Chapter 27: Grimoire

29 2 0
                                    

Being a witch is fun until I discovered that I am being hunted. I am a witch, and little did I know, the hunter was obviously myself. The question is; How will I hunt myself down?

Nasa akin ang atensyon nilang lahat. Pilit akong ngumiti upang hindi nila mapansin ang kaba at takot na nararamdaman ko ngayon. Still, I'm willing to surrender myself but now is not the time. I will make sure to let them see how the witch hunts the witch but, only after I divulge the truth.

I stood up and excused myself. Pumayag naman sila. Walang pake sa akin ang mga katulong at dinadaanan lang ako kaya imbes na bumalik sa loob ay lumabas ako palayo sa Mansion.

The sun is steep, I looked for a shed at buti naman meron sa tabi ng kalsada. Nagpasilong muna ako dahil mahapdi sa balat ang sinag ng araw. Hindi maalis-alis sa isip ko ang maraming tanong. Ngunit alam ko at nararamdaman kong malapit ng masagot ang mga katanungan ko.

Napahawak na lamang ako sa kamay ko kung saan nakalagay ang marka na ngayon ay wala na.

Habang nagpapasilong ako, hindi maalis ang tingin ng mga tao sa akin. Napatingin ako sa suot ko, nakaputing bestida ako at nakapaa lamang. Hindi ko naisip kanina na wala pala akong tsinelas na suot, siguro dahil sa dami ng iniisip ko at nakalimutan ko ng mag-tsinelas. Hinayaan ko silang pagtinginan ako, wala din naman silang mapapala sa akin.

Hindi ko naman aakalain na may magpapahiram sa akin ng tsinelas at ang tao pang iyon ay si Kael. Tinignan ko ang hawak niyang tsinelas, inilahad niya ito sa akin pero hindi ko tinanggap. Galit siya sa akin kaya bakit siya nandito?

"Gusto mo talagang pagtinginan ka ng mga tao?" 

Hindi ko siya pinapansin, at ibinalik ang tingin sa mga bata na naglalaro. Dapat galit parin siya sa akin eh, para may rason ako kung bakit ko siya iiwasan. Ngunit nandito siya para bigyan ako ng tsinelas.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko na hindi tumitingin sa kaniya.

While my hands are clenched, I am swinging my feet back and forth. I stopped when he spoke.

"I knew you would leave that place, so I waited for you since I know how you feel."

"Ah, Okay."

Not even his nose can't smell what I feel so how could he knows? As if he's an emphat or psychic.

"Kung ayaw mong tanggapin itatapon ko na lang 'to."

He tried to throw the slippers but I immediately stopped him. Kinuha ko ang tsinelas at sinuot iyon. He smirked at me.

"That's what you get for being careless"

He's right.

Napatingin ako sa kaniya, his shadow covers the sun from behind keeping my eyes protected. Maliban kay Brian, dapat ko ring iwasan si Kael. Hindi na ako pwede pang maging malapit sa kanila.

Tumayo ako, wala akong pwedeng sabihin sa kaniya at dapat ko ng putulin ang koneksyon naming dalawa. Tinalikuran ko siya ngunit bago pa ako makaalis ay nahawakan niya ang braso ko. Napangiwi ako ng konti dahil hindi pa masyadong nagagaling ang mga sugat at pasa ko.

"Sorry, nakalimutan ko--"

"Okay lang."

"I was thinking if we could wander around the town?" Napaangat ang kaliwang kilay ko nang marinig iyon.

Really? In a situation like this nakuha niya pang itanong kung pwede kaming gumala dito sa town? I know he tried to save me earlier but it doen't mean na hindi ko na siya iiwasan.

"There's nothing special in this town," Saad ko. Tumango-tango lamang siya habang nakangising nakatingin sa akin.

"Let's go."

Celeste: The Last WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon