Chapter 24: The Letter

25 2 0
                                    

"Wala na si mama, Clein" his words keep on playing inside my head.

"N-nagbibiro ka ba?"garalgal na ang boses ni Clein at nagbabadya ng tumulo ang luha niya.

Ilan na ba? Ilan na ba ang nawalan ng buhay? Una, ang kapatid ko. Pangalawa, si Manong. Pangatlo, si Zedrick. Tapos ngayon si mama? Nananadya ba ang tadhana? 

Sino na naman ang susunod? Bakit palagi na lang may nawawala na malapit sa akin? Magnet ba ako ng kamatayan, kaya bakit lahat na lang ng mga taong nalalapit sa akin ay napapahamak o di kaya namamatay ? I hate my life, I hate myself for being useless and for being a Witch. Bakit pa ba kase ako pinanganak na isang mangkukulam na kina-iinisan at kina-iinteresan ng marami. Hindi naman ganito ang buhay ko dati, hindi puro sakit, problema, at lungkot ang kinahaharap ko.

Nasa harap kami ng puntod ni Mama. I can't believe this happened. Parang kahapon lang ay magkasama pa kami at magkausap. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, hindi na sana ako umalis. Hindi ko na sana iniwan si Mama. Kung sana hindi lang ako ipinanganak na mangkukulam siguro masaya pa kami hanggang ngayon. Hindi siguro malulubog sa alak si papa. Hindi siguro magkanda-leche-leche 'tong buhay namin. They were right, I'm a curse in this town. I cursed my own family. I cursed everyone around me.

"She was accidentally shot, Celeste. Inutusan ng mayor ang isa sa mga inatasang maghanap sa mangkukulam na barilin ang lalaking nagnakaw na nakatakas sa bilanggo. Nakailag ang lalaki kaya si mama ang natamaan."

I clenched my fist, gritted my teeth, and creased my forehead. Hindi ako umiyak, nanatiling nakatulala sa harap ng puntod ni Mama. I promised myself na hindi na ako iiyak, naisin ko mang umiyak pero parang ubos na ang luha ko dahil ni patak ay walang lumalabas.

"Galit na galit si papa nung malaman niya. Sinugod niya ang Mayor sa bahay nito. Pero ayaw ng mayor ng gulo. He tried to bribe father in exchange to cover up the accident kaya mas lalong nagalit si papa. Alam nating hindi ganoong tao si papa. Nalaman din niya na kumampi na si Kuya sa pamahalaan. Ako lang ang tanging kakampi ni papa nang mga oras na iyon. Hinahanap ka niya Celeste, ikaw at si mama ang palaging bukambibig niya."

Ibang-iba talaga ang pamamalakad ng pamahalaan dito sa town namin. Ayaw nilang madumihan ang mga pangalan nila pero sila mismo ang gumagawa. Kapag mayaman ka mas may karapatan ka ng ipaglaban ang gusto mo, nadadala nila ang lahat sa pera.

Kahit gaano pa kadaming pera ang ibibigay nila kapalit sa buhay ni mama ay hindi namin tatanggapin dahil hindi natutumbasan ng pera ang buhay ng isang tao. 

"Magbabayad ang gumawa nito kay mama." Saad ko. I'll give my mother the justice she deserves. .

"Kumusta ang pharmacy?" Tanong ko. 

"Temprarily close." he answered.

"Ipaghihiganti ko si Mama." nakayukong saad ni Clein while clenching his fist.

I wanted to tell him that revenge is not the answer but I know what he is feeling. Hindi madali tanggapin ang nangyari. Kahit na ako ay nahihirapan. I also wants to take revenge but if I'll do that, baka bumalik sa akin. If I throw them negative karma then it might come back to me.

Bumalik na kami sa bahay. Marami pa kaming gagawing chores. Lalo na at sobrang kalat ng bahay. While we're cleaning I told some jokes para maiwasan man lang ang kalungkutan dito sa bahay. Pero kahit anong biro ko hindi ko pa rin magawang palitan ang mood sa loob ng bahay. Nasa garage si papa ngayon at umiinom. Hindi ko alam kung kailan siya titigil.

Pumunta ako sa garahe kung nasaan si Papa. Hindi pa namin nalilinis itong garahe kaya madaming basag na gamit ang makikitang nakakalat sa sahig.

"Papa!" Tawag ko ng makitang nakaupo sa sahig si Papa at umiinom ng alak.

"Anak?" Nanlulumong saad niya. I soulfully sighed and hugged him. I miss my father. "Pa, nandito na po ako. Nandito kami para sayo." Umiling siya, naramdaman ko na nababasa na ang balikat ko dahil sa luha ni papa.

"Hindi, hindi ko kaya. Mga walanghiya sila. Dapat pagbayaran nila ito!" Tinahan ko si Papa. I could clearly see how much pain he is suffering right now. "At yang kapatid mo na yan. Yan si ano, huwag mong matawag tawag na kuya yan. Mas kinampihan niya sila kesa sa atin na pamilya niya. Tinalikuran na niya tayo! Huwag na huwag niyong banggitin ang pangalan niya dito sa loob ng pamamahay ko. Nakakadir!"

"Tahan na po, papa." 

"Pa, Tama na po yan!" Akmang aagawin ko sana ang bote ng alak ngunit tinulak niya ako at napaupo sa sahig. Aksidenteng natamaan ko ang bubog at nagkasugat ako sa kamay pero hindi niya napansin.

"Papa! Tama na yan!"

Nang aagawin ko sana ulit ang bote, hindi ko pa nagawa ay nasampal na niya ako ng malakas sa mukha. Masakit pero pinili ko ang manatiling matatag. "Huwag na huwag mo akong pakialaman. Sino ka ba, ha?"

Sa mga huling salita na binitawan niya, para akong tinutusok ng mikyon-milyong karayom sa puso. Sino nga ba ako sa buhay nila? Sampid lang naman ako dito at wala akong karapatang agawin ang nakakapagpasaya sa kanila. Masaya na akong masaya sila. Gaya ng sabi niya ay umalis nga ako pero nilingon ko muna siya bago tuluyang makaalis. 

Napatingin ako sa sugat ko. Hindi naman gaano kalalim pero maraming lumalabas na dugo. I winced in pain nang tanggalin ko ang bubog sa kamay. Ang dami ko ng sugat pero hindi ko magawang gamutin.

Naglilinis parin sila hanggang sa makarating ako. Napatingin sila sa akin kaya nginitian ko sila.

"Mamaya na yan, kain muna tayo. May pagkain pa ba?" Tanong ko kay Clein. Agad naman siyang tumango kaya dumiretso ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Hindi ako marunong magluto kaya kumuha na lang ako ng processed foods. Tinawag ko sila Clein at Clint para kumain.

"I can't cook so ito muna ang kakainin natin sa ngayon." tinuro ko ang pagkain. Alam kong bihira lamang silang kumakain nito na kagaya ko rin. Nasanay kase kami na palaging nagluluto si mama para sa amin.

"Let's eat." pinipilit kong ngumiti para sa kanila. Umupo na sila, mabuti at nagluto si Clint ng kanin kanina. Nilagyan ko ng kanin ang plato nila at ang akin din.

Tahimik kaming kumakain. Hindi ako sanay na ganito kaming magkakapatid. Dati, kahit na nasa tapat kami ng hapag kainan para kumain ay palagi kaming nag-aasaran. 

"Ayaw ko na." Napatingin kami kay Clint. Pabagsak niyang nilagay ang kutsara't tinidor sa plato.

"Bakit ba kase nangyari 'to sa pamilya natin? Wala naman tayong kasalanan. Hindi naman tayo ganito dati." Pagpatuloy niya. 

Sa mga sinasabi niyang yon, para akong natatamaan, pakiramdam ko para sa akin ang mga ssalitang iyon pero nanatili lamang akong tahimk. Ano bang magagawa ko? Hindi ko naman sila kontrolado at ano bang karapatan ko para hindi sila pagsalitain ng mga ganong bagay?

Sabay kaming napatingin sa pinto dahil may kumatok doon. Tatayo sana ako para pagbuksan ang kung sino man ang kumatok pero naunahan ako ni Clein. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Napatingin ako kay Clint na hindi man lang ginagalaw ang pagkain niya. Magsasalita sana ako kaso nauna siya. "Celeste, may sinabi si mama bago siya namatay"

"Ano?" Tanong ko pero bago pa siya makasagot ay tinawag ako ni Clein.

"Celia! May naghahanap sa iyo!" Sigaw niya mula sa pinto.

"Sandali!"

"Mamaya mo na lang sabihin." Sabi ko kay Clint.

Pinuntahan ko si Clein. Pero nung makarating ako wala namang tao sa pinto. Nasaan na 'yong naghahanap sa akin? Napatingin ako kay Clein na may hawak na papel. 

"Asan na yung naghahanap sa'kin?" Imbes na sumagot, he hand me the paper. Nagtaka naman ako kung anong nakalagay doon kaya binuksan ko. Bumungad sa akin ang isang sulat.

Hi, Celia Lestina!

Meet me at the woods this evening. I have something important to tell you. I got your back, don't bring some friends. I know you're so eager to find the truth and this might satisfy your curiousity.

Sincerely,
N

"Kanino galing 'to?" I asked. He shrugged his shoulders and shooked his head.

Napatingin muli ako sa sulat. Sino kaya ang nagpadala ng sulat? Wala naman akong kakilalang nagsisimula sa N ang pangalan. Kinakabahan ako, pupunta ba ako o hindi?

Celeste: The Last WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon