Chapter 2

404 77 9
                                    

Klyn's Point Of View

KYLA CLARIZ AGPALZA... That girl...
Bakit ba hindi siya maalis sa isip ko?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ni hindi ko man lang namalayan na nakauwi na pala ako sa condo unit ko. Isa sa mga pag-aari ng pamilya namin. Tapos na ang trabaho ngunit yung babaeng 'yon pa rin ang nasa isip ko.

Hindi ko mapigilan na hindi mapatingin sa labi niya kanina, parang inaakit ako nito kanina habang kumakain.

Fuck! Why am I hallucinating?!

Marami na akong nakilalang babae at nakasama pero iba 'tong babaeng 'to, naninibago ako sa sarili ko. Hindi naman kasi ako nag-iisip tungkol sa mga babae. Pagkatapos ko silang makuha, wala na sa'kin 'yon. Ni hindi na bumabalik sa isip ko yung mga nangyari.

Kaya ngayon ay nagtataka ako maski sa sarili ko kung bakit inaalala ko at nagpapaulit-ulit sa isipan ko ang ngiti at ang kabuuan niyang mukha. Hindi ko malilimutan kung gaano kaganda ang mga mata niya, kumikislap ito na para bang sinasabayan ang labi niya sa pagngiti. Ang makinis at maamo niyang mukha...

Shit!

Natinag ako sa pag-iisip at pag-alala sa babaeng 'yon ng tumunog ang cellphone ko, senyales na may tumatawag sa'kin. Inis ko itong kinuha at nang tignan ko 'yon ay pangalan ng kaibigan ko ang nakapaskil sa sceen. Wala pa man ay mukhang alam ko na ang pakay niya.

"Aiverson." Ani ko sa pangalan niya nang sagutin ko ang tawag.

"Klyn! Nandito kami sa bar ni Dextar. Punta ka na dito." Sagot ni Aiverson sa kabilang linya. 'Yon na ang tinutukoy ko.

Madalas akong tumambay sa bar, kasama ang mga kaibigan ko na sila Dextar at Aiverson. Mga hayok din sila pagdating sa babae.

"Okay then." Sagot ko at binaba na ang tawag. Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at nagsimula ng tahakin ang daan papunta sa bar.

As I arrived at the bar, hinanap ng mga mata ko ang mga kaibigan ko. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko agad sila at mukhang nag-eenjoy na ang dalawa dahil may kaniya-kaniyang kandong na sila ng babae.

"Hey dude! You're here. C'mon join us. Oh, no! Humanap ka pala ng iyo. Sa'min na to e." Sabi ni Dextar habang gumagala ang mga kamay nito sa katawan ng babaeng nakakandong sa kaniya. Tsh!

Hindi ko siya pinansin, sa halip pumunta ako sa bar counter para kumuha ng inumin. Gusto kong makalimutan pansamantala ang babaeng 'yon kaya iinom ako ng iinom hangga't gusto ko.

"Hey, are you alone?" Mayamaya pa ay tanong ng babaeng umupo sa tabi ko. Hindi ko na inabala ang sarili ko na tapunan siya ng tingin.

"Yeah." Tipid kong sagot at nilagok ulit ang inumin. Natigilan ako nang maramdaman ang kamay niyang humaplos sa balikat ko.

"Let's go somewhere?" Dinig kong tanong niya pa kaya napatingin na ko sa kaniya. "You want to come with me? I promise you will never get bore with me." Nang-aakit na dagdag pa ng babae.

Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Maganda siya, at saka mahubog ang katawan. I deserve her body. So, bakit ko ipagkakait sa sarili ko na matikman siya?

Tinungga at inubos ko muna ang laman ng shot glass ko bago tumayo at liyong hinarap ang babae.
"Let's go then."At hinatak siya palabas ng bar.

Dumiretso kami sa parking lot para hanapin ang kotse ko. At nang mahanap ko ito ay agad ko siyang itinulak pasandal sa kotse ko at siniil siya ng halik.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon