Chapter 23

121 26 4
                                    

Klyn's Point Of View

"DAMMIT!" Pagmumura ko nang hindi na naman sinagot ni Kyla ang tawag ko. Ilang beses na kong tumatawag sa kaniya kahapon pa pero lagi niya kong pinapatayan ng tawag, o 'di kaya'y hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko sa kaniya.

Bullshit!

"Oh, anong nangyari at mukhang mainit ang ulo ng birthday boy?" Lumipad ang masamang tingin ko sa pinto ng office ko nang pumasok do'n si Dextar, kasama si Aiverson.

Umiwas ako nang tingin, tumalikod sa kanila at humarap sa malawak na glass wall na tanaw ang sibilisadong lugar mula sa loob ng office ko. Sinubukan kong muli i-dial ang number ni Kyla ngunit patuloy lang ito sa pag-ring hanggang sa maputol na ang pag-ring nito. Napamura ulit ako.

Narinig ko ang hagikgik nila Dextar at Aiverson. "Mukhang alam ko na kung bakit mainit ang ulo mo birthday boy, hindi sinasagot tawag mo?" Nakangising tanong ni dextar. Hindi ko siya pinag-tuunan ng pansin. "Sabagay, nakakapang-init nga naman talaga ng ulo na alam mong wala kayong problema pero bigla na lang hindi sinasagot ang mga tawag mo." Napailing pa siya. Doon ako napalingon sa kaniya. Matalim na matalim ang pagkakatitig ko sa kaniya dahilan para manlaki ang mata niya sa'kin.

Kumunot ang noo ko sa pagkakatitig sa kaniya ngunit wala rin akong nasabi. Umiwas na ko ng tingin at bumuntong hininga bago kinuha ang susi ng kotse ko at lumabas na ng Company Building para pumunta ulit sa apartment nila. Galing na ko do'n kanina bago ako pumasok dahil gano'n naman na talaga ang routine ko simula nang ligawan ko si Kyla.

Nagtataka ako kung bakit hindi niya sinabi sa'king hindi siya papasok, well, pa'no nga ba niya masasabi sa'kin kung ganiyang hindi niya sinasagot ang mga tawag ko simula pa kahapon. Ayos naman kami nung nakaraang araw, kumain pa nga kami sa labas, kaya hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito na lang siya bigla, hindi na ko kinakausap.

Nag-aalala ako at the same time natatakot. Iniisip ko kung may nagawa ba kong mali nung mga nakaraang araw para magkagano'n siya bigla.

Nang pumunta ako kanina sa apartment nila, ang sabi ni diane ay hindi daw do'n natulog si Kyla at ang kapatid niyang si Tristhan. Nasa bahay daw sila ng papa niya. Gustuhin ko mang puntahan siya do'n dahil alam ko naman kung saan 'yon ay hindi ko pa rin magawa dahil baka masira ko ang bonding nilang tatlo. Pero kung ganito na ang treatment niya sa'kin simula pa kahapon ay baka hindi na ko magdalawang isip na puntahan nga siya do'n at tanungin mismo ng personal kung ano bang problema.

Hindi ko rin alam kung bakit umabsent ang dalawa niyang kaibigan sa trabaho, kaya mas lalong dumagdag sa konklusyion ko na baka nga may problema si kyla na hindi sinasabi sa'kin kaya hindi niya magawang sagutin ang mga tawag ko sa kaniya.

"Oh, Klyn." Si Diane ulit ang nagbukas ng gate para sa'kin.

"She still not picking up the phone, I'm really worried about her. Real sucks!" Bungad ko sa kaniya. Halatang-halata na sa mukha ko ang pag-aalala.

"Nag-away ba kayo ni Kyla?" Tanong ni Diane kaya napatingin ako sa kaniya.

"No, of course not."

"Gano'n ba? Pero kasi sa tuwing tatanungin ka namin sa kaniya ay umiiwas siya. Sinabi pa nga niya sa'min na 'wag sabihin sa'yo na sa bahay ng papa niya sila matutulog na magkapatid kagabi."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Seriously? What's the freaking going on? "I don't fucking know why she suddenly acting like that, she's been ignoring my calls and texts since yesterday and I'm nearly losing my sanity thinking what's exactly the problem because she never even try to talk to me!"

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon