Chapter 7: Death

55 6 4
                                    

Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa nalaman ko. Ang isang inosenteng babae ay papatayin na naman. Mula pagkabata, hindi ko na gusto ang ginagawa ng mga opisyal ng town. All of their doings are controlled by the devil. Hanggang ngayon na malaki na ako ay hindi parin ito nagbabago at patuloy paring nangyayari.

Mahirap kalabanin ang mga namamahala sa town dahil kakalabanin ka rin nila. Hindi ko alam kung paano ko matutulungan si Nanay Milda. Pati ako ay natatakot. Kapag gumawa ako ng hakbang baka pati ang pamilya ko ay madadamay.

Malapit ng magtanghali at nandito ako ngayon sa garahe. Malapit na gagawin ang hinandang parusa kay Nanay Milda. Naawa ako sa kaniya. Wala siyang ginawang mali, sa katunayan ay prinotektahan niya pa kami. Hindi dapat mamatay si Nanay Milda.

Hindi parin tumitigil ang ulan. Sa labas makikita ko ang mga taong nakasuot ng kaniya-kaniyang raincoat, ang iba ay payong ang gamit. Pupunta sila ngayon sa town hall para tunghayan ang kamatayan ng isang inosenteng tao.

Hindi ko kayang makita si Nanay Milda. If I go, I'll witness another felony. I'll witness the death of Nanay Milda. Kahit dalawang beses pa lang kaming nagkakilala ni Nanay Milda ay naging parte pa rin siya ng pagkatao ko. I am thankful that she protect us even it cost her life. She's the kind of person who's willing to risk her life for the sake of the others. 

"Hindi ka ba pupunta?" Napatingin ako kay Manong Berning.

Naka suot din ng raincoat si Manong. Alam din niya ang nangyari kay Nanay Milda. He saw me cried yesterday, I know he wouldn't tell my parents about this. Sinabi ko sa kaniya ang nalaman ko tungkol kay Nanay Milda. I skip the witch part dahil hindi na rin naman niyang pwedeng malaman iyon.

Umiling ako sa kaniya.

"Manong, aalis po kayo? Pupuntahan niyo po ba si Nanay Milda?" Tanong ko. May namumuong luha sa mata ko pero pinipigilan kong pumatak ito. I smiled bitterly.

"Sa tingin mo? Kailangan ko bang pumunta?" Tanong niya na nakatingin lamang sa mga taong naghahanda para pumunta sa Town Hall.

Napaisip naman ako sa tanong niya. Kailangan bang pumunta ni Manong? Kailangan niya bang matunghayan ang kamatayan ng isang inosente. Hindi ganoong tao si Manong dahil alam kong may mabuti itong puso.

"Kung mahalaga sa inyo si Nanay Milda ay oo. Wala namang mawawala sa inyo kapag pumunta kayo doon, Manong." Saad ko.

Hinarap ako ni Manong. Nakita ko sa mga mata niya ang pagnanais niyang makita man lang si Nanay Milda kahit sa huli. Hindi ko alam pero ramdam ko na apektado si Manong sa nangyayari at pakiramdam ko rin na may koneksyon silang dalawa na ayaw niya lang ding sabihin sa akin. Pero kung ano man yon ay wala akong karapatang pakialaman pa ang kanilang nakaraan.

"Kung ganon, bakit hindi mo yan sabihin sa sarili mo?" Napayuko ako. Ngayon ko lang napagtanto ang sinabi ko.

Mahalaga si Nanay Milda sa akin. Inalagaan niya ang kapatid ko at itinago ang sekreto nito. Marami siyang nagawa at kahit dalawang beses pa lang kaming nagkita ay mahalaga na rin siya sa akin.

"Tatagan mo ang iyong loob, hija. Ito na ang pang-huling beses mong makikita si Milda. Magiging masaya si Milda kapag nakita ka niya."

Magiging masaya ba talaga si Nanay Milda kapag pumunta ako?

Muli na namang nakatanaw sa mga taong papaalis si Manong. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero ramdam ko ang lungkot na kaniyang dinadama ngayon.

"Pupunta po kayo Manong?" Hindi siya lumingon sa akin sa halip ay tumango lamang.

"Sasamahan mo 'ko, hija." napabuntong hininga na lamang ako at tumango.

"Sige po, Manong. Kung ito na lang ang paraan para maging masaya si Nanay Milda." Sabi ko at umalis sa garahe.

Celeste: The Last WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon