Epilogue

373 39 17
                                    

Kyla's Point Of View

"KLYRIX, ANAK, paki-abot naman ng glass bowl kay mommy please." Suyo ko sa anim na taong gulang na panganay ko.

"Here mom." Iniabot na sa'kin ng panganay ko ang glass bowl.

"Thanks." Hinalikan ko siya sa pisngi kaya napangiti siya sa'kin.

"How about me mom? What can I help?" Nakisali na rin ang apat na taon na bunsong anak namin ni Klyn.

"Just sit, and relax there baby."

"But mom... I want to help." Nakangusong pamimilit ng bunso ko sa'kin.

Napangiti ako sa kacute-an niya. "Okay, kindly mix this." Inilapag ko sa harap niya ang glass bowl na may baking powder, egg, sugar at condence milk.

"Okay po!" Maligalig na turan ng bunso ko. Hinalikan ko rin ang pisngi niya at bumaling ulit sa niluluto kong tinola.

"Mom! Look what Kyrene did to me!"

Napalingon ako kay Klyrix at Kyrene. Nakita kong may puti na sa pisngi ni Klyrix, marahil ay ang pinapahalo ko kay Kyrene 'yon at pinahidan ang kuya niya para makipaglaro.

"Kyrene, baby, don't play with it. 'Yan ang gagawin nating cupcake." Mahinahon kong giit kay Kyrene. Nag-peace sign at ngumiti lang sa'kin si Kyrene.

"What time my dad will come back home mom?" Mayamaya pa ay tanong sa'kin ni Kyrene habang hinahalo ang nakalagay sa glass bowl.

"Pauwi na rin 'yon baby, kaya kailangan na nating ma-bake 'yan."

"Yes! I miss my daddy so much!"

"You've just talked with dad through phone call a while ago." Inaasar na naman ni Klyrix ang kapatid niya habang naghahalo rin ng fruit salad at tumitikim-tikim.

"Kuya, can I taste it too?" Dinig kong turan ni Kyrene sa kuya niya. Napatingin ako sa kanila at nakitang sinubuan ni Klyrix ng fruit salad ang bunsong kapatid. Napangiti ako sa tanawin na 'yon.

Sa tuwing nakikita ko ang dalawang anak ko ay sobra-sobra ang nararamdaman kong tuwa sa puso ko. Simula nang maging ina ako ay sila na ang naging sentro ng buhay ko. Silang dalawa kasama ang mapagpamahal at napakabuti kong asawa. Naluluha na lang ako kapag pinagmamasdan ko silang tatlo na nagkakatuwaan, sa sobrang saya at pagmamahal ko para sa kanila.

"Mommy!"

Natinag ako sa pagtitig at pag-iisip nang sumigaw ang anak kong si Kyrene. Nakita kong may puti na rin siya sa pisngi niya. Mukhang gumati ang kuya niya sa kaniya.

"Kayo talaga, ang dungis niyo ng tignan. Makikita kayo ng daddy niyo na ganiyan ang hitsura niyo." Lumapit ako sa kanila. Pero nakita kong nagtingin ang dalawang anak ko bago nakangiting bumaling sa'kin.

"Mom, you know how much we love you right?" Biglang tanong sa'kin ni Kyrene. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang lagyan nila ako pareho sa magkabilang pisngi na hinahalo ni Kyrene na nasa bowl. Natawa ang pareho kong anak nang makita nila ang reaksyon ko.

"You're so cute mom!" Natatawang sabi ni Klyrix. Hinalikan niya ko sa pisngi bago kinuha ang tissue. Pinunasan din ng anak ko ang nasa pisngi ko. Napangiti na naman ako sa ikinilos niya.

Nagmana talaga siya sa ama niya. Maasikaso at maalaga kahit sa murang edad niya pa lang. Minsan pa nga ay siya pa mismo ang umaalalay sa'kin imbes ako ang gumawa niyon sa kaniya dahil sa edad niya. Gano'n din siya sa kapatid niyang babae, kahit parati niyang inaasar ito, madalas ay siya pa ang nag-aasikaso sa mga gusto ni Kyrene. Katulad ng pagtitimpla ng gatas. Napakatalino at mapagmahal si Klyrix, katulad na katulad ng daddy niya.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon