Chapter 12: Warning

29 5 1
                                    

"Sino ka?" My voice echoed as I asked the silhouette of a woman. Nawala ang kaba ko nang makapasok ako sa kweba. Hindi naman ito ganoon ka nakakatakot dahil kahit papaano ay may kaunting butas sa mga bato, sapat para magkarron ng kaonting liwanag.

"Celeste." her voice.  Minsan ko lang narinig pero kilalang kilala ko kung kaninong boses iyon. I know it's her.

I snapped my fingers and torches appear on the walls with fire on it. The woman is wearing a brown old cloak. There's a lot of stitches on the cloak. Lumapit ako sa kaniya pero umatras siya.

"Huwag." she faced me her palm telling me to stop. I frowned but I did what she told.

He slowly held the tip of the hood's cloak and slowly opened it showing her face. Halos hindi ako makapaniwalang siya nga ang tumatawag sa akin. I couldn't believe seeing her here. Akala ko hindi ko na siya makikita, but what is she doing here? Why not come back to the town? But, coming back to town means death.

Walang pinagkaiba sa itsura niya, kung ano ang mukha niya mula nung nagkita kami ay gano'n pa rin ngayon.

Halos takpan ko ang mukha ko dahil naluluha na ako. Tinignan niya ako, ngumiti siya sa akin pero ramdam kong hindi siya masaya. I saw a glimpse of sadness in her eyes.

"Celeste." she called my name again.

"Nanay Milda, ligtas ka." halos naiiyak kong sambit at napayuko. Tumango naman siya at mapait na ngumiti. Hindi ko alam kung alam na ba niya ang nangyari kay Manong Berning. Should I tell her about what happened to Manong Berning?

"S-si Manong--"

"Alam ko." hindi ko alam kung paano niya nalaman ang importante nalaman niya. I don't know what is the real story behind their presents. But one thing for sure they have a thing for each other.

"P-patawad po. Wala man lang akong nagawa para lang man matulungan si Manong." nakayuko kong sambit. Nahihiya ako kay Nanay Milda at hindi makaharap sa kaniya. I heard her chuckle kaya napatingin ako sa kaniya.

"Wala kang kasalanan, hija. Lahat ng iyon ay buong pusong ginawa ni Berning. Wala kang kasalanan." Saad niya. Nanatili pa rin siya sa puwesto niya at gano'n din ako.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko talaga alam ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lang si Manong Berning ang nasa gitna ng maraming tao.

"Si Berning ang nagpatakas sa akin. Alam din niya ang tungkol sa iyo. Lahat ng tungkol sayo ay alam niya pati na ang kung anong nangyari sa mga witches na katulad mo. Hindi ko alam kung bakit niya inako ang kamatayang hindi dapat sa kaniya." pinipigilan niya ang sarili na umiyak kaya yumuko ito "Hindi ka niya sinisisi, hija."

I suddenly feel guilt. Hindi ko man lang pinagkatiwalaan si Manong dahil natatakot ako na baka ikapahahamak ko iyon kapag nalaman niya. They depicted me evil kaya mapapaisip ka na lang kung bakit may mga taong gusto kang iligtas kahit wala ka namang kwenta sa mundong 'to.

"Kung hindi po dahil sa akin hindi po mamamatay si Manong Berning," nakita kong umiling si Nanay Milda "patawad po talag--"

"Huwag mong isisi sa sarili mo ang pagkamatay ni Berning. Hindi ikaw ang may kasalanan dito kundi ikaw." Halos pasigaw na saad ni Nanay Milda na umalingawngaw pa sa buong kweba. Huminga ng malalim si Nanay Milda bago muling tumingin sa akin.

"Nanganganib ang buhay mo at ng mga taong malapit sayo. Huwag ka munang bumalik sa Town kung maaari. Huwag muna." Saad ni Nanay Milda. Akmang tatalikod pero pinigilan ko siya.

"Sandali!" Umalingawngaw sa buong kweba ang sigaw ko "Anong ibig niyong sabihin na nanganganib ang buhay ko at ng mga taong malapit sa akin?" Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa pag-alis.

Celeste: The Last WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon