Chapter 42

84 15 0
                                    

Kyla's Point Of View

HINDI MATIGIL ang mga mata namin sa paglilibot nito sa ganda ng paligid na nakikita namin. Nandito kami sa Brooklyn Bridge, hindi kami halos nag-uusap dahil busy kami sa pagtingin-tingin sa paligid. Tanaw mula rito ang Empire State Building.

Nang makontento kami ay bumiyahe kami para makita naman ang Statue Of Liberty. Tinanaw lang namin siya mula sa malayo dahil nasa pagitan namin ang malawak at kulay asul na dagat.

Napapikit ako nang maramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa mukha ko. Napadilat ako nang mukha ni Klyn ang nakita ko. Totoong masaya akong makita ang mga ganitong tanawin, ngunit hindi ko maipagkakaila na parang may pumipigil sa'kin na lasapin ang kasiyahan ko dito. Masasabi kong iba yung sayang naramdaman ko nang magpunta kami ni Klyn sa Sta. Ana. Malayong malayo sa nararamdaman ko ngayon. Parang may kulang.

Nasanay ako na palaging may nakayapos sa bewang ko. Nasanay na kong parating may humahalik sa noo, pisngi at labi ko. Nasanay na kong may tatawag sa'kin sa umaga para lang bumati at sabihing hindi kompleto ang araw niya nang hindi naririnig ang boses ko. Nasanay na kong parating may naghahatid-sundo sa'kin. Nasanay na kong nandiyan siya parati para sa'kin. Nasanay na ko sa kaniya.

Nang maggabi ay nagpunta naman kami sa Times Square, huling gabi na ito ni Ion sa NY. Bukas ng umaga ay flight niya na pabalik sa pilipinas. Parang gusto kong sumama sa kaniya, pero mawawalan lang rin ng saysay ang pagpunta namin dito. Nanlulumo man pero kailangan ko nga talagang magtiis.

"Ibababa kayo nito sa lugar ng Bronxville, naka-ayos na rin yung ways niyo para susundan niyo na lang yung street kung nasaan ang bahay na pupuntahan niyo." Inihatid pa kami ni Ion sa loob ng train. Siya ang nagasikaso ng lahat, sa pagkuha ticket para makasakay kami dito at sa pagpapasok at paglalagay ng mga bagahe namin dito sa train.

Pinagmaneho niya kami bago siya dumiretso sa Airport, sinuguro niyang hindi na ulit kami maliligaw at mararating na ang destinasyon namin dito.

"Thank you Ion, we owe you a lot." Ngiti ni Angel kay Ion.

Ngumiti rin si Ion sa kaniya. "You're welcome." Tugon nito. "Aalis na ang train na 'to, kailangan ko na rin umalis. Mag-iingat kayo ah." Paalala niya pa sa'min

"Mag-ingat ka rin sa biyahe mo. Bye-bye!" Parang bata pa kong kumaway kay Ion. Nakaupo na ko sa tabi ng bintana, kaharap naman namin si diane at Angel habang katabi ko naman si Tristhan.

"Baka malate ka sa flight mo, sige na Ion. Kaya na namin, salamat." Ani Diane habang nakangiti. Tumango naman si Ion, nakangiti pa rin.

"Ingat ka Ion." Si Angel.

"I will."

Nang makalabas si Ion ay siyang andar ng train. Hindi na naman mapakali ang mga mata namin, kahit halos puro building lang naman ang nakikita namin ay paulit-ulit pa rin kaming namamangha.

"Nakapunta ka na ba sa bahay ng pinsan mo noon Diane?" Tanong ni Angel kay Diane.

"Hindi pa, ito pa lang ang una." Sagot ni Diane.

"Pero alam niyang pupunta tayo do'n diba?" Tanong pa ni Angel.

"Oo, nagsabi na ko sa kaniya. Hindi niya lang alam kung anong eksaktong araw. Nawala lahat ng contacts ko, naiwan din ang cellphone ko sa apartment kaya hindi ko siya matawagan para sabihin sa kaniya." Tugon ni Diane.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon