Chapter 34

105 20 4
                                    

Kyla's Point Of View

"BING BONG BOO! Bing bong bing! Bing bong bingly bungly boo!" Masayang pagkanta ko habang nasa loob ng kotse ni Klyn. Ihahatid niya na ko sa work ko.

Lumipas ulit ang apat na buwan at masaya ako sa bawat araw na hindi kami nag-aaway ni Klyn. Masaya din ako dahil mas naging sweet, caring at clingy siya sa'kin. Sa bawat araw na dumadaan ay nadadag-dagan ng nadadag-dagan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Masiyado na kong nasasanay na nandiyan siya parati para sa'kin.

Narinig ko ang pagtawa ni Klyn pero nakatutok lang ang paningin niya sa daan. Nakaisip tuloy ako ng kalokohan.

Nyahahahaha!

Pasimple kong ipinatong ang kamay ko sa hita niya. Nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng tawa nang makita ko sa gilid ng mata ko ang mabilis niyang paglingon sa'kin.

Nang wala siyang sinabi ay dahan-dahan kong iginalaw ang kamay ko paitaas sa hita niya. Nang medyo malapit na doon ay bahagya ko 'yong pinisil. Narinig ko ang bulong niyang pagmura.

Nang makita kong malapit na kami sa Company ay inalis ko na ang kamay ko at napahalakhak ng malala. May pahampas-pahampas pa ko sa dashboard ng kotse niya at pagpadyak ng mga paa.

"What the hell babe?!" Bulalas ni Klyn. Tumawa lang ulit ako.

Tumigil na ang kotse kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Nasa parking lot na kami ng Company. Lumingon ako kay Klyn para magpaalam na ngunit natigilan ako sa sama ng tingin niya.

Imbes na matakot ay napahalakhak ulit ako. Nakaturo pa sa mukha niya. Natigilan lang ako nang akma na siyang lalabas.

"Teka--sa'n ka pupunta?" Pigil ko sa kaniya.

"I need to go to the comfort room." Hindi siya lumingon sa'kin. "And this is your fault babe." Dagdag niya pa.

"Pfft! Haha! Hindi na, dito ka na. Tutulungan na kita." Nakangising sabi ko sa kaniya.

Mabilis siyang lumingon sa'kin. "You don't know what you're saying." Aniya.

Napaawang ang labi ko. "Minamaliit mo ba ko?" Kunwaring hamon ko.

Bumuntong hininga siya. "You will be late."

"Ayos lang 'yan, kasalanan ko naman diba?" Sabi ko habang pinaglalakad ang mga daliri ko sa hita niya. Narinig ko ang pagsinghap niya.

"Babe, please..." Pabulong na sabi ni Klyn.

"Please what?" Malambing kong tanong.

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa hita niya. "Stop this shit babe... you're making me hard." Mahinang usal ni Klyn.

Rawr...

Pinigilan kong matawa dahil halata sa mukha niyang seryoso siya sa kaniyang sinabi. "Okay, sige." Nakangiting pagsang-ayon ko. Hinawakan ko na lang ang pareho niyang pisngi at inilapit ang mukha ko. "Kiss na lang." Sabi ko at pumikit nang ininguso ko ang labi ko sa kaniya.

Pero matapos ang limang segundo, wala pa rin akong naramdaman. Dumilat ako at ang salubong na kilay ni Klyn habang nakatitig sa'kin ang bumungad sa'kin.

"Pati kiss ayaw mo?" Nakanguso kong tanong. Inalis ko ang mga kamay ko sa pisngi niya at padabog na naupo. "Ayaw mo na kong i-kiss. Ayaw mo na sa'kin." Parang batang nagmamaktol ako. Hindi ako tumingin sa kaniya. "Ayaw mong tulungan kita. Ayaw mo rin akong i-kiss. Sabihin mo nga sa'kin... ayaw mo na ba sa relasyon na 'to?"

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon