Chapter 17

157 29 1
                                    

Kyla's Point Of View

"LUNCH MEAL delivery!" Napalingon kami sa taong sumigaw no'n. Nagulat kami nang makita si Dextar na papalapit na sa'min.

Inilapag niya sa table ang dalawang paper bag. "Para sa'min?" Takang tanong ko sa kaniya.

Lumingon siya sa'kin dahil napako kay diane ang paningin. "Yeah, utos 'to ni Klyn."

"Bakit ikaw?" Tanong ko pa. Sinilip ko ang laman ng dalawang paper bag at nalula sa dami ng mga pagkain sa loob.

"Actually, may iba siyang inutusan pero nag-insist akong ako na lang ang magdadala nito dito since may gusto rin akong makita." Paliwanag ni Dextar.

"Ahh..." Tumango-tango ako. "Sino naman ang gusto mong makita?" Tanong ko kahit obvious na obvious naman. "Si Diane? O si Diane?" Tinuro ko pa ang pisngi ni Diane. Tinampal naman agad niya ang kamay ko.

"Yeah. Si Diane nga... yung Ballesteros yung last name." Nakangiting sagot ni Dextar. Nakatingin kay Diane na aburido na.

"Oh, ikaw nga tyeh!" Anas ko pa kay Diane. Pasiring niyang inalis ang paningin sa'kin at sinamaan ng tingin ang lalaki.

"Bakit gusto mo kong makita?" Masungit na tanong ni Diane kay Dextar.

"Kasi namimiss na kita." Nakangiting sagot ni Dextar.

"Bakit mo ko namimiss? Ano ba kita?" Taas kilay na tanong niya pa kay Dextar.

Hinayaan ko lang silang mag-usap at bumaling na lang ako sa paper bag sa table at sinimulang ilabas ang mga pagkain na nasa loob.

"'Yan mismo ang namimiss ko, ang kasungitan mo." Dinig kong sabi pa ni Dextar kay Diane bago ang paglapit niya sa'kin para tulungan akong maglabas ng mga pagkain. "Kumain na lang tayo." Lingon pa nito kay Diane.

"Anong kumain na tayo? Walang tayo 'no!" Asik ni Diane sa kaniya. Napatingin kaming dalawa ni Angel sa kaniya.

Desisyon...

Nang mabuksan na namin lahat ng container ay umupo na ko para simulan ng kumain at gano'n din silang tatlo.

"Umalis ka na dito, kakain na kami. Salamat sa pagkain." Masungit na sabi pa ni Diane at sumubo ng nakuha niyang pagkain.

Natigilan kumuha ng pagkain si Dextar at ngumuso kay Diane. "Balak ko nga sanang sumabay sa inyo kumain e."

"Bakit ka sasabay sa'min? Close ka ba namin?"

"Nagugutom na kasi ako, inuna ko kasing ihatid 'to sa inyo kaysa kumain muna." Nakangusong ani Dextar.

"Nagugutom na pala yung tao Diane e, 'wag kang ganiyan." Sita ko kay Diane. Hindi na siya umimik at kumain na lang muli. "Sige na, sumabay ka na sa'min kumain. 'Wag mo na lang intindihin 'yan si Diane. Pa-hard to get lang talaga 'yan." Baling ko kay Dextar. Ngumiti siya sa'kin at kumain na rin habang palingon-lingon kay Diane.

"HOW'S YOUR meal?" Bungad sa'kin ni Klyn nang sagutin ko ang tawag niya matapos namin kumain. May 20 mins pa bago matapos ang lunch break namin.

Umalis na rin si Dextar kaya hindi na iritable si Diane at nakakapang-asar na naman. Nanunukso niya kong tinignan dahil alam niyang si Klyn ang tumawag sa'kin.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon