Chapter 11

177 37 3
                                    

Diane's Point Of View

GAYA NANG napagkasunduan, ako nga ngayon ang nakatoka sa pag-grocery ng mga needs sa apartment namin. Isang buwan na siguro ang nakalipas nang si Angel ang bumili ng mga stock na food sa apartment namin kaya naman halos wala ng laman 'yong ref namin.

Inihatid ako ni Kyla sa pinakamalapit na mall sa tinutuluyan namin. Nang makababa ako ay nagpaalam agad siya dahil nag-uumpisa na daw maglinis sa apartment si Angel kaya tutulungan niya na daw ito.

Every sunday ay gano'n ang routine namin. Nagge-general cleaning kami sa buong apartment, bale 'yon na ang pangpapawis namin dahil wala kaming panahon pumunta sa gym.

Ambagan kami sa lahat ng gastusin sa apartment namin, mula sa pagbayad sa apartment syempre, sa tubig, kuryente at sa mga pagkain na kinakakain namin. Bukod do'n ay may malaki kaming alkansya. Naghuhulog kami do'n tuwing sahod namin dahil pangarap naming mag-travel ng magkakasama. May sarili-sarili rin naman kaming alkansya, para naman 'yon sa sarili naming kagustuhan. Katulad ko, nag-iipon ako dahil gusto kong magkaroon ng sariling bar.

Sa tuwing may madadaanan o makikita akong bar ay tinititigan ko talaga ang mga 'yon. Sinasabi ko sa sarili ko na balang araw ay ako naman ang magkakaroon no'n. Kinakabisado ko ang buong detalye kung ano ang hitsura no'n para may ideya ako kapag ako na ang nagpatayo no'n.

Sa totoo lang ay ako ang mas may natitirang sahod kaysa sa mga kaibigan ko. Si Kyla kasi ay nagpapadala pa rin ng pera sa papa at kapatid niya. Gano'n din si Angel, marami kasi silang magkakapatid. Anim. Ang tatlo ay may mga asawa na at silang tatlo naman ay wala pa. Ang bunso nila ay nag-aaral pa. Ako naman ay sarili lang ang pinagga-gastusan. Kaya kapag nagigipit sila ay buong puso akong nagbibigay dahil sino-sino pa ba ang magtutulungan kung hindi kami-kami lang din.

Nang makapasok ako sa mall ay dumiretso agad ako sa supermarket. Pagkakuha ko ng cart ay kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang listahan na ginawa ko. Sa sobrang dami kong kailangang bilhin ay kinailangan kong gumawa ng listahan. Good for one month dapat.

Nang makita ko agad ang cup noodles ay kumuha ako ng marami. Paborito kasi namin 'yon. Naglagay din ako sa cart ng iba't ibang klase ng de lata. Tinulak ko na ang cart ko para pumunta naman sa oil section. Naglagay din ako ng mga seasonings, para 'yon sa karne na bibilhin ko. Nang mapadaan ako sa mga gatas, ay kumuha ako ng limang karton na sterilize milk. Nagsama rin ako ng yakult.

Naglagay rin ako ng fresh vegetables, fruits at mga karne. May bacon, tocino, ham, at longganisa. Chineck ko rin kung nakalimutan kong maglagay ng itlog na isang tray, nasa cart ko naman na siya.

Pumunta naman ako sa hygiene products, ito na lang kailangan kong bilhin at matatapos na ko. Nang mapalingon ako sa counter na ka-aisle nitong mga hygiene products ay may nakita akong lalaking nakapamulsa habang diretsong nakatingin sa'kin. Nakasandal siya sa counter at halatang hinaharot siya ng babae na nakatoka sa counter na 'yon. Daldal kasi siya ng daldal kahit nag-aasikaso ng mga pinamili ng customer at palingon-lingon sa lalaking kunwaring nakikinig sa kaniya at tumatango-tango pa ngunit na sa'kin naman ang paningin.

Hindi ko na lang 'yon pinansin at tumingin na lang ulit sa listahan ko at kumuha ng shampoo, conditioner, soap, deodorant at lotion. Yung kadalasan na ginagamit namin at hiyang kami.

Nang matapos ako ay pumunta agad ako sa counter na may dalawang pagitan mula sa counter kung saan nakita ko yung lalaki. Ayoko do'n dahil baka matampal ko lang yung babaeng nag-aasist do'n dahil inuuna niyang humarot bago yung trabaho niya.

Napabuntong hininga ako nang makita ang anim na plastic na punong-puno ng laman. Mawawala ang poise ko nito, shet!

Wala naman akong nagawa kaya binitbit ko pa rin ito. Tatlo sa kanan at tatlo rin sa kaliwang kamay ko. Nang makalabas ako sa supermarket ay may sumalubong sa'kin.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon