Chapter 20

151 25 2
                                    

Klyn's Point Of View

"NAI-KWENTO KITA sa kapatid kong babae and she said that she's so excited to meet you soon." Sabi ko kay Kyla habang kausap siya sa phone. Kanina ko pa siya naihatid pauwi pagkatapos naming sunduin si Tristhan sa school niya. 7pm rin ang time ng uwian nila dahil college na siya.

Kanina pa rin ako nakarating sa condo unit ko. Nakahiga na ko sa kama at dahil hindi pa ko inaantok ay tinawagan ko pa muna si Kyla.

"Talaga? Nakakatuwa namang malaman 'yan." Sagot niya sa kabilang linya.

"Mm." Tango ko kahit hindi niya naman ako nakikita. "And I promised to her na kapag may free tayong day ay we will visit her to our house in Marikina."

"Eh?" Gulat na aniya. "Bigla tuloy akong kinabahan..."

Natawa ako. "Don't be. She's a nice, sweet and a cute girl... just like you." Nakangiting wika ko at inalala na naman ang kabuuan ng mukha niya.

Natahimik muna siya sa kabilang linya bago ulit nagsalita. "Ah, Klyn..."

"Mm?"

"Kailan nga pala birthday mo?"

Sandali akong natigilan. "September 20."

"Ilan taon ka na no'n?"

"25." Sagot ko. "Why?"

"Wala lang."

"How about you? Kailan ang birthday mo?"

"Matagal pa." Bahagya siyang tumawa.

"When?"

"Sa december pa. December 28."

"Mmm..." Tumango-tango ako. "How old are you na ba?" Tanong ko.

"22, mag-23 sa december."

"Mm, I see." Tugon ko. "What if your birthday would be on tomorrow... what gift do you want to receive from me?" Bigla ko 'yon naisip.

Sandali siyang natahimik. "Okay lang naman sa'kin kahit walang gift. Presensya mo lang ay ayos na."

"Just tell me what you want and I'll give it to you." Pamimilit ko pa. Narinig ko siyang tumawa na para bang may naiisip na namang pang-asar niya sa'kin.

"Ang pagmamahal mo para sa'kin. 'Yon lang ang gusto kong ibigay mo sa'kin." Paniguradong nakangisi siya nang sabihin niya 'yon.

Ngumisi din ako. "You already have it babe..." Malambing kong sabi. Matagal siyang natahimik kaya palihim akong natawa. "What else do you want? Think about a birthday gift babe." Malambing dagdag ko pa. Nakagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang matamis na pagtawa.

Sa wakas ay nagsalita siya. "Hindi naman ako type of materialistic kaya hindi ako makaisip ng birthday gift, but I have a birthday wish though..."

Naging interesado ako sa wish niya na 'yon. "What is it?"

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Hindi na sana kami guluhin ni mama..."

Natigilan ako sa sinabi niya lalo na sa tono ng boses niya. Malungkot ang tinig niya nang sabihin 'yon.

"Babe..." Lang ang naiusal ko.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon