Chapter 37

104 18 0
                                    

Kyla's Point Of View

NAGISING ANG DIWA ko nang may naramdaman akong humalik sa pisngi ko. Nang inimulat ko ang aking mata ay ngiti ng napakagwapong lalaking nakilala at minahal ko ang bumungad sa'kin.

"Happy anniversary to us babe..." Malambing na usal niya sa na titig na titig sa mukha ko.

Napangiti ako. "Happy anniversary to us..." Namamaos ngunit malambing ko ring tugon. "And happy birthday to you..." Dagdag ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Mabilis niya kong dinampian ng halik sa labi.

"Time to get up babe, we're going to Sta. Ana." Nakangiting sabi niya na ikinabangon ko.

"Sta. Ana?!" Gulat kong tanong sa kanita. Tinignan ko ang alarm clock sa side table at nakitang alas-dose kinse pa lang ng madaling araw. Nilibot ko rin ang paningin ko sa kwarto. Nagtaka ako dahil wala ang mga kasama ko dito sa kwarto.

"We're going to celebrate our first anniversary there, and our flight will be at 3am in the morning so you have to pack your things up by now babe." Nakangiting sabi ni Klyn.

"T-talaga? Sa Sta. Ana tayo magce-celebrate?" Hindi makapaniwalang tanong ko pa.

Bahagya siyang natawa. "Yes my babe, you heard me right." Malambing aniya. "We'll stay at Sta. Ana for 2 days." Nakangiting dagdag niya pa.

Nagmadali akong tumayo at tumakbo sa banyo. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Klyn bago nasara ang pinto. Hindi ko na ininda ang lamig ng tubig dahil sa excitement na nararamdaman ko. Tuloy ay paulit-ulit ko na namang nakanta ang favorite kong peppa pig song.

Nang lumabas ako ay wala na si Klyn ngunit si Angel at Diane ay nakaupo na sa kama at halatang hinihintay ako.

"Tutulungan ka namin mag-ayos ng mga dadalhin mo." Nakangiting usal ni Angel nang papalapit na ko sa kanila.

"Alam niyo yung plano ni Klyn?" Tanong ko sa kanila.

"Nalaman ko dahil hindi sinasadyang nasabi sa'kin ni Dextar, pero sinabihan din kami ni Klyn kahapon dahil madaling araw nga kayo aalis." Sagot ni Diane at binuksan na ang isang maliit na maleta.

Lumapit ako kay Angel na nagkakalkal na ng damit ko sa cabinet. "Wala akong bagong swimsuit. Hindi ko naman alam na pupunta kami sa Beach." Nakangusong sabi ko sa kanila.

Natawa sila. "No need Ky. Si Klyn pa mismo bumili ng swimsuit para sa'yo." Napahalakhak si Diane.

Gulat akong napatingin kay Diane. "'Di nga?!"

"Oo nga! Binigay din niya sa'min kahapon. Alam niyang hindi ka makakapaghanda dahil nga balak ka niyang i-surpise." Sagot niya at kinuha ang paper bag sa tabi niya. Inilabas niya ang mga laman niyon. Limang swimsuit ang nandoon. May isang one piece swimsuit na kulay skin tone, at ang apat ay two piece swimsuit na ngunit iba't iba ang disenyo. May kulay black, white, red at pink.

"Oh, My! Excited na ko!" Hiyaw ko sa excitement at kumahog na tumulong sa kanila sa pag-aayos ng mga gamit ko. Halos lahat ng dadalhin ko ay binili ni Klyn. Yung mga essential products. Pati shades, cap, slippers, at kahit ang beach cover-up para sa'kin. Maong shorts, simpleng mga pang-itaas na maninipis ang mga strap at mga t-shirts lang ang mga nilagay ko sa maleta. Halos kinompleto na kasi ni Klyn.

Suot ko na ang one piece swimsuit na kulay skin tone na kitang-kita ang likod ko, white maong shorts at puting sneakers. At dahil malamig ay nagsuot muna ako ng gray na jacket at bumaba na dahil naunang bumaba sila Diane kanina dahil maghahanda daw sila ng kakainin namin ni Klyn bago umalis.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon