Chapter 38

110 17 0
                                    

Kyla's Point Of View

NAGISING AKO nang wala na sa tabi ko si Klyn. Inilibot ko pa ang paningin ko sa loob ng tent ngunit hindi ko siya namataan. Bumangon ako at nagtungo sa banyo. Bigla akong nakaramdaman ng lagkit sa katawan ko kaya nagshower ako ng katawan. Kumpleto ang mga gamit sa banyo. Maliit man ay malinis naman ito at maaliwalas. May sink at salamin ngunit nakakabit lang ito sa kahoy, pati ang inaapakan ko ay kahoy rin. Disensyo niyo 'yon ng kabuuang banyo.

Lumabas ako ng nakaroba at inilabas mula sa bag ang two piece black swimsuit ko. Hindi ko binasa ang buhok ko dahil plano ko ng magtampisaw sa dagat. Nag-apply ulit ako ng sunblock at sinuot ang swimsuit. Sakto namang pagpasok ni Klyn sa loob ng tent.

Nangunot ang noo niya sa tanging dalawang tela na nakatabing sa katawan ko. Hindi ako makapaniwala sa taong 'to. Siya ang bumili ng mga 'to para sa'kin pero heto siya at ganito ang iniaasta. Parang nagsisisi na siya.

Bumuntong hininga siya at lumapit sa bag ko at nagkalkal. Ako naman ang kumunot ang noo. Nakita kong inilabas niya ang beach cover-up ko at lumakad papalapit upang isuot 'yon sa'kin.

"Our lunch is ready." Hinawakan niya ko sa bewang at iginaya na papalabas ng tent. Bilang lamang ang mga nakikita kong turista sa paligid. Gaya ng sinabi ko noon ay madalang talaga ang turista dito dahil sa layo. Okay lang naman sa'kin dahil ayoko rin ng masyadong matao, at parang gano'n din ang gusto ni Klyn.

Nagtungo kami sa isa sa mga kubo at nanlaki ang mata ko nang makita ang mga pagkaing nakahain sa mesa.

"Wow! Seafood mukbang!" Mangha kong anas. Natawa si Klyn sa reaksyon ko at hinalikan ako sa pisngi bago inalalayang maupo.

Punong-puno ang mesa ng iba't ibang klase ng lamang dagat. Nakalagay ito sa dahon ng saging. Fried rice ang kanin. May mga dessert din katulad ng halo-halo, banana split, at fruit salad. Iced tea ang inumin namin at may tubig rin.

"Let's ea--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Klyn at nagsimula na kong kumain ng nakakamay. Natawa ulit siya at sinabayan na rin ako kumain.

"Easy babe, you're not on the race!" Natatawang usal ni Klyn habang pinagmamasdan akong kumain.

Easy-han mo lang Ky. Wala sa paligid si Angel. Haha!

Tumango-tango ako kay Klyn dahil sa naisip ko. Nagiging brusko na rin ang mga kilos ko kaya umayos ako ng upo at mahinhin na kumain. Nakakalimutan ko talagang babae ako kapag ganitong kasasarap na pagkain ang nasa harap ko. Handa akong makipagsuntukan 'wag lang akong maubusan.

Napansin kong tumigil sa pagkain si Klyn at wala ng ibang ginawa kundi ang magtanggal ng laman mula sa mga crab at hipon para ibigay 'yon sa'kin. Doon ko lang napansin na hindi ako nagtatanggal ng mga laman mula sa crab at hipon. Kain lang ako ng kain.

Kumuha ako ng laman ng crab, kumurot ng kalahati ng hipon at sumandok ng kanin gamit ang kamay. Itinapat ko 'yon sa bibig ni Klyn kaya napatigil siya sa ginagawa.

"Don't mind me--"

"Ibuka mo ang bibig mo." Utos ko sa kaniya. Seryoso. Ginawa niya ang kung ano ang sinabi ko. Isinubo ko ang pagkain sa kaniya. "Kumain ka Klyn, kaya ko namang magtanggal ng laman." Sabi ko pa at kumuha ng malaking crab.

"Leave it to me babe." Marahang kinuha ni Klyn ang hawak kong crab. "Just feed me." Nakangising sabi niya pa at gano'n nga ang ginawa ko. Sinusubuan ko na lang siya ng pagkain dahil kina-career niya ang ginagawa niya.

Nang matapos kami kumain ay nagpahinga pa kami saglit sa loob ng kubo habang tinitignan ang ganda ng paligid.

"We will go on to the Crocodile Island later. Before we go back to the hotel." Natinag ako sa paglilibot ng paningin sa paligid at napatingin kay Klyn.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon