Chapter 50

103 24 1
                                    

Kyla's Point Of View

NANG MATAPOS akong maligo ay lumabas ako nang nakatapis lang ng tuwalya sa katawan. Nakalimutan kong kumuha muna ng damit ni Klyn sa itaas bago naligo. Kampante naman akong lumakad sa loob ng apartment sa hitsura ko dahil alam kong nakaalis na si Klyn para bumili ng damit na susuotin ko.

Aakyan na sana ako nang mapalingon ako sa pinto nang bumukas ito. Halos mapahiyaw ako at lumuwa ang mga mata nang makita ko si Klyn. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napalunok ako nang pasadahan niya ang kabuuan ko ng tingin.

"I forgot my wallet." Nagpatay malisya lang siya. Lumakad siya palapit sa sofa at kinuha ang wallet niya na nakapatong do'n.

Pinanood ko lang siya hanggang sa maglakad na ulit siya papalapit sa pinto. Bago niya binuksan ang pinto ay lumingon pa siya sa'kin para kindatan ako habang nakangisi. Nakaramdam naman ako ng kiliti dahil sa kagwapuhan niya.

Sa kabila ng paglipas ng panahon ay hindi nabawasan ang dating at kagwapuhan niya. Padagdag pa nga ng padagdag. Parang pabata ang mukha niya at hindi patanda. Hindi nakakasawang titigan. Kaya ka niyang pakiligin kahit sa pagtitig mo lang sa mukha niya.

Natinag ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pag-lock ng pinto. Wala na sa loob si Klyn kaya umakyat na ko sa itaas para kumuha ng damit niya at magbihis.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto nang makapasok ako. Walang pinagbago. Kung saan nakapwesto ang mga gamit dito nang iwan namin ito ay gano'n pa rin hanggang ngayon. Bukod sa kabinet namin na puro damit na ni Klyn ang nakalagay.

Lumapit na ko do'n para magkalkal ng susuotin. Pero nang ipatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng mga damit ay may nakapa akong matigas na papel.
Kinuha ko ito at tinignan. Isang litrato. At natigilan ako nang makita ang sarili ko sa litrato na hawak ko.

Ito yung mga panahon na nagta-trabaho ako sa Classico Caffe, sa Bronxville New York City. Suot ko rito ang uniform ko bilang waitress, may yakap akong tray habang nakangiti sa isang customer. Ngayon ay napapaisip ako, paano nagkaroon si Klyn ng litrato ko? Nagpunta kaya siya sa Bronxville para hanapin ako? Kung nagpunta nga siya, bakit hindi siya nagpakita sa'kin gayong nakuhaan pa niya ko ng litrato?

Nakapagbihis ako nang punong-puno ng katanungan ang isip ko. Nakapagpatuyo na ko ng buhok pero wala pa rin si Klyn kaya naisipan kong mahiga muna at umidlip dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

NANG MAGISING ako ay nasa tabi ko na si Klyn habang nakayap sa'kin. Napatingin ako sa wall clock, alas-kwatro na ng hapon. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang damit na binili ni Klyn para sa'kin. Kailangan ko ng umuwi, ni hindi ako nakapagpaalam kila Diane kung saan ang punta ko.

Maingat kong tinanggal ang kamay ni Klyn sa bewang ko at bumangon. Kinuha ko ang paper bag sa sahig at tinignan ang nasa loob niyon. Napangiti ako nang makitang pareho na pareho sa damit na suot ko kanina ang binili niya. Maliban sa undergarments.

Maingat ulit akong tumabi kay Klyn nang matapos akong makapagpalit ng damit. Tumagilid ako sa pagkakahiga para sulitin ang pagtitig sa mukha niya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na haplusin ang makinis niyang pisngi.

Sa bawat, pag-ikot

Ng ating buhay...

May oras, kailangan

Na mag-hiwalay

Puso'y lumaban man

Walang magagawa...

Saan ka, kailan ka

Muling mahahagkan...

Tahimik akong kumanta habang hinahaplos at tinititigan ang bawat parte ng mukha ni Klyn.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon