Chapter 60

182 22 1
                                    

Klyn's Point Of View

"ANG TAGAL NAMAN ni Gelo dumating." Nababagot na sabi ng asawa ko. Palingon-lingon pa siya sa pintuan. Nangunot naman agad ang noo ko at napatingin sa kaniya.

"Bakit ba atat na atat kang makita si Angelo? Nandiyan yung asawa mo oh." Turo sa'kin ni Diane.

Nandito kami sa sala kasama ang mga kaibigan namin ng asawa ko. Binisita nila kami at dinalhan ng pagkain, ito namang asawa ko ay walang ibang bukambibig kundi si Angelo. Pinipigilan ko na lang ang inis at selos na nararamdaman ko dahil nag-iba talaga ang ugali ni babe nitong mga nakalipas na linggo.

Tinignan ako ng asawa ko pero ngumiwi lang siya sa'kin at umiwas ng tingin. Inis akong bumuntong hininga at uminom ng wine.

"Magka-away ba kayo ni Kyla?" Tanong sa'kin ni Dextar.

"No." Iling ko. "Ilang linggo na siyang ganiyan sa'kin. Masungit." Napailing ulit ako at napainom ulit ng wine.

"Gelo!"

Napatingin kami kay Kyla nang humiyaw siya at patakbong lumapit kay Angelo na kakapasok lang sa bahay. Ngumiti naman siya at sinalubong ang yakap ng asawa ko sa kaniya.

"What. The. Hell?" Madiin kong sabi at napatayo.

Napatingin silang dalawa sa'kin pero sinimangutan lang ako ng asawa ko. Si Angelo naman ay ang lakas ng loob na ngumisi sa'kin.

"Damn, annoying!" Padabog akong umupo at tinignan sila ng masama. Si Angelo lang ang nakakita sa'kin dahil nakatalikod si babe sa'kin.

"Grabe, ang bango mo!"

Mas naasar ako sa puri ng asawa ko kay Angelo. Nagsimula na namang maglibot ang dila ko sa kaliwang pisngi sa loob ng bibig ko. Natatawa naman ang dalawang kaibigan ko sa'kin. Ang dalawang kaibigan naman ni babe ay pinag-aaralan ang kilos ng kaibigan nila.

"Gelo, tara sa kusina. May ipapatikim ako sa'yo."

Namula ang tainga ko sa narinig ko. Hindi ko na napigilang lumapit sa kanila at marahang inilayo ang asawa ko kay Angelo.

"The fuck babe?! Anong ipapatikim mo sa kaniya huh?!" Asik ko kay babe.

"Pfft! Hahahaha!"

"Takte!"

Tumawa ng malakas ang dalawang kaibigan ko. Sinamaan ko sila ng tingin kaya nagpigil na lang sila ng tawa.

"Ipapatikim ko sa kaniya yung papaya, ayaw mo naman 'yon diba?"

Napatingin ako kay babe. "Who says I don't like it? Papaya with mayonnaise is my favorite."

Imbes na kausapin ako ay bumaling na ulit si babe kay Angelo. "'Wag mo na lang siya pansinin ah? Nagmamaktol na naman siya." Nakagat ko ang labi ko sa asar. "Halika na sa kusina Gelo, lutuan mo ko ng pasta ah?"

Hindi nagdalawang isip si Angelo. "Sure."

"You lose!" Pang-aasar sa'kin ni Dextar. Nasundan ko na lang kasi ng masamang tingin si babe at Angelo na tumungo na sa kusina.

"I don't understand her!" Padabog ulit akong naupo.

"Kami rin, nawiwirduhan kay Kyla." Natatawang padagdag ni Diane sa sinabi ko.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon