Chapter 24

115 25 0
                                    

Klyn's Point Of View

NANG MARAMDAMAN ko ang labi ni Kyla sa'kin ay biglang nawala ang lahat ng pangamba na nasa dibdib ko. Pinaparamdam ng labi niya na wala akong dapat na ipag-alala dahil maayos ang lahat sa'min. Ngayon lang ako nakaramdam ng tila paghaplos sa puso ko nang dahil sa halik ng isang babae. Talagang kakaiba ang epekto sa'kin ng babaeng 'to. Binabaliw niya ko sa pag-aalala at binabaliw niya ako sa masarap na pakiramdam.

Nang makapasok na kami sa loob ng bahay namin ay hindi ko na maialis pa ang tingin ko sa kaniya. Gusto ko lang talaga palagi na pinagmamasdan siya.

"Good afternoon po, tita Marianne." Magalang na pagbati ni Kyla nang salubungin kami ni mommy. "Hello, kyline." Baling ni kyla kay Kyline na sumunod kay mommy. Yumakap agad ang kapatid ko kay Kyla kahit hawak-hawak ko ang bewang niya. Wala akong balak bumitaw sa kaniya.

"I'm so excited na po!" Kinikilig na wika ng kapatid ko kay Kyla habang nakatingala siya. Hindi ko naman naintidihan ang tinginan nila sa isa't isa. Ngumiti lang si Kyla at kumindat kay Kyline. Bumungisngis ang kapatid ko na lumingon pa sa'kin. Nang makita niyang tinitignan ko siya ay bigla siyang nagsalita.

"Happy birthday kuya!"

Magiliw niyang bati at sa'kin naman yumakap. Narinig ko ulit ang hagikgik niya kaya nangunot ang noo ko sa pagtataka. Nawala lang 'yon nang maramdaman kong hinawakan ni Kyla ang kamay ko sa bewang niya at pinisil 'yon. Napatingin ako sa kaniya at napangiti rin nang makitang nakangiti siya sa'kin.

Kuminang ang mata niya sa paningin ko kaya namamangha akong napatitig sa kaniya. Parang may pinahihiwatig ang pagkinang ng mga mata niya ngunit hindi ko mahulaan kung ano 'yon kaya inabuso ko na lang ang pagtitig sa kaniya.

"Nakaupo na ang mga kaibigan at kapatid mo doon, pumaro'n na rin kayo dahil kumakain na sila ro'n." Napatingin kami kay mommy nang sabihin niya 'yon. Itinuro niya pa ang pwesto kung saang lamesa nakaupo ang mga kasama ni Kyla. Ngumiti lang kami kay mommy at Kyline bago nagpaalam na pupunta na sa table na tinuro niya.

"Happy birthday Klyn!"

"Happy birthday kuya Klyn.",

"Maligayang kaarawan sa'yo!"

"Happy birthday, Mr. Dela Cruz."

Bati sa'kin nila Diane, Tristhan, Angel at Macky nang makarating kami sa table nila. Nagsilingunan ang ibang bisita malapit sa table namin nang dahil do'n. Naaninag ko naman agad ang mga dalawang kaibigan ko, nagulat pa ko nang makita kong kasama nila sa table si Alysa.

"Thanks." Pasasalamat ko sa kanila at ngumiti. Inalalayan ko na si Kyla maupo, nung astang uupo na rin ako sa tabi niya ay tinawag ako ni Alysa.

"Klyn!"

Napatingin ako sa kaniya at nakitang sumesenyas siyang lumapit ako sa table nila, at dahil bisita ko rin sila ay kailangan ko silang i-entertain.

"Babe, I will just go to their table okay? I'll be back."

Ngumiti lang si Kyla sa'kin at tumango. Hinalikan ko pa muna siya sa noo bago ako lumapit sa table nila Dextar na katabi lang din naman ng table nila kyla.

"Gosh! Happy birthday, Klyn!"

Hiyaw na bati ni Alysa sa'kin nang makalapit ako sa kanila. Hindi ko inaasahan na patakbo niya kong yayakapin at isinabit ang dalawang braso niya sa leeg ko nang humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin. Napalingon agad ako kay Kyla at napalunok nang makitang nakatingin na siya sa'min.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon