Chapter 10

188 35 1
                                    

Kyla's Point Of View

"BAKIT GISING ka pa?" Tanong sa'kin ni Diane nang makapasok siya sa dining area. Nakaupo ako sa dining chair at hawak ang baso na may lamang sterilize milk na nakapatong sa table. Alas-onse trenta na ng gabi, ngunit hindi ako makatulog. Kanina pa kasi may gumugulo sa isip ko.

Lumingon ako sa kaniya. Dumiretso siya sa refrigerator at binuksan ito. "Hindi ako makatulog e." Sagot ko sa kaniya at uminom ng gatas at saka tumulala sa kawalan.

"Bakit hindi ka makatulog?" Tanong niya pa at isinara na ang ref nang makuha niya ang karton ng sterilize milk, lumapit siya sa mesa at inilapag 'yon do'n. Kumuha siya ng baso at saka nagsalin. "Siguro... iniisip mo si sir Klyn 'no?" Dagdag niya pa.

Napabuntong hininga ako sa kawalan. "Gano'n na nga."

"Hoy!" Napalingon ako sa bigla nang isigaw niya 'yon. Nakaduro pa sa'kin. Hilig niya talagang isigaw ang hoy. Gabing gabi na! Tsk! "Bakit iniisip mo si sir Klyn ah?"

Bahagya akong napailing. "Tsk... Naguguluhan kasi ako sa kaniya e."

Naupo siya sa harap ko. "Pa'nong naguguluhan?" Tanong niya at saka uminom ng gatas.

"Parang nilalandi niya kasi ako e."

Nailapag niya ang baso sa mesa at  napailag siya. Nakahawak pa sa dibdib. "Luh? Gondoh ka?" Bulalas niya sa'kin. "Siya pa lumalandi sa'yo? Desisyon daw ah!"

"Tsk! Seryoso ako." Sabi ko at napatitig sa kaniya habang inaalala ang nangyari sa restaurant kanina. "Katulad kanina... yung inaakto niya sa harap ni Gelo, hindi ka ba nagtataka?"

Napakurap siya sa'kin. "Actually, napansin ko nga 'yan." Sabi niya at ipinatong ang mga braso sa mesa at tumunghay sa'kin. "Feeling ko lang ah, parang nagseselos si sir sa kaniya."

Napaisip ako. "Eh bakit naman siya nagseselos?'

"Engot! May gusto sa'yo si sir."

Nabigla ako sa sinabi niya. "A-ano bang sinasabi mo diyan?!" Utal kong asik sa kaniya.

"Sus! Wag ka ng magbulag-bulagan, halatang-halata mamsh! Hindi ko lang sinasabi sa'yo pero kakaiba talaga yung mga tingin sa'yo ni sir, tapos ang tagal niya pa kung tumitig sa'yo--para bang inaabangan niya bawat reaksyon sa mukha mo. Gano'n!" Mahabang paliwanag niya.

Kahit naman ako ay napapansin 'yan. Ayoko lang masiyadong mag-maganda. Madalas ko siyang mahuling nakatitig sa'kin at kahit lumingon ako sa kaniya ay hindi niya pa rin 'yon inaalis. Parang pinapapaalam niya pa sa'kin na nakatitig nga siya sa'kin. At wala siyang pakialam kung sino man ang makakita.

"Pero... 'wag ka muna masyadong mag-assume na gusto ka ngang talaga ni sir, baka lumaki ulo mo e." Ngumiwi siya sa'kin pagkatapos niya 'yong sabihin.

Bahagya akong natawa. "Psh! Bakit naman lalaki ang ulo ko?"

Uminom muna siya ng gatas. Kaya napatingin din ako sa baso kong hindi ko na nagalaw mula pa kanina. "Sa gwapong 'yon ni sir tapos may gusto sa'yo? Hindi ka ba naman magyabang." Sarkastikong aniya pagkatapos ilapag muli ang baso niya sa mesa.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon