kung ano-ano sa mukha mo." Inirapan ko ito at naunang nang lumabas ng pinto pero napabalik ulit ako sa classroom ng makita ko si Arthur nasa labas na.
"Okay lang ba itsura ko?" Tanong ko sakaniya. Naglakad naman ito papalapit sa akin at bumulong "Wala ng bago, pangit padin" Hindi naman ako panget ha? Bakit ba sinasabihan nila ako hindi maganda eh hindi naman ako panget.
Umalis na si bubay ng makita niyang niyaya ako ni Third kanina at ang loka-lokang malandi nakidikit-dikit na naman siya sa baklang Darwin na yun.
"Oh hi Chie" Ngiti palang ulam na sharapp. Siniko naman ako ni Third kaya napa ayos ako ng tayo at inayos ang mukha ko kahit na ang gulo ng buhok ko.
"Hmm. Hello Arthur san punta mo?" Siyempre kailangan hindi niya malaman na alam kona. Naglakad naman kami at nasa likod lang namin si peste.
"Ah hindi ba nasabi ni Third sayo? Sasabay ako mag recess sa ninyo." inipit ko naman sa puno ng tenga ang aking ilang hibla ng buhok bago tumingin ulit sakaniya.
"Ahh ganon ba? Hindi niya kasi nasabe-ouch naman!" Bigla ba naman ako binunggo at pumagitna pa talaga sa amin ng Arthur ko.
"Nakaharang kayo may dumaan sa likod ko tinulak ako." Ngisi niya sa akin. Sinadya niya yun! Kitang-kita ko sa ngisi palang niya humanda ka saken mamaya.
Pumiling nalang si Arthur sa ginawang iyon ng peste nato kalamo siya ang may ari ng daanan dito. Sarap mo talaga itapon pabalik sa maynila.
"Balita ko nag umpisa kana sa pag-ensayo mo sa pangangabayo?"
"Oo mahirap nga sa una kasi kung hindi mo alam i-control matutumba ka talaga." Natumba ka naman talaga. Hindi ko na napigilan ang hagikgik ko kay sinamaan nanaman niya ako ng tingin.
"Ano nanaman bang ginawa ko?"
Bakit ba palagi nalang tong galit?"Naiinis ako sa pagmumukha mo mauna kana nga sa canteen maghanap ka ng mauupuan bilisan mo!" Napag sabihan na siya ni Mrs. Fuentez huwag ako tratuhin na katulong pero wala lang itong naging sagot sa mommy niya.
"Maghanap ka mag-isa mo!" Inis na sabi ko sakaniya.
"Hindi kita ililibre kung hindi kapa maghahanap ng mauupuan natin." Bakit ba hindi niya agad sinabi? Edi sana kanina pa nakahanap na ako. Hindi kona sila hinintay pa dumaretso na ako sa canteen para makahanap na ng puwesto namin.
Mahilig talaga ako sa libre lalo na kung sa pagkain na masasarap ang pinag-uusapan.
"Nandito na nag feelingera na katulong." Sigaw ni Mia na nakapag-paagaw ng atensiyon ng mga nasa canteen.
Nilagpasan ko ito para maka punta na sa mga bakanteng lamesa at upuan panigurado ilang minuto lang nandito nayung dalawa.
"Kinakausap ka huwag ka tala-talikod diyan!" Sinundan naman ako ni Natalie. Iniwasan ko din ito para wala nalang gulo.
Ayoko sa lahat ang nakakakuha ng atensiyon rito sa school, lalo na kung gulo pa...
"Kung ako sayo iwasan mona si Third kasi malabo siyang magkakagusto sayo." Napatingin ako sa nagsalita. really? Tingin niya kasi sa sarili niya isa siyang prinsesa dito dahil marami nagkakagusto sakaniya.
"Huwag ka mag-alala nagtatrabaho lang ako sakanila kaya ako ang palagi niyang kasama. Walang namamagitan sa amin at alam ko kung saan ako nababagay." Tinalikuran kona ulit sila bago umupo sa napili kong upuan.
Hindi siya umalis sa harapan ko kahit na nakaupo na ako. Ano bang binabalak nila?
"Hi Third, can we join you here?" Turo niya sa mesa kung saan ako naka-upo.
Kaya ba sila hindi umalis para makisali dito? Tsk.
"Ang daming mesang bakante humanap nalang kayo ng iba." Ni hindi niya tinapunan ng tingin si Isabell pagkasabi non.
"Why Chelsie is here then?" Ay bobo lang te? Kakasabi kolang kanina ha?
Nilapag naman ni peste at Arhur ang mga binili nila bago naupo.
"I allow her, now leave us kakain pa kami. Your wasting mu time, go." Nakasimangot naman itong umalis at tinapunan ako ng masamang tingin.
Bakit ba ang hilig ng mga tao ngayon na tingnan ako ng masama? Ano bang nagawa kong mali?
"Chie may tuturuan kaba mamaya?" Tanong ni Arthur
"Oo ayan si Third bakit?"
"May itatanong sana ako sa isang topic namin sa math hindi ko makuha-kuha. Puntahan konalang kayo mamaya sa mansion" Talaga pupuntahan moko?
Magtigil kanga sa kakapangarap mo ng gising chichie! Nakakahiya ka
"Hindi pwede kailangan kong tapusin ang dalawang topic mamaya, bukas kanalang paturo sakaniya tutal english ang ituturo niya sa akin." Math kasi ang ituturo ko sakaniya mamaya dahil doon daw siya mas nahihirapan.
"Sige sige mukhang mahaba-habang explanasyon ang mangyayari mamaya, hindi na ako sisingit pa." Pinakita naman ang gitnang daliri ni peste kay Arthur na para bang naiinis sa sinabi niyang iyon.
"Habaan mo ang pasensiya mo ha Chie" Bakit mahirap ba talaga itong turuan gaya ng sinasabi ng Daddy niya?
BINABASA MO ANG
The Probinsiyana (COMPLETED)
Teen FictionSa mundong ginagalawan naten walang permanente, lahat maaring mawala. Gaya ng pagmamahal na meron siya sa akin, o minahal ba talaga niya ako? O pinaglaruan lang gaya ng sabi ng nakararami? Third is my first love, I mean Thunder but none of them is m...