Chapter 15: Friend

20 2 0
                                    

Looks can sometimes be deceiving. Hindi lang natin alam o malalaman agad. You will never know when will it starts to show and stab you at the back. The angelic smile is written all over her face as she and my brother talks. No doubts my two monkey brothers falls for her. Nanatili lang akong tahimik dito sa gilid. Wala ako sa mood para makipagkwentuhan sa kanila.

Halos lahat ng tao dito sa kainan ay napapatingin sa amin sa tuwing tumatawa si Clein, mahina ko naman siyang sinisiko dahil nakakahiya ang tawa niya. Dumating na ang pagkaing inorder namin. Dalawang slice ng pizza sa akin, at pasta naman sa kanilang dalawa.

"Kumusta naman si Clint?" Tanong niya saka tumingin sa akin "Tagal na nung last kaming nagkita, galit ba siya sa akin?"

"Nagkikita kayo ni Clint?" Gulat na tanong ni Clein, tumango naman si Amor sa kaniya. Gusto ko siyang irapan. Kung alam niya lang na nililigawan ni Clint si Amor at ilang beses ng nabusted si Clint kay Amor, siguro magdadalawang isip siya na ligawan si Amor kapag nagkataon.

"Okay lang naman siya. Still alive." Saad ko. Pinipigilan ko ang sarili na magtunog sarkastiko. Tumango naman si Amor sa akin kaya hindi na ako nag-abala pang magsalita.

Hinayaan ko lang na magkwentuhan silang dalawa. Tanging buntong-hininga lang at pag-iling ang nagagawa ko sa tuwing binabanggit ni Amor si Clint. Parang wala lang kase sa kaniya ang ginagawa niya kay Clint. Sabagay, madami ng manliligaw ang dumaan sa kaniya kaya wala na siyang pake kung masaktan ang mga ito. Iniisip niya siguro na dahil maganda siya pwede na niyang saktan ang mga tao sa paligid niya.

Naalala ko na kinuwento niya dati sa akin na inagawan niya ng boyfriend ang kapit-bahay nila. Sinugod pa raw siya ng babae kaya sinabihan niya itong pangit kaya pinagpalit ng boyfriend niya sa kaniya. The girl went home crying that time. There's also one time, nagkaroon siya ng tatlong boyfriend at sinabi niyang dahil daw nahuhumaling ang tatlo sa kagandahan niya. I can't even count how many boyfriends she had already..

Naalala ko si Kael, kumusta na kaya siya? Did he arrived safe, kanina? I hope he's well. I couldn't keep the fact that I'm concern about his condition. His disease is rare, he is vomiting a damn green blood. That's a rare condition for an ordinary human, maliban na lang kung isa din siyang witch? I slightly shook my head for thinking such things.

Napatingin ako sa kanila. Kanina pa pala nila tinatawag ang pangalan ko. Bahagya akong ngumiti.

"Oh! Sorry." Saad ko, napansin ko naman ang mapang-asar nilang ngiti. Napaface-palm na lang ako. They're thinking the wrong thing. "Anong nginingiti ngiti niyo dyan?" Tanong ko pero hindi parin mawala ang mapang-asar na ngiti sa mga mukha nila.

"What were you thinking?" Mapaglarong tanong sa akin ni Clein while his fingers are tapping the table. Shocks! By this moment ay napairap na talaga ako.

"Sino ang iniisip mo?" Excited na tanong ni Amor. I'm thinking of you being a bitch to everyone. I wanted to tell her that but nah, baka magkainitan pa kami dito.

"Ah, may pupuntahan pa pala ako. Mauna na ako sa inyo. Clein bitbitin mo yang mga pinamili natin." Saad ko saka tumakbo palabas, narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin. That's just an excuse.

Halos gusto kong matawa pero baka pag-isipan nila akong baliw. Wala palang pera si Clein. Maglalakad na naman siya pauwi, pwede naman siyang makisakay sa kotse ni Amor. Naglibot-libot muna ako sa mall bago nagpasyang umuwi. I'm gonna take a walk, wala naman na akong dala maliban sa shoulder bag ko.

Sinadya kong daanan ang Mansion nila Kael. Napansin kong nagmamadali ang bawat tao sa loob ng Mansion. Ang iba ay tumatakbo, hindi ko alam kung anong nangyayari pero isa lang ang alam kong pinagkakaabalahan nila. Lumapit ako sa may gate at hinarangan ako ng mga gwardya.

Celeste: The Last WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon