Chapter 41

107 18 0
                                    

Kyla's Point Of View

"TAMA BA 'tong dinadaan natin? Kanina pa tayo naglalakad ah?" Tanong ko habang hila-hila ko ang dalawang maleta ko. Sinusundan lang namin si Diane dahil sa new york din daw nakatira ang isa sa mga pinsan niya. Doon daw muna kami tutuloy pansamantala.

"Oo nga. Nagugutom na ko." Nakangusong ani Angel at hinimas pa ang tiyan niya.

"Palagi naman e." Nakangiwing ani ko sa kaniya.

"Magtanong na kaya tayo." Suhestiyon ni Tristhan habang palingon-lingon sa paligid.

"Ikaw magtanong. Ikaw nakaisip e. Alam mo namang mga english people ang nasa paligid. Gutom na rin ako kaya ayokong mabawasan pa ko ng dugo." Sabi ni Diane na lumingon saglit sa'min bago humarap ulit sa daan habang naglalakad.

Kanina ko pa nililibot ang paningin ko sa lugar. Kanina ay puro nagtataasang mga building ang nakikita ko, ngayon naman ay puro bahay na. Maganda ang ambiance at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga bahay. May sari-sariling daan papasok ang mga bahay na may mga halaman sa gilid nito.

"H-hey miss.. excuse me..." Nahihiyang bati ni diane sa dalawang babae na nakasalubong namin.

"Yes?" Tanong nung isang babae na maputi at halatang dito pinanganak dahil sa tangos ng ilong at kulay asul na mata nito.

"D-do you know where this place located?" Tanong ni Diane at pinakita pa ang cellphone niya para ipabasa ang nakasulat do'n.

"Ah, yeah." Sagot nung isang babae kay Diane bago bumaling sa kasama niya. "This located in Bronxville right?" Kunsulta niya sa kasama.

"Right. You have to use train to go there." Sagot naman nung kasama niya. Maputi rin at blonde hair. Kulay brown naman ang mata niya.

"Oh, I see. Thank you so much." Ngiti ni Diane sa kanila. Tumango naman sila sa'min bago nagpatuloy sa paglalakad papalayo na sa'min.

"Gumamit na tayo ng ways papunta sa station ng train." Suhestiyon ni Angel.

"Low battery na ang cellphone." Ani diane. Iisa lang ang telepono na nabili namin, para lang may magamit dito sa NY. Naiwan kasi ang mga cellphone namin sa apartment. "Maghanap muna tayo ng Hotel na pansamantala nating tutuluyan." Giit pa ni Diane. Pumabor kami sa kaniya.

"Maghanap muna tayo ng kainan." Napatingin kami kay Tristhan nang sabihin niya 'yon.

"Oo nga, kain muna tayo." Bira rin ni Angel. Nagtuloy na kami sa paglalakad para maghanap ng makakain.

Alas-nuebe na ng umaga dito sa Manhattan, New York City, USA. Nasa Airport pa lang kami ay namangha na ako sa lugar na 'to. Nagtataasan ang mga building dito. Nadaanan din namin ang Rockefeller Center. Ang mga punong nakapalibot ay naglalaro sa kulay pula, kahel at berde. Nagmumukha itong autumn, kaya masarap pagmasdan.

Natigil kami sa paglalakad habang pinag-aaralan kung tindahan nga ba itong mukhang bahay lang na nasa harap namin. Binasa namin ang nakasulat sa itaas ng mawalak na bintana at pinto nito. City Park Convenience Store. Mukha talaga siyang bahay lang.

Pumasok na kami at nakita ang mga estante na pinaglalagyan ng mga uri ng pagkain. Dilaw ang ilaw ng buong store, at hindi siya gano'n kalaki. Ni wala silang mga upuan at mesa na pwedeng kainan ng mga customer nila. Meron sa labas, isang mesa at dalawang upuan lang. Hindi pwedeng tumambay dito habang kumakain.

A Heart EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon