Chapter 3: Mask Celebration

77 9 6
                                    

"Ang ganda talaga ng anak ko" Nasisiyahang saad ni Mama. Napapangiti na lang ako sa tuwing naiisip ko na ang swerte ko at nagkaroon ako ng nanay na kagaya niya. I may not be her daughter by blood but I know she loves me as her child by heart.

Nakaharap ako sa malaking salamin habang tinitignan ang suot kong gown. My gut feeling wasn't wrong, the gown suit me well and it matches my high heels. Nilagyan ako ni mama ng light make up kahit hindi naman talaga kailangan dahil naka maskara naman kami.

"Hon, binobola mo na naman ang bunso natin" Sabi sa kaniya ni papa habang nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa ito.

"Papa, kahit simpleng rampa at ngiti ko lang, mabibighani ko na ang lahat ng mga tao sa lugar natin" inis na saad ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nila.

"Binibiro ko lang ang bunso namin, siyempre saan ka pa ba magmamana?" 

"Edi kanino pa ba? Siyempre sa inyo." nakangiting sagot ko.

Tumayo ako at agad na lumapit sa kanila para yumakap. I really love them even if their not my real parents. Hindi ko namalayan na may namumuong luha na pala sa mata ko.

"Oh, huwag kang maiyak" natatawang sambit ni mama

"Kayo kase eh!" Pinaypayan ko ang mata ko para hindi tuluyang pumatak ang luha ko.

"Sinabi lang naming maganda ka, umiyak ka na agad?" Saad ni papa kaya natawa kaming tatlo.

"Mahal ko po kayo." nakangiting sabi ko habang niyayakap sila.

Bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang tatlo kong kapatid na lalaki. Nakabihis na sila at handa ng umattend sa party.

"Hindi ata kami invited sa group hug." bumitaw ako ng yakap kila mama at papa at hinarap ang tatlong unggoy.

Nakaputing tuxedo si Kuya Clyde at itim naman ang kay Clein at Clint. Hindi ko maitatangging mga gwapo sila kahit naka mask pero hindi parin nababawasan nun ang pagiging unggoy nila minsan.

Naalala kong may kasalanan pa sila sa akin. Sinamaan ko sila ng tingin pero last na yun.

"Walang group hug para sa inyo!" Sabi ko at binelatan sila. Natawa naman sila mama at papa sa ginawa ko kaya sumimangot ang tatlo.

"Umalis nga muna kayo dito. Hindi pa ako tapos makapag-ayos" Sabi ko at tinulak silang lahat palabas.

"Aalis na tayo, bruha" Clein said emphasizing the word bruha.

Hindi ko siya pinansin at sinara ang pinto. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Something's missing. I looked around and search for something. Nang makita ko na ang hinahanap ko ay agad kong kinuha iyon.

My spell book. Going somewhere without my spell book is a no-no. I only have my green clutch to match my gown, at hindi magkakasya ang spell book ko. May naalala akong spell to shrink things up pero mahirap iyong gawin sa spell book ko. Baka mamaya hindi ko na mabalik sa dating size ang spell book.

A damn crazy idea popped in my mind. To my surprise, my spell book fit in on my shorts. The craziest idea I've ever did. Nilagay ko lang naman sa bulsa ng short ko ang spell book. Hindi naman fitted gown ang suot ko kaya hindi mahahalata ang librong nakaipit sa loob ng shorts ko, tho I shrinked its sized.

I checked myself for the last time in the mirror before I went out of my room. They are waiting for me outside. Agad naman ako pumunta sa kanila bitbit ang mask ko.

Naghihintay na ang kalesang maghahatid sa amin papunta sa Mansion ng mga Delavega. Damn this town, we only have horses and even a single car doesn't exist. Lucky for those people who lives in other places. They have a precious cars not like ours.

Celeste: The Last WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon