Prologue:

621 12 2
                                    

 High School Life

Sinasabi nilang High School ang pinakamasayang estado ng isang kabataan. Marahil ay dahil ito sa unti-unting transition sa pagiging bata papunta sa pagiging matanda. Unti-unti natututunan na nating tumayo sa sarili nating mga paa.

Minsan pa nga malilito ka kung BATA ka pa o MATANDA na dahil ineexpect ng nakatatanda na gumalaw at umarte ng matured at responsable dahil tumatanda na ngunit hindi naman pinapayagang mag-desisyon at mamuhay sa sarili lamang dahil bata pa.

Sa estadong ito, maraming first times. Maraming nalalaman at natututunan tungkol sa sarili, sa paligid, at sa buhay. Marami ding mga bagong karanasan na kukulay sa ating mga buhay at huhubog sa kung sino tayo sa hinaharap. 

Sa puntong ito ng ating mga buhay, marami tayong gustong malaman, gustong gawin, at gustong maranasan. Sabi nga, narito pa tayo sa punto ng ating mga buhay na CURIOUS pa tayo. 

Sabi nila, kapag bata pa, hindi pa natin alam ang pamamahal. Paano kung tadhana naang magdikta? Paano kung tirahin ka na ng pana ni kupido ng maaga? Masasabi ba nilang WE ARE TOO YOUNG TO LOVE dahil bata pa kami at hindi pa nalalaman ang tunay na kahulugan ng salitang PAGMAMAHAL?

TOO YOUNG TO LOVE (concluded-for editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon