Chapter 57

147 19 0
                                    

Kyla's Point Of View

KINABUKASAN DIN ay sabay-sabay kaming umuwi pabalik sa manila. Wala ni isa sa'min ang nakaramdam ng lungkot sa pananatili namin sa Hotel. Masaya ang lahat para sa'ming dalawa ni Klyn. Abot langit naman ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa pagsuporta nila sa'min ni Klyn.

Nang makapagpahinga kami ay agad naming pinag-usapan kasama ang mga kaibigan ko ang pag-aasikaso ng kasal namin ni Klyn. Gusto ni Klyn na madaliin ang kasal naming dalawa, kaya pinag-iisipan talaga namin kung paano 'yon pagagandahin sa maikling panahon lang.

Parati na ulit akong hatid-sundo ni Klyn. Kapag hindi siya busy sa company niya ay sa bahay namin siya tumatambay. Parang balik sa dati lang ang nangyari, pero mas iba ang saya ngayon dahil pagkatapos ng tatlong buwan ay magsasama na kami sa iisang bahay at 'yon ang gusto niyang ipakita sa'kin ngayon.

"Itinuloy mo pala talaga ang pagpapatayo ng bahay sa lupa na 'yon?" Tanong ko kay Klyn habang nasa biyahe na kami papunta sa lupang pinakita niya sa'kin noon. Nakatayo na daw kasi ang magiging bahay namin pagkatapos namin ikasal. Sa loob-loob ko ay nananabik akong makita 'yon.

"Of course. Before I went to New York to fetch you, I've made sure everything was done." Ngumiti si Klyn sa'kin at hinawakan ang isang kamay ko para halikan habang nasa daan ang paningin.

"Ilang taon siya bago natapos?"

"1 year."

Nagulat ako at lalong napaharap sa kaniya. "Ang tagal na pala. Bakit hindi ka pa tumira do'n noon? Binili mo pa talaga yung apartment namin dati."

"I've build that house for us. So, I don't want to stay there without you, It will just make me sad, alone and missing you." Sagot niya na lumingon lang saglit sa'kin. "And I bought that apartment because we have so much of memories there."

Ngumiti ako na parang na-touch sa sinabi niya. Bahagya siyang natawa sa'kin ng lumingon siya sa'kin.

"Sila mama Klyn..." Wala sa sariling usal ko matapos ang ilang sandali. Lumingon sa'kin si Klyn at pinisil ang kamay ko. "G-gusto ko silang makausap."

Narinig ko ang buntong hininga ni Klyn. "Are you sure?"

Tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango. "Gusto ko silang kumustahin, kung... okay lang ba sila do'n..." Alangan kong sambit. Sigurado naman akong hindi sila okay do'n dahil nasa kulungan sila. Pero gusto ko pa rin masigurong hindi sila minamaltrato sa loob ng kulungan, kung nakakakain ba sila ng maayos, at kung... nagsisisi na ba sila sa ginawa nila noon.

"Alright..." Pagbuntong hiningang payag ni Klyn. "We will visit them before I drop you off to home."

"Isama natin si Tristhan." Dagdag ko pa kay Klyn.

"If that's what you want babe." Ngiti ni Klyn sa'kin. Hininto niya na ang sasakyan, lilingon na sana ako sa bahay na nasa tapat namin pero agad niyang sinakop ang parehong pisngi ko para hindi ko agad makita.

Ngumuso ako sa kaniya pero mabilis niya lang akong hinalikan sa labi. "Ano 'yan?"

"Handkerchief?" Natatawang tanong niya sa'kin habang hawak ang panyo.

Napasimangot ako. "Alam ko naman 'yon. Ang ibig kong sabihin anong gagawin mo diyan?"

Ngumiti siya at imbes na sagutin ako ay itinakip niya na ang panyo sa mata ko. "I've waited too long for this moment babe. Please bear with me, I just want to surprise you." Aniya matapos niyang itali ang panyo sa likod ng ulo ko. "Is it hurt?" Tanong sa'kin ni Klyn habang hawak ang ulo ko sa likuran.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon