Chapter 53

113 19 0
                                    

Klyn's Point Of View

KANINA KO PA nililibot ang paningin ko sa paligid pero hindi ko pa rin makita si Kyla. Lumapit na ko sa table ng mga kaibigan ko. Hindi nila naramdaman ang paglapit ko dahil busy sila sa pagtitig sa dalawang kaibigan ni Kyla sa 'di kalayuan.

"Dextar, have you seen Kyla?"

Sabay na napatingin ang dalawang kaibigan ko sa'kin. "Oo, kanina." Sagot ni Dextar.

"Really? Where is she?"

"Hindi ko alam."

"The fuck? You said you saw her a while ago."

"Oo nga. Nung nabangga siya sa'kin. Diba nakita mo pa nga kami?"

"That's fucking 40 minutes ago. I've been finding her for about 30 minutes now."

"Wow. Bilang na bilang ah." Kunwaring manghang usal ni Dextar sa'kin.

"Tsh! I have no time for some jokes. I need to see her."

"Akala ko ba 'you shouldn't have care for her at all' bakit ngayon, ilang minuto mo pa lang hindi nakikita, hinahanap-hanap mo na agad?"

"Seriously? What the hell is wrong with you? I'm just asking you where she could possibly be and yet you're answering me nonsense."

"Because we're obviously enjoying watching you being paranoid over her. Did your own words taste good? How was it?" Nakangising sabat ni Aiverson. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa silang dalawa ni Dextar.

"Fuck you dumbass." Mura ko sa kaniya bago sila tinalikuran. Narinig ko pa ang malakas nilang pagtawa. Wala na nga silang naitulong, nagawa pang mang-asar. At nagkasundo pa talaga sila sa pang-aasar sa'kin.

Lumapit na lang ako sa dalawang kaibigan ni Kyla at sa kanila na lang ako nagtanong.

"Ah, Diane." Tawag ko kay Diane. Sabay sila ni Angel na napalingon sa'kin. Nagtaka ako nang makitang ang pag-aalala sa mga mata nila.

Pilit nila 'yong tinatago pero hindi nakaligtas 'yon sa paningin ko. Hindi ko naman alam kung bakit ako biglang kinabahan. Idagdag mo pa na hindi ko pa rin nakikita si Kyla. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip na baka may nangyari ng masama sa kaniya.

"Do you have anything need sir?" Tanong ni Angel sa'kin. Nakita kong nakahawak si Diane sa ear piece niya na halatang may pinakikinggan mula ro'n.

"I just want to ask if where is Kyla?"

Mabilis na napalingon si Angel kay Diane. Para siyang nanghihingi ng tulong na sagutin ang tanong ko.

"She's at the restroom." Si Diane ang sumagot.

"She was out of my sight for about 30 minutes now. Where is she?"

Bumuntong hininga si diane bago ulit ako sinagot. "She probably taking a rest now. Just go back to your fiancee and accompany her."

"But I need to see Kyla--"

"Hindi ka niya kailangang makita." Pigil ni Diane sa'kin. Natigilan ako nang makita ko ang galit sa mata niya. "Bumalik ka na kay Alysa Klyn, pakiusap."

Magsasalita pa sana ako nang talikuran na nila ako. Wala akong nagawa kundi ang bumalik na lang ulit sa tabi ni Alysa. Palingon-lingon pa rin ako sa paligid, nagbabakasakaling makita ko na si Kyla.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon