Chapter 26: Eclipse

19 0 1
                                    

"A delicious feast,

We're cooking 'til toast!

Oh it's burning! It's starting!

Let's go and sing a song.

One, two, three.

We won't set her free!

Let's burn her alive 'til dawn...

And eat her upside down!"

They are singing. They're going to burn me alive! Hindi ko gustong mamatay sa ganitong paraan. Their voice makes me want to puke. Nahihilo na ako.

Pagkakataon ko na 'to para makatakas dahil busy sila sa paghahanap ng panggatong kaya hindi nila ako masyadong mabibigyan ng atensyon, maliban sa naka-maskarang nakaupo lamang sa log. Mukhang busy siya sa paglilinis ng kaniyang kuko kaya gagamitin ko ang pagkakataon para makatakas. I'm trying to untie my feet, hindi ko sila hahayaang patayin ako. Nararamdaman kong umaakyat ang dugo ko sa ulo.

"Oh it's burning! It's starting!

Let's go and sing a song...."

Nahihirapan akong tanggalin ang pagkatali sa paa ko lalo na at hindi tumitigil sa pagkanta ang dalawang naka-maskara. I hate their voices, pero wala akong magagawa para dun. Ano ba kase ang kailangan nila sa akin? Kasalanan ko rin ito kung bakit pa ako pumunta dito, siguro marami na ang nakakaalam ng sikreto ko bilang isang witch at sa ganitong paraan nila ako papatayin. 

I suddenly feel a pain on my stomach. Tinignan ko kung anong nangyari sa tiyan ko. I was shock to see blood starting to drip. The wicked person behind the mask hit me with a dagger. It was grinning at me, gusto niya ang nakikita niya.

I endure the pain, I tried to remove the dagger pero naunahan ako ng naka-maskara. My tears are starting to form because of the intense pain. Imbes na hilain ang dagger ay idiniin niya ito.

"Aaahhhhh!" I screamed in pain. Tumutulo na rin ang luha ko papunta sa noo ko. Mas lalo niya pang idiniin at tumawa na parang demonyo.

"You thought you can escape me? How stupid of you to think of that." Sabi niya at tumawa. Napakagat ako ng ibabang labi at napapikit, hoping that someone will come to save me.

"I like your tattoo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Gamit ang daliri niya ay hinawakan niya ang sugat ko sa tiyan. Nalagyan ng berdeng dugo ang kaniyang daliri, nandiri ako sa ginawa niya. Dinilaan niya ang dugo na nasa kaniyang daliri at ngumisi sa akin na parang demonyo. Pagkatapos ay hinawakan niya ang wrist ko. Tinitignan niya ang marka doon sabay haplos. Hindi ko magawang agawin ang kamay ko sa kaniya dahil sa takot at sa pwedeng niyang gawin.

Tinignan niya ako. I stared at its eyes. Those orbs look very familiar to me. Nakita ko na siya pero hindi ko matukoy kung sino dahil sa maskarang nakatakip sa mukha niya. Sino siya? Bakit pakiramdam ko kilala ko siya?

"Die!" Sigaw niya. I could clearly feel its saliva on my face. 

At this very moment, I realized that I am the one who is running away from all of the answers because I am scared that it might not turn as good as I wanted it to be.

"Die!"

"Die!"

Paulit-ulit na binibigkas niya ang salitang die. Nakakatakot siya, natatakot ako sa kaniya. I can't think of a trick on how to escape because of fear. Hindi ko na rin nararamdaman ang sugat sa tiyan ko. Fear is eating me right now. Natatakot ako baka ito na ang katapusan ko.

Nakita kong may dinukot siya sa bulsa niya. A dagger. Sasaksakin na naman niya ako. Pinoint niya sa akin ang dagger, siguradong sigurado talaga siya sa gagawin niya. Pinikit ko ang mata ko, hinihintay na tumama sa parte ng katawan ko ang dagger pero wala. Minulat ko ang mata nang marinig siyang tumatawa ng malakas. Nasa kamay niya parin ang dagger.

Celeste: The Last WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon