Chapter 3

311 59 6
                                    

Kyla's Point Of View

NANDITO KAMI ngayon sa loob ng office ni Macky. Hinihintay namin ang pagpasok ni Mr. Dela Cruz dahil may pag-uusapan daw sila. Mayamaya pa ay pumasok na ito sa silid. Bahagya pa itong tumigil sa paglalakad papalapit sa'min nang makita ako.

Anong problema mo ser?

Nang makaupo ito sa harap namin ay nagsalita na si Macky. "So... Mr. Dela Cruz, how's your observation towards to my company?"

"I can't say anything as of now." Wala ganang sagot ni sir.

"How's everybody?"

Naagaw ang atensyon ng lahat sa opisina sa biglang pagpasok ni Angelo sa opisina.

Napatigil siya sa pagsara ng pinto nang makita na hindi lang kaming magkakaibigan ang nasa loob. Hawak niya ang doorknob nang ilibot ang paningin sa loob at nang dumapo ang paningin niya sa'kin ay napangiti ito ng malawak at tuluyang sinara ang pinto na hindi inaalis ang tingin sa'kin.

Tumakbo ako sa kaniya at sinalubong ng yakap pagkatapos niyang ilapad ang mga braso na animong naghihintay na yakapin ko siya. "I miss you." bulong niya sa'kin.

"Ehem!" Napabitaw ako kay Angelo nang may marinig akong tumikhim.

"Sorry po sir." Nahihiyang paumanhin ko. Natigilan ako nang makita kung gaano kasama ang tingin sa'kin ni sir.

Bakit super duper sama ng tingin mo sa'kin ser?

"I didn't know that you're having a meeting here." Ani Angelo.

"Obviously..." Mr. Dela Cruz diverted his glance to Angelo. "And you disturbed us."

"I'll just excuse Ms. Kyla with me, then you may continue your discussion."

"No." Nagugulat kaming magkakaibigan na napatingin kay sir.

Nangunot naman ang noo ni Angelo habang nakangiti pa rin."What do you mean by no?"

"You can't take her with you, we need her here."

"Okay. I'll wait here.." at umupo sa couch.

"Hell no!" Agarang ani sir.

Nilingon ni Angelo si sir. "What's your problem dude?"

"Just get the hell out!" Inis na sabi ni sir.

"Why would I?"

"Because I said so."

"As far as I know you're not the boss of me so I won't get out of here just because you said so."

Inis na ngumisi si sir. "Let's say I'm not your boss but I'm pretty sure that I am more powerful than you."

"May makakapagsabi ba sa'kin kung anong nangyayari?" Dinig kong bulong ni Angel sa kabila ng panonood namin sa eksena nung dalawa. Hindi malaman kung anong pinaglalaban, kami tuloy ang naguguluhan sa kanila.

"I smell something fishy baby..." Nakangising usal ni Diane.

Napakamot na lang ako ng kilay bago bumaling kay Angelo. "Ah, Gelo.. hintayin mo na lang ako sa labas. Susunod ako sa'yo pagkatapos nito." Nakangiting sabi ko kay Gelo.

"I can wait you here babe." Kumindat pa si Gelo sa'kin.

"Babe? What the hell?!" Mahinang asik ni sir pero rinig namin. Bahagyang umawang ang labi ko at napatitig kay sir. Pero napakurap ako nang bigla itong tumayo.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon