Chapter 52

105 18 1
                                    

Kyla's Point Of View

DUMOBLE ANG KABA ko. "K-klyn..." Sinubukan kong pumiglas pero mas hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa'kin.

Seryoso niya kong tinignan sa mata ko. "Are you avoiding me?" Napatitig ako sa mga mata niya. May hinanakit akong nababasa ro'n.

Napalunok ako at hindi makasagot. Lumingon ako sa magkabilang gilid ko. Natatakot na may makakita sa'min, lalo na si Diane na nasa loob lang ng kwarto na sinasandalan ko. Anumang oras ay lalabas na siya at mahuhuli kami ni Klyn.

"K-klyn, b-baka may makakita sa'ti--"

"The hell I care?"

"K-klyn, please, lumayo ka sa'kin."

Natiglan siya sa sinabi ko at napatitig sa'kin. Nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa'kin ay nagtagumpay akong nakawala sa kaniya.

Tumingin ako kay Klyn. Nakaigting ang panga ngunit malamlam ang pagkurap ng mga mata niya na nakatuon sa'kin.

Bumuntong hininga ako bago ulit nagsalita. "Magsisimula na ang party, mauna ka ng bumaba."

"B-babe--" Sinubukan niya ulit akong hawakan pero agad akong pumiglas.

"'Wag mo na kong pahirapan Klyn, bumaba ka na."

"N-no, please, talk to me first--"

"Wala tayong dapat pag-usapan, bumaba ka na." Madiin kong giit.

"Babe, please, don't be like this. Don't push yourself away from me, I can't take it."

Tumingin ako ng diretso kay Klyn. "Ito ang dapat Klyn. Wala na kong ibang dahilan para lumapit sa'yo, bukod sa trabaho... Wala na..." Gusto kong umiyak nang makitang parang nasaktan si Klyn sa sinabi ko.

Tuluyan akong napaluha at hindi nagpumiglas nang yakapin niya ko ng mahigpit. Sinubsob niya ang mukha sa gilid ng leeg ko na talagang gawain na niya noon pa man. Makalipas ang ilang saglit ay humiwalay siya sa'kin, walang salitang tumalikod at naglakad na palayo sa'kin.

Lumuluha kong pinanood ang paglayo niya, at mas lalong napaiyak nang makitang nagpupunas siya ng mata. Bago rin siya tumalikod kanina ay nakita ko ang mapupungay niyang mga mata na may nagbabadyang luha.

Nang hindi ko na siya natanaw ay kinalma at inayos ko na ang sarili ko. Ngayon lang ako nagpapasalamat sa pagiging makupad ni Diane, dahil do'n ay hindi niya kami nakita. Hindi na rin ako pumasok ulit sa kwarto dahil baka magtaka pa siya. Bumaba na rin ako at hinanap si angel.

"Wear it." Utos sa'kin ni Angel sabay abot ng ear piece. Ginawa ko naman agad 'yon, narinig ko agad ang boses ng kapatid ko na nagmumula ro'n. "Hindi pa tapos si Diane?" Tanong ni angel sa'kin.

"As usual." Tipid kong sagot. Ang isip ay na kay Klyn pa rin.

Nanatili kaming naglilibot sa kabuuan ng bakuran. Gold and white ang naglalarong kulay sa paligid. Kahit ang swimming pool nila ay pinakialaman namin para mas magkabuhay. Papalit-palit ang ilaw sa ilalam niyon na talagang nakakamanghang pagmasdan.

May malaking screen sa stage kung saan naka-appear ang mga litratong kinuhanan ni tristhan nung nakaraaang araw. May nakalaan na pwesto sila Klyn at Alysa sa mismong stage.

Maraming mga round tables sa na halos pinuno ang bakuran pero may sapat pa rin na espasyo para maging komportable ang mga bisita.

Ang pwesto naman ng pagkain ay talagang pinag-aksayahan ng oras ni angel dahil favorite spot niya ito. Nakakaengganyong kumain dahil mukha talagang masasarap ang mga pagkain.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon