Chapter 7

188 45 4
                                    

Kyla's Point Of View

"BAR TAYO mamaya?" Anyaya ni Diane sa'kin. Nasa restroom kami ngayon at nakapagpalit na kami ng bagong pang-itaas na damit. Basa pareho ang buhok namin na parang bagong ligo kami.

"Ganiyan pala epekto sa'yo kapag nabuhusan ka ng tubig na may ice, nagyayaya bigla mag-bar." Sarkastikong sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniya sa salamin. Nagpupunas kami pareho ng buhok, pinapatuyo kahit papaano.

"Nabadtrip ako sa babaeng 'yon e." Halata naman sa mukha niya. Hindi niya matanggap na nasabuyan siya ng tubig nung Alysa. Hindi talaga kasi siya papatalo.

"Mapagpatol ka rin kasi."

"Eh sabihan ka ba naman ng tanga?" Nanggigigil niyang ani. Na-touch naman ako. "Ako lang ang may karapatang sabihin 'yon sa'yo." Dagdag niya pa. Napangiwi ako.

Sana hindi mo na lang dinagdagan ano po?

"Kutusan kaya kita diyan! Na-touch na ko e."

"Pero ano nga? Inom tayo?"

"Sige, pero sa bahay na lang."

"Ano ba 'yan!"

"Masyado kang magastos e."

"Minsan lang naman e."

"Hindi na, mag-redhorse na lang tayo."

Gulat siyang napatingin sa'kin.  "Redhorse amp!" Angil niya. Hindi sanay ang sikmura niya sa lasa ng redhorse.

"Empirador?"

"Ayoko!"

Arte...

"Oh sige, gin na lang."

"Ano ba!"

"Tanduay ice?"

Napangiti siya ng malawak. "At san mig light. Napailing na lang ako.

Klyn's Point Of View

"YOU SHOULDN'T have done that Alysa." Mariing giit ko kay Alysa na habang pinapatuyo pa rin ang dress niyang nabasa.

Tumigil siya saglit at nag-angat ng tingin sa'kin. "Bakit naman hindi? Pagkatapos ako mabangga ng kaibigan nila, sila pa yung matatapang!" Inis na tugon ni Alysa.

"Hindi naman sinasadya ni Kyla 'yon." Malumanay kong sabi.

Nakita ko ang pag-taas ng isang kilay niya. "So, that's her name huh?" Nakangisi ngunit bakas pa rin ang inis sa tono. "Kung hindi niya 'yon sinasadya, nag-sorry man lang sana siya ng maayos. Hindi yung kinukunsinti pa niya yung mga kaibigan niya makipagtalo sa'kin, e siya naman 'tong may kasalanan sa'kin!"

"She's not tolerating her friends to do that Alysa, and besides... pinagtatanggol lang naman siya ng mga kaibigan niya."

Inis niya kong tinignan habang nakaawang ang mga labi. "Seriously Klyn? Talagang pinagtatanggol mo pa sila?"

"I am not." Giit ko. "Pero mali pa rin yung ginawa mo kanina, kung hinayaan mo na lang silang umalis--"

"See? You're defending them." Putol ni Alysa sa sinasabi ko. Bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy ulit sa pagkain. "Sabihin mo nga sa'kin Klyn... may gusto ka ba sa isa sa mga babaeng 'yon?"

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon