Chapter 1

1.4K 135 16
                                    

General Point Of View

KASALUKUYANG ALIGAGA ang lahat ng empleyado dahil may mahalagang panauhin ang bibisita sa kanilang kompanya. Kahit mismo ang kanilang CEO na si Macky ay hindi rin mapakali at hindi alam ang gagawin.

Hindi maipagkakaila na isa ito sa matagal na niyang hinihintay. Ang bumisita ang napaka-succesful na tao sa buong mundo na halos namamahala ng mga condominiums, hotels and malls. At isang karangalan kung ma-iibigan ng mga ito na mag-invest sa Esguerra Company. Dahil malaki ang magiging ambag nito para mas umangat pa ang nasabing kompanya.

"Mga bakla! Bilisan niyo yung kilos niyo, pumwesto na dito yung mga sasalubong sa kanila. Gusto ko gandahan niyo yung pagbati ah." Aligagang ulat ni Macky. Nagtinginan naman ang tatlong magkaibigan at napahinto sa pag-aayos ng mga gamit.

"Kung kami na lang kayang tatlo ang sumalubong sa kanila baks, whatchuthink?" Suhestiyon ni Angel.

"Nah." Hindi mapakaling umiling si Macky. "Sasamahan niyo ko sa loob, baka magkanda-utal ako do'n. Alam niyo naman na kapag hindi ako komportable sa mga nakapalibot sa'kin--grabe yung kaba ko. Kaya kapag kasama ko kayo sa loob baka lumakas yung loob ko kasi alam kong nasa paligid ko lang kayo." Dagdag niya pa.

"Aww, so sweet of you baks! Lemme' hug you sis!" Sabi ni Diane at yayakap sana siya nang lumayo si Macky sa kaniya.

"Kilabutan ka nga sa gusto mong mangyari tyeh! Hindi ko 'yon sinabi dahil gusto kong makatanggap ng yakap mula sa'yo at sa kahit sino pa sa inyo!" Nandiri si Makcy sa sinabi ni diane. Umupo siya sa swivel chair niya at parang naiiyak na tumingin sa'min dahil sa kaba. "Kinakabahan talaga ako ng malala mga tyeh!" Eksahiradang aniya sa'min.

"Kinakabahan ka because?" Walang ano-ano'y tanong ni Kyla, ginagaya ang tono ng pananalita ng isang sikat na artista, si Kris Aquino.

Agad na lumipad ang masamang tingin ng tatlo kay Kyla nang umandar na naman ang kabaliwan nito. Sa kabila ng paghuhumirinto ng puso ni Macky sa kaba ay nagagawa pang magbiro nito.

"H-hehe... A-ano ka ba baks! Alam kong kaya mo 'yan. Fighting!" Biglang bawi ni Kyla, napailing na nakangiwi na lang ang tatlo sa kaniya. "Saka... marami ka ng nabudol na mga investors dati, remember? Kaya walang imposible kung may mabudol ka ulit. Talent mo na ata 'yan e!" Dagdag pa ni kyla at tumawa ng malakas.

Natawa din si Angel at Diane ngunit si Macky ay kunwaring sumambot ng kung anong bagay malapit sa kaniya at akmang ibabato ito kay Kyla. Agad na tumakbo si Kyla papalapit kay Diane upang magtago sa likod nito.

"Siraulo ka talaga!" Kunwaring singhal ni Macky kay Kyla na bahagyang sinilip siya mula sa likod ni Diane para mag-peace sign sa kaniya.

"Bitawan mo nga yung damit ko!" Reklamo ni Diane kay Kyla dahil nilukot na ng kamay nito ang tela ng damit niya sa likod.

Bubuwelta na naman sana si Kyla nang biglang may kumatok sa Office ni Macky kasabay ng pagbukas ng pinto at pagsilip ng isa sa mga empleyado niya.

"Sir Macky, Mr. Dela Cruz is already here."

Agad na pumwesto ang mga nakatalaga sa kani-kanilang gawain. Ang apat na magkakaibigan ay pumasok na sa office ni Macky at hinintay ang pagpasok ng kanilang bisita.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon