Chapter 5: A Promise

53 8 1
                                    

"Who are you?"

I can't move, I can't talk. Iyong tipong nakakita ako ng multo at umurong ang dila ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko. I am scared that he'll see me. Of all people why him? Bakit siya pa ang makakahuli sa akin.

He tried to hold the tip of the hood but I stopped him first.

"Don't!" The only word that came out from my mouth.

I know he recognized my voice. My stupidity just brought me in this state and this could probably lead me to harm and, yet I am facing the one and only heir of the Delavega's  that might bring or force me to turnover myself. Hinintay ko lamang na sabihin niya, na sabihin niyang ako ay isang mangkukulam, na ako ay ang babaeng nakita niya sa gubat, na tama ang hinala niya. Kung papatayin niya ako ay hahayaan ko na lamang siya basta't hindi madadamay ang pamilya ko.

Ang napunit na papel lang naman ang pinunta ko dito pero hindi pa nga ako tuluyang nagsimula sa paghahanap ay nahuli na agad ako. Maybe witches are really bad and this could be a part of our consequences; to die even if some are just innocent and that includes me.

"Hide!" That one word made me stunned confused for a moment.

Tinulak niya ako papunta sa kurtina at itinakip iyon sa akin. Kinuha niya rin ang broomstick ko at binigay sa akin. The curtain is black and even my silhouette couldn't be seen. Narinig kong bumukas ang pinto ng silid. Kung hindi ako nagkakamali ito siguro ang silid ng lalaking taga gubat na mas kilala bilang taga-pagmana ng mga Delavega. I heard heavy footsteps and if I am not mistaken it is heading to our direction.

"Pa!"

"Narinig kong sinimulan niyo ng hanapin ang mangkukulam na siyang iyong pinangungunahan" panimula ng lalaki na hindi man lang binabati ang anak.  Sa narinig ko pa lang, hindi talaga sila mapagkakatiwalaan at pinagsisihan ko na tumakas sa bahay.

Simula pa lang, alam ko ng mali itong ginagawa ko, ang pag-alis ng walang paalam, pagsuway sa mga magulang ko, at lalo na ang pakikipag-halubilo sa mga tao.

I, Celeste, am a witch. I only used my powers and abilities for good purposes only. Never did I think of using it for bad. Pero bakit sila? Hindi ba nila naiintindihan ang salitang sapat? Does they want more and more power for what? To rule the world? Kahit makuha nila ako, kahit pilitin pa nilang kunin ang kapangyarihan ko ay hindi parin nila magagawang pagharian ang mundo dahil kailanman hindi sapat ang meron ako para pagharian ang buong mundo.

Vampires and Werewolves still exists in this world. Human can't rule everything. We have our own perspectives and that is to live peacefully without someone who manipulate and control us. No one must be superior than the other, each has a fair freedom and that includes to live.

"Balita ko hindi ka daw tumulong sa paghahanap kanina, bakit?" Tanong ng kaniyang ama. Hindi ko mapigilang makinig sa pinag-uusapan nila. May halong pagkadismaya sa boses ni Don Arthur.

"Brian knows what to do, pa" hindi ko alam pero habang sinasabi niya iyon ay parang hindi siya interesado sa kung ano man ang pinag-uusapan nila.

"Hinayaan mong pamunuan iyon ni Brian?" Natatawang saad ng kaniyang ama habang bumubuga ng usok. Pinipigilan kong hindi maubo sa usok ng sigarilyo dahil baka mahuli pa ako rito.

Hindi siya sinagot ng anak at kitang-kita sa puwesto ko dahil sa liwanag mula sa buwan na tinignan lamang ng anak ang ama at nakakuyom ang dalawang kamao. Pinatay ng kaniyang ama ang sigarilyong hawak at tumingin sa kaniyang anak. Madilim man ngunit nakikita ko pa rin ang mukha ni Don Arthur na seryosong nakatingin sa kaniyang anak.

"Alalahanin mo Kael para sa iyo din ang lahat ng 'to." Saad niya at tinapik ito sa balikat bago umalis.

Kung ganon bakit hindi niya ako hinuli? He even help me hide in this dusty black curtain. Why are they so obsessed to capture a witch? For what? For self purposes? For wealth? Or for power?

Celeste: The Last WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon