Chapter 48

93 23 2
                                    

Kyla's Point Of View

NAPALINGON AKO nang pumasok ulit sila Diane at Angel sa kwarto ko. Nakapang-tulog na sila pareho at may yakap pang unan. Mukhang dito na gustong matulog ngayong gabi. Umiwas ako ng tingin at tumingin na lang sa TV na naka-off naman.

Hindi ko pa sila nakakausap matapos ang nangyari dito kanina. Bumalik din kasi sila sa Company. Ako naman ay nanatili lang dito sa kwarto maghapon. Ni hindi ako bumaba kanina para kumain ng hapunan, hinatiran nga ako ni Tristhan ng pagkain pero hindi ko naman nagalaw. Hindi ako makaramdam ng gutom dahil sa nangyari kanina.

"Ky, galit ka sa'min?" Nakalabing tanong ni Angel sa'kin nang mahiga sa tabi ko. Sumunod naman si Diane at nahiga rin sa kabilang gilid ko.

Niyakap nila ako pareho dahil wala silang nakuhang sagot sa'kin. "Sorry na, Ky. Hindi kasi namin alam kung paano sasabihin sa'yo." Nakalabi ring ani Diane. Hindi pa rin ako tumugon.

Bumuntong hininga muna si Diane bago umupo sa kama at harapin ako. "Ang totoo... gusto naming tumanggi sa kanila kagabi. Alam kasi namin na nasasaktan ka sa tuwing nakikita mo silang magkasama. Pero sa kabilang banda, naisip ko na paano kapag nalaman ng lahat ang ginawa naming pagtanggi kay Mr. Dela Cruz? Baka ikasira 'yon ng Company natin."  Paliwanag ni Diane.

Bumuntong hininga rin muna ako bago sumagot. "Alam ko naman 'yon. Naiintindihan ko 'yon. Ang punto ko dito ay hindi niyo ako sinabihan na sila pala ang client na hinihintay natin kanina. Sabay-sabay tayong nag-agahan, magkakasama rin tayo sa iisang kotse, ilang minuto rin tayong nag-usap sa office kanina. Pero hindi man lang kayo nag-abalang sabihin sa'kin." May sama ng loob na ulat ko.

"Kaya nga sorry, sorry kung hindi namin sinabi sa'yo. Hindi talaga namin alam kung paano. We're really sorry." Paghihingi ng paumanhin ni Diane.

Tipid akong ngumiti. "Ayos na. Alam niyo namang hindi ko kayo kayang tiisin."

"Yehey!" Parang bata hiyaw ni Angel at niyakap ako ng mahigpit. Sumali rin naman agad si Diane sa'min. Nagtawanan pa kami bago sila humiwalay sa'kin. Nang mahiga ulit si diane sa tabi ko ay nagsimula ang seryoso naming pag-uusap.

"Anong nangyari dito kanina bago kami dumating?" Seryosong tanong ni Diane sa'kin.

Nakatitig lang ako sa kisame. "Hindi ko din maintindihan. Naguguluhan ako sa nangyayari."

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagharap sa'kin ni Angel. "Ako rin naguguluhan. Hindi ko maintindihan si Klyn."

"Napansin mo rin?" Sinilip ni Diane si Angel.

Tumango si Angel. "Kagabi pa lang, simula nung makita kong nagbigay siya ng pagkain kagabi kay Tristhan para ibigay kay Kyla. Idadag mo pa nung lumapit siya sa table natin para lang piliting kumain si Kyla." Kwento ni Angel. Hindi naman ako natinag sa pagtitig sa kisame.

"Maniniwala na rin sana ako sa mga nahahalata ko kay Klyn, pero nag-aalangan pa rin ako. Yung katotohanang ikakasal na sila kay Alysa ay hindi na dapat tayo magtaka pa." Sabi naman ni Diane. Pabor ako sa sinabi niya.

"Honestly, umaasa pa rin ako. Umaasa ako na ako pa rin... na ako pa rin ang mahal niya. Especially sa mga titig at mga kilos niya--mas nabibigyan ako ng pag-asa. Pero malabong-malabo na. Dahil ikakasal na nga siya sa iba." Malungkot kong sabi. "Hindi ko lang maiwasang masaktan. Kahit kasi tatlong taon kaming nawalay sa isa't isa ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa kaniya, pero siya? Kinalimutan na ko at nagmahal na ng iba." Nasasaktan ko pang sabi.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon